Last Chapter

16 3 0
                                    

"Sure ka bang okay lang ako tignan sa make-up na 'to?" Tanong ko sabay alalang tumingin kay Rhianne na ngiting ngiti sa akin. Kasalukuyan kaming nasa harap ng desk ni Rhianne ngayon. Meaning, nasa kwarto kami niya. Sa totoo lang, kanina pa ako kinakabahan dahil sa ginagawa naming 'to. Kasi kapag nahuli ako ni tita na nasa loob ng kwarto niya, nanganganib na hindi na ako payagan ni Tita na umalis.

Graduation na namin ngayon. Ang bilis ng panahin 'di ba? At nakakabigla na totoo nga ang sinabi ni Seungcheol. Dahil siya ang naging valedictorian at ako naman ang salutatorian. #FeelingBetrayed

Biglang hinawakan ni Rhianne ang kamay ko kaya napalingon ako sa kanya, "Ngayong graduation niyo na. I have a secret to tell."

"Ano 'yon?" kaba kong tanong.

Nginitian niya ako. "Last night, I let Seungcheol and Claire enter your room and we arranged your baggages." sabay balik sa ginagawa niya sa buhok ko, "You'll be free now."

"F-free? Pa'no? Hindi ako papayagang umalis ni tita. Alam ko 'yon!" sabi ko. Umiling siya.

"Seungcheol has a plan. All you have to do is wait for it."

----

Nasa school venue na kami ng graduation day. Hawak hawak ko ang kamay ng bestfriend kong katabi ko ngayon sa upuan at sobrang gusto na ng puso kong lumabas sa dibdib ko. Kinakabahan ako sa dalawang dahilan; sa graduation at sa sinasabing plano ni Seungcheol.

Nang oras na para magspeech ni Seungcheol, umakyat siya sa taas at nabigla ako sa lakas ng tilian ng mga babae sa likod.

"Go Seungcheol!!! We love you!!!"

Napairap naman ako sa ginawa nilang pag-cheer kay Seungcheol. Lalo na kung paano si Seungcheol tumugon ng isang flying kiss. Tsk.

"Selos ka naman?" Gulat akong napalingon kay Claire. Ang lawak ng ngisi niya ngayon.

"A-ano'ng selos ka d'yan?!" depensa ko sabay iwas ng tingin, "B-bahala siya d'yan sa buhay niya!"

"'Wag nang pa-deny deny, Yssa. Bilang kaibigan mo, kilala na kita at obvious na obvious na pagkatapos ng examinations, lumambot ka at naging obvious ang lagi mong pagsulyap kay Seungcheol kahit katabi mo lang siya." ngiti niya. Namula na lang ako.

Totoo naman si Claire na nagiging obvious na ang nararamdaman ko kay Seungcheol. Pero alam ko namang wala akong pag-asa. Para sa kanya, isa lang akong nakababatang kapatid o isang kaibigan na lagi niyang sinasalba sa pahamak. Napabuntong hininga ako. Sa past few days na naging ayos kami nina Claire, tinanggap ko na rin ang fact na iyon na lang ang trato at tingin niya sa akin.

Isang kaibigan at kapatid.

"Yssa! Binanggit ni Seungcheol ang pangalan mo!" Sabi ni Claire na kinikilig pa.

"Ha?" nilingon ko agad si Seungcheol.

"And that's all of the things I want to say. Thank you everyone." ngiti niya at natapos na pala ang speech niya. Bumaba siya at bumalik na sa pwesto niya.

Hays. 'Di ko naabutan. Pero alam ko namang binanggit niya 'yon para pasalamatan lang ako sa pagiging kaibigan niya.

Natapos ang graduation at lahat lahat na pero wala na talagang pag-asa na maging mas mataas pa ang nararamdaman ko kay Seungcheol. Ayoko namang umamin, eh. Kasi, masasaktan rin ako. Pero alam ko namang laging nakatatak sa isip ko na para sa ikabubuti ng sarili ang katotohanan. Kaya gagawin ko ba ngayon?

Nilingon ko si Seungcheol pero nagulat ako nang bago ko pa man magawa iyon ay niyakap niya ako.

"Seungcheol?"

"Thanks for everything. I know hindi mo narinig pero I'll tell you myself. Yssa, you, are the best person that came to my life. I was down at that time and I was thankful na nandyan ka sa tabi ko. We may had a disastrous encounter but I promise you, we'll have a beautiful ending, and..." sabi niya. Aamin na ba siya? Waaaah. 'Di pa 'ko readyyyyy. Kalma, self! Inhale, exhale, inhale exhale. Waaaah!

"...that will happen if you join us to South Korea." ngiti niya at bigla kong nakita si Claire sa sulok na napa-face palm.

Huminga ako nang malalim. Wala na talaga akong magagawa. Hindi pa nagsisimula ang laban, natalo na agad ako. At ang akin magagawa na lang ay itago ang lungkot sa boses ko at sabihing,

"Oo. Sasama ako."

----

Nasa bahay na ako at naghahanda para sa "pag-alis" na sinasabi nina Seungcheol. Malungkot pa rin ako sa mga oras na iyon dahil iniisip ko pa rin 'yung kaninang graduation na pinaasa ko ang sarili ko na aamin na siya.

Nakaupo lang ako sa sofa. Nasa loob ng kwarto ko ngayon si Seungcheol at ang kuya niya. Apat raw kaming pa-South Korea at hinahayaan ko na lang sila sa mga pinanggagawa nila sa buhay nila.

Si Tita nandoon sa kwarto. 'Di ko alam kung anong ginagawa niya. Sabi pa ni Seungcheol, napaalam na niya ako kay Tita at wala na raw nagawa si tita kundi ang sumagot ng 'oo' at pakawalan ako. Medyo masaya, dahil makakalaya na ako. Pero iba na ang dahilan ng kalungkutan ko ngayon. Iba sa inaasahan ko.

"Yssa."

"Bakit?" nilingon ko si Seungcheol. Dala dala na nila ang mga bagahe ko.

Nginitian naman niya ako. "Tara na?"

Huminga ako nang malalim at tumayo na. "Tara."

Habang nasa kotse kami pabyahe ng airport, biglang nagvibrate ang phone ko at nakita kong tumatawag si Rhianne ngayon. Sinagot ko naman agad.

"Hello?" sabi ko.

"Yssa." tawag niya sa kabilang linya. "May dahilan kung bakit galit na galit sa 'yo si Mama. Kakasabi niya lang sa akin kanina dahil tsaka pa lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na tanungin siya." huminga siya nang malalim. "Paborito raw ng lahat ang Mama mo, na kapatid ni Mama. Magaling siya sa lahat ng bagay. Sa pakikipag- kaibigan, sa pag-aaral, kaya isa siyang Valedictorian noon sa klase nila. Naiinggit si Mama kasi paborito si tita or mama mo ng lola natin. Kaya, pinlano niyang gawan ng masama si mama. Through car accident pero nahinto ang plano niya dahil nagsisi na siya pero nahuli na ang lahat. Naaksidente na si tita ng ibang kotse at naisipan na lang niya na sa'yo na lang gumanti. Ngayon, kaya nagkulong si Mama sa kwarto ay dahil nagsisisi na siya na nanakit siya ng isang babaeng katulad mo na naging mabait at masunurin."

Huminga ako nang malalim at saka ko lang nalamang umiiyak na pala ako. Ang matagal nang tanong sa isip ko ay nasagot na rin at imbis na magkaroon ng galit sa kanya, mas naisipan kong ilabas na lang ang lahat ng nararamdaman ko sa iyak.

"Sorry sa lahat ng nagawa ni Mama. And now, I hope for your happiness. Please take care sa Korea and I'll miss you." At nahinto na ang tawag.

Biglang hinawakan ni Seungcheol ang ulo ko and he patted it a lot of times.

"You'll be fine now, Yssa."

Nilingon ko siya at doon ko na lang din natanggap na hanggang magkaibigan na lang kami. I won't wish for more. What I only want is happiness. Bata pa naman ako at marami pang mararanasan sa buhay. And I just took the first step.
 
  
  
"Yssa, we are now your home."
 
  
  

- W A K A S -

A/N. There you have it, folks. 3 - 4 days ko lang natapos ang dami kasing guenagawa sa buhay. 💎❤ Not satisfied sa ending? Gusto niyo magkatuluyan ang dalawang bida, sorry pero 'di ako gagawa ng karugtong niyan. 'CAUSE IT ALREADY HAD ONE. Check out Yssa's dream on first part of Chapter One.

'Yun lang and.... gomabda! 🌻

Started&Published: 10/20/19 -10/25/19

SVT Fanfic (SeungCheol): HomeWhere stories live. Discover now