Chapter 15 (Season Finale)

Start from the beginning
                                    

Tinawanan lang ako ng gago.

"Hindi ang katulad mo lang ang magdadala sa akin sa kama. I'm just teasing you."

"Do it again and you'll be sorry." banta niya saka na siya muling umupo at inabot ang gitara niya.

Naglakad na ako pabalik sa pinto ngunit napahinto na naman ako nang muli siyang magsalita.

"Hindi mo naman siguro uulitin ngayon ang ginawa mo sa akin noon." sabi niya.

Sumulyap ako sa kanya habang hawak ko ang pinto.

"Do not lock the doors. Dahil ikaw rin ang mapapahamak kapag ginawa mo iyon."

Hindi ko na siya pinansin pa at naiinis akong pumasok na sa bahay. Dumiretso ako sa silid ko at pinigilan ko ang sarili ko na huwag ibalibag ang pinto.

Damn! Bakit ko ba kasi naisipan na hawakan ang dibdib niya?

Napailing ako sa kaisipang iyon saka ko sinisi ang kaunting alak na nainom ko sa pinanggalingan ko na party.

Kinabukasan ay napagpasyahan ko na mangabayo sa paligid ng hacienda. Kinuha ko ang kabayo ko sa kuwadra saka ko iyon sinimulang lagyan ng saddle.

"Sayo ba ang kabayo na iyan?"

Napalingon ako sa pinanggalingan ng tinig. Nasa likod ko na pala si Ralf nang hindi ko man lang namalayan. Katulad din kagabi.

He was a big man but he moved like a cat. Hindi ko man lang naramdaman ang paglapit niya sa akin.

"Yeah!" sagot ko sabay bawi ko ng tingin mula sa kanya at ipinagpatuloy ko na lamang ang paglalagay sa saddle ng kabayo.

"I'm sorry about last night. Hindi ko sinasadya na bastusin ka. Ayokong lagyan muli ng lamat ang samahan nating dalawa. Gusto ko na sa pagkakataong ito ay magkasundo na tayong dalawa." sabi niya.

Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy ako sa ginagawa ko.

"Hindi mo man lang ba ako kakausapin?" tanong niya nang ilang sandali na ang lumipas ay hindi ko pa rin siya kinikibo.

Sumulyap ako sa kanya saka ako nagsalita. Gusto ko nang matapos ang usapan namin tungkol sa nangyari kagabi kaya ibinalik ko sa kabayo ang topic.

"Regalo siya nina Mama at Papa pagkagraduate ko ng highschool. I named him Greywind." sabi ko.

"Congratulations," sagot niya. "Nabanggit sa akin ni Tita Aurelia na Salutatorian ka raw." dagdag pa niya.

Hindi ko naman siya naringgan ng sarcasm sa sinabi niya. Bahagya na lamang akong nagkibit ng mga balikat.

"Sayo rin," sapilitan kong sagot, out of politeness. "Narinig ko na pinag-uusapan ng mga magulang ko ang pagtatapos mo more than three years ago."

Sinulyapan ko siya ngunit kaagad din akong nagbawi ng tingin dahil nakatitig siya sa akin.

"Not that I care, why didn't you come then?" tanong ko sa kanya.

Humakbang palapit sa akin si Ralf. Huminto siya sa harap ng kabayo at walang anumang hinaplos iyon.

Napako ang mga mata ko sa kamay niya na humahaplos doon. It was so gentle that for a fleeting moment ay naisip ko na sa ganoong paraan din kaya niya hinahaplos ang mga babae niya?

He must be about twenty three at sigurado ako na hindi na mabilang na mga babae ang nagdaan sa mga kamay na iyon lalo pa at sa maynila ito lumaki at nanirahan sa matagal na panahon. Idagdag pa na napakatikas ng lalaking ito at sa isang simpleng ngiti lang niya ay siguradong makakapukaw na siya ng pansin.

Beloved Bastard (Completed) Where stories live. Discover now