Chapter 5: Modifying Chant

54 2 0
                                    

Chapter 5: Energy Ball

♥Adriana's POV♥

"Today will be your training" seryosong sabi ni sir Blaze.

Andito ako ngayon sa office niya. Pinatawag niya ako dahil lang dito? Paano naman ako mag t-training eh hindi ko pa nga alam gamitin ang chant ko eh. Yan sana ang gusto kong sabihin pero hindi pwede. Hindi ako pwedeng umangal.

"Dean would be your training partner" nahampa ko ang desk niya dahil sa narinig. "Si Dean?!" Oh please! Kahit naman sino basta wag lang siya!

"Ehem"

"Sorry sir" pagpapaumanhin ko.

Nagulantang nalang ako ng maramdaman ko ang mainit na hininga na dumadampi sa batok ko. Nilingon ko ito at mas lalo akong nagulantang nang makita kung sino ito. Si Dean.

"O Dean, sabay na kayong magpunta sa training rooms" tumayo na si sir at nagpaalam na para umalis.

Naglakad na rin si Dean palabas ng office. Sumunod nalang ako. Baka maligaw ulit ako eh.

Huminto siya sa harap ng isang puti at malaking pinto. Tinulak niya ito at pumasok kami sa loob.

Isa itong maliit na silid at puti ang bawat sulok.

Nag palabas ng maliit na fire ball si Dean sa kanang kamay niya at pinatama ito sa puting ding ding. Nanlaki ang mata ko nang tuloy tuloy lang ang pagbulusok nito at hindi ito tumatama sa ding ding. Parang walang katapusang bumulusok ang maliit na bolang apoy ngunit unti unti rin itong naglaho.

"Magsimula na tayo" cold niyang sabi. Tumango lang ako. Humarap siya saakin at nagpabulusok ng fire ball na sunod sunod. Iniwasan ko ang mga ito pero napapagod na ako dahil patuloy parin siya dito.

"Ano ka ba?! Use your chant!!" Sigaw niya habang patuloy parin sa pagpapabulusok ng fire ball ng sabay sabay.

"Pano naman ako magpapalabas eh hindi ko alam!" Bulalas ko sakanya habang patuloy parin sa pag iwas. Ang fire ball naman ay derederetsyo lang na bumubulusok sa walang hanggang pader ng silid na ito.

Tumigil naman ito. "Maglabas ka nang energy ball..." I just stand there frozen. Hindi ko alam kung paano ito gagawin. "Now!" Nagulat ako sa sigaw niya at nag echo pa ito sa buong silid.

Inangat ko ang dalawang kamay ko at nagconcentrate sa pagpapalabas ng energy ball.

Tinitigan ko ang mga kamay ko at nagulat nalang ako ng may mag spark at nag form na maliit na energy ball. Pero bigla rin itong naglaho.

"Ano ba!! Gawin mo ulit!!" Nakakatakot na sigaw niya. Pero wala ako sa tamang oras para matakot. Kailangan kong magpalabas ng energy ball kasi ayaw ko pang matusta ng di oras.

Pumikit ako at nag concentrate sa pagpapalabas ng energy ball. Biglang nag init ang mga palad ko at naramdaman ko ang paglabas ng enerhiya sa mga ito. Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko ang unti unting paglaki ng mga bolang enerhiya sa mga palad ko.

Nawala ang ang mga enegy ball at napa upo ako sa malamig na sahig. Napahawak ako sa ulo ko dahil sa sakit. "Ano ba?! Wag ka na ngang umarte jan! Tayo!!"

Hindi ko na narinig ang sinabi niya dahil everything went blank.

***

Pagbangon ko, I was already at the hospital. Pinilit kong bumangon pero pinigilan ako nila Rizza.

"Dahan dahan. Okay kana ba?" batid kong nag aalala sila.

Dahan dahan akong umupo. Tumabi naman sila Rizza at Carla sa magkabilang gilid ko.

Enchanted Academy:School for Non-Ordinary PeopleWhere stories live. Discover now