Chapter One

105 4 0
                                    

Nasa airport na kami papuntang Korea at ang saya saya ko na papunta na kami sa dream country ko! Kasama ko pa ang mga kaibigan ko at pati siya na katabi ko sa upuan.

"Yssa."

"Hm?"

"I have a confession to make, hindi talaga pagpunta ng Korea ang kaisa-isang sasabihin ko sa puno ng mangga." Binigyan ko siya ng ekspresyong nagtataka.

"Dahil, gusto ko ring sabihin na, I love you, Yssa. Ever since I first saw you." sabi niya at agad akong binigyan ng mahigpit na yakap.

Napatango naman ako habang ngiting ngiti, "Ako rin. At... I love you too, mahal ko." Sagot ko pagkatapos niya akong halikan.

"Ready to go to Korea?" Tanong niya sa akin habang hawak hawak ang bewang ko.

Nginitian ko naman siya pabalik at agad na tumango. "Ready na ready na."

----

"YSSAAAAAAA!!! KAPAG 'DI KA PA BUMABA DITO MALALAGOT KA NA SA'KING BATA KAAAAA!!!!"

"Opooooo! Bababa na!" Hiyaw ko sa tita ko at saka na bumangon sa kama.

-----

Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin ang panaginip ko. Sayang. Anlabo kasi nung imahe ng lalaki. Hayaan ko na nga lang.

"Bye Pootch!" Wika ko sa aso kong puti bago lumabas na ng bakuran para pumasok sa school. Maaga aga akong nagising kaya no worries na sa pagtakbo papasok. Magchichill na lang ako sa paglalakad.

"Yssa!" agad akong napahinto sa boses ng isang babaeng tumatawag sa kin. Nilingon ko 'yon at agad na nakita si Claire na tumatakbo papunta sa 'kin, kumakaway.

"Goodmorning."

"Goodmorning, Yssa." Kumunot ang noo niya, "Waiiiit..." agad siyang nagkalkal ng kung ano sa bag niya at nakita ko naman na kinuha niya ang panyo niya. At,

"Aray! Claire naman! Masakit. Ano ba 'yan?" Sunod sunod kong reklamo habang marahas niyang pinupunasan ang kaliwang pisngi ko. Feeling ko mapupunit na ang mukha ko sa ginagawa niya!

"There. Nawala na rin 'yang uling sa mukha mo." sabi niya at nginitian ako. Maya maya, sumimangot na naman. Abnormal talaga 'tong si Claire. Bipolar.

"'Di ba sabi ko sa'yo, paglaban mo 'yang sarili mo. Let me guess, nagpa-api ka nanaman, 'no?"

Hindi ako nakasagot. Totoong nagpaapi na naman ako. Wala akong kalaban laban sa pang-aalipin nina Tita at ng pinsan ko. Maaga pa sa umaga, ginigising na agad nila ako para ako ang gumawa ng mga gawaing bahay habang sila, nakaupo lang sa sala't nanonood ng tv. Ako rin ang gumagawa at nag-aayos ng kama nila sa tuwing paggising nila. Ako rin ang nagluluto sa kanilang naghihintay sa dining table. Every night, I cry. Do'n ko binubuhos lahat ng sama ng loob ko. Ano ba kasi ang magagawa ko? Saan na ako mapupulot kung wala na ang mga namatay kong magulang. Wala. Kaya takot ako. I have a home yet I don't feel like home.

"Next time, kung may mangyari mang masama sa 'yo, dito ka na talaga sa amin titira." nanggigigil niyang sabi at pumayag na ako nang inaya niya akong magpatuloy na kami sa paglalakad.

---

May quiz kami ngayon sa first subject namin and I admit mahirap hirap ang lesson na 'yon. Nagreview naman ako pero kahit na, kinakabahan pa rin ako sa magiging resulta.

Habang nakaupo sa seat ko sa pinakahuli at tabi ng bintana, pumasok si Ma'am and I thought sasabihin na niyang kumuha kami ng 1 whole sheet but I was wrong. May sinabi pa siyang bago sa pandinig ko.

"Goodmorning class. Today we'll be having our new transferee. Be nice and welcome him, okay?" We answered 'yes' in unison at pinapasok na ni Ma'am ang isang lalaking matangkad, maputi at gulu-gulo ang buhok.

"Introduce yourself."

Umubo siya. "Hey, I'm Choi Seung Cheol. Just call me S.Coups, and birthday is August 8. Nice to meet you all."

"Nice to meet you too, Mr. Choi. Now, you may take your seat near Ms. Yssa Lafuente. Right there." Turo ni Ma'am sa vacant seat at agad naman kaming nagka-eye contact ni S.Coups. Umiwas agad ako ng tingin. Hayuf.

Naupo naman siya sa tabi ko at feeling ko talaga, anytime, susuntukin na niya ako. Tuod na tuod na ako sa upuan ko pero sinubukan ko pa ring umaktong chill. Ayoko naman syempreng mahalata niya na apektado ako sa presensya nya. Tsaka, bakit nga ba ako apektado?!

"How long are you planning to stare?"

Nagulat ako nang mapagtanto kong nakatitig nga ako sa kanya. Agad akong umiwas ng tingin at nilipat ito sa board. Kainis ah!

"S-Syempre! Bakit naman hindi? Transferee ka tapos 4th quarter ka pa nagtransfer. 'D-di ba 'yon nakakapagtaka?!" Depensa ko at ngumisi lang siya.

"Tutal tinitigan mo na 'ko, gwapo ko 'no?"

Aba't— ang hangin naman ng lalaking 'to!

"Excuse me?!" Diko makapaniwalang saad.

"Daan na." Sagot niya. Ugh! Anong klaseng nilalang 'to na dinala sa 'kin para sirain ang araw ko?! Tandaan mo, transferee lang 'yan pero sobra na makaakto! Kala mo antagal-tagal nang nandito! Hmp!

Okay. I admit gwapo nga siya: mahabang pilikmata, brownish hair and eyes, makapal na labi, mukhang walang bahid ng dumi o butas, maputi at matangkad pa! Grrr. Bakit siya meron ng mga 'yan, samantalang ako wala?!

"Bahala ka na nga dyan," sabi ko nang biglang,

"Ms. Lafuente."

Nanlaki ang mga mata ko't napalingon kay Ma'am. "Yes Ma'am?" Shit. Nahuli nya kaya ako? Kami?

"Help review Mr. Choi about our past lesson. Bukas na ang quiz natin. Alright?"

"Yes Ma'am!" Sagot ko't napabuntong hininga. Nilingon ko naman si Seungcheol at sinamaan ng tingin. Tumawa lang talaga ang loko.

----

"Yssa. Okay ka lang?" Tanong ni Claire at agad ko siyang nilingon.

"Oo!"

"Eh ba't 'di mo ginagalaw yang pagkain mo?" Tanong niya sabay turo sa plato kong puno ng kanin at ulam. Tinignan ko ang kanya, paubos na pala. Ang bilis naman niya?

"Naku. Bumibilis ka ata sa pagkain ah?" Mabagal talaga kasi si Claire kumain at ako ang laging nauuna sa kanya.

She rolled her eyes, "Bilis? Pa'nong hindi bibilis kung nakatunganga ka lang dyan?"

"Oo nga. Kakain na."

"Spill Yssa. May problema ka ba? Parang kanina ka pa mukhang galit eh. May ginawa ba talagang masama yang tita mo sa 'yo?" Sabi ni Claire na may panggigigil.

"Wala!" kasi si Seungcheol ang dahilan ng galit ko ngayon!

"Eh bakit ka nagkakaganyan?"

Biglang dumaan si Seungcheol at awtomatikong nagsalubong ang kilay ko.

Nilingon ni Claire ang dahilan ng pagkakunot ng noo ko at agad siyang ngumisi sa 'kin.

"I see. Hayaan mo na 'yan si Seungcheol. Wala kang mapapala dyan kundi galit." Sagot niya at huminga naman ako nang malalim.

"Oo na." Sagot ko. Pagkabalik ko ng tingin kung saan si Seungcheol ay wala na siya.

"Pero makakabawi ako sa kanya some day."

SVT Fanfic (SeungCheol): HomeΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα