Chapter 3: Enchanted Academy?

64 2 0
                                    

♥Adriana's POV♥

Teka lang, kakauwi palang ng anak ko kahapon. Tapos isasama mo siya sa isang Academy? Nakikipag usap ngayon si mama sa isang lalaki na kasing edad ko lang. Mukhang pamilyar ang mukha niya. Parang nakita ko na siya kung saan. Pilit kong inaalala ang mga bagay bagay. Panaginip. Oo yung panaginip ko kahapon. Siya yung lalaki. Siya yun at hindi ako pwedeng magkamali. Sasama ako pagpayag ko upang sumama. Anak! Hindi mo pa nga siya kilala tapos sasama ka sakanya? Pagtutol ni mama. Hinila ko si mama sa isang sulok para hindi marinig nung bisita ang sasabihin ko. Ma, gustong malinawan ang isip ko. Kahapon, nasa panaginip ko ang lalaking iyan. Gusto kong malinawan ang isip ko tungkol sa mga naiisip ko pagkumbensi ko. Anak, sigurado kaba jan? Pagkumpirma ni mama. Tumango lang ako tsaka ko siya yinakap. Sige, aayusin ko lang ang mga gamit mo tsaka siya nagpunta sa kwarto ko. Bumalik naman ako sa sala kung nasaan ang lalaki. Anong Academy ba yung tinutukoy mo? Pagtatanong ko sa lalaki nung kaming dalawa nalang ang magkasama. Enchanted Academy cold na sagot niya. Uhm, anong school yun? Pagtatanong ko ulit. Malalaman mo rin tsaka niya sinandal yung ulo niya sa sandalan ng sofa tsaka ito pumikit.

Napakacold ng dating niya. Parang walang kabuhay buhay ang mga nararanasan niya araw araw. Messy brown hair, nakapamulsang mga kamay, matangos na ilong, mahabang mga hita. Bagay sakanya ang life style niyang pagiging cold.

Anak, naka ready na ang mga gamit mo. Halika at magbihis kana tumayo naman na ako habang nakatingin sa lalaki. Mukhang tulog na siya. Umakyat na ako tsaka nagbihis.

Ilang minuto pa ay bumaba na ako dala dala ang malaking bag na naglagyanan ko ng mga gamit. Pagkababa ko ay gising na siya. Naka tayo na rin ito na para bang hinihintay niya ako. Adriana mag iingat ka ha. Bisitahin mo rin kami paminsan minsan. Mahal ka namin anak tsaka nila ako yinakap. Sige po. Aalis na kami pag papaalam ko sakanila tsaka nag wave good bye nang makarating ako sa pintuan.

Dinala nung lalaki ang bag ko at nilagay sa compartment ng sasakyan niya. Pumasok na ako at ganoon rin siya. Pagkapasok ko sa loob, may tao rin pala na mag d-drive. Hindi ko siya napansin kanina dun ah. Magandang araw po miss Collins bati nung driver na mukhang buttler? Nginitian ko lang siya. Katabi ko ngayon yung lalaki dito sa back seat. Dahan dahang umandar ang sasakyan. Sumilip naman ako mula aa bintana para matanaw ang bahay at ang pamilya ko bago umalis.

Tiningnan ko yung katabi ko, nakatingin lang siya sakin. Uhm, Adriana pagpapakilala ko sa sarili ko. Hindi niya ako pinansin at sinandal lang niya yung ulo niya sa sandalan ng upuan tsaka pumilit ulit. Ang yabang naman nito. Nagpapakilala lang naman ako eh!

Habang tinititigan ko nang masama yung mukha niya, napansin ko yung isang hikaw sa kanang teynga niya. Parang may electricity na bumabalot dito. May spark. Kakaiba to ha

Biglaang huminto ang sasakyan at lumabas ang driver. Sumilip ako sa labas ng bintana at bumungad sakin ang isang higanteng gate at ang malaki at makapal na brick wall na kasing laki ng silver na gate.

Ngunit ang umagaw ng attensyon ko ay ang pagwasiwas ng kamay nung driver sa tapat ng gate at bigla itong nagbukas. Kinusot ko ang mga mata ko at totoo ang nakita ko! Biglang umandar yung sasakyan papasok nung gate. Pagkapasok ng sasakyan ay para bang pumasok kami sa isang invissible na pader. Ano ba talaga ang nangyayari?

Nagsara ng kusa ang gate at nailock ito ng walang gumagalaw rito. Dumaan kami sa isang deretsyong daanan. Napakalaki ng gusali parang kastillo. Kastillo? Parang naaalala ko tong lugar na to. Nung biglang sumakit ang ulo ko, eto ang nakita ko. Oo eto nga yun. Huminto sa harap ng malaking pintuan ang sasakyan. Bumaba na yung driver kaya't bumaba narin ako. Kanina pa pala naka baba yung lalaki kasi wala na siya sa tabi ko. Hindi kona rin siya mahagilap sa kung saan. Ang bilis naman nun. Kinuha nung driver ang bag ko at pumasok na sa loob. Sumunod lang ako sa kanya.

Enchanted Academy:School for Non-Ordinary PeopleWhere stories live. Discover now