Chapter Two

20 3 0
                                    

Chapter Two

Pumasok ako sa kwarto ko pagkatapos kong magluto ng ulam at magsaing para kina Tita. Pagod na pagod na ako nang makahilata ako sa kama at nakatanggap pa ako ng isang pasa sa kanan kong braso dahil sa pagmamadali sa akin ng pinsan kong babae. Mas matanda siya sa 'kin kaya wala na akong nagawa kundi ang sumunod at 'di na siya sagutin pa.

Ginawa ko ang assignments ko nang biglang nagvibrate ang phone kong nakapatong sa kama. Kinuha ko 'yon at binasa ang text message ni Claire.

Kamusta ka na Yssa? Minaltrato ka ba nila? May pasa ka na naman bang nakuha? Sana okay ka lang. Promise sa susunod, ililigtas kita mula sa kanila.

Pagod na lang akong ngumiti. Lagi akong sinesendan ng text ni Claire tungkol sa ganito. Lagi siyang nag-aalala sa lagay ko sa tuwing uuwi ako at masasabi kong ang swerte swerte ko sa bestfriend ko.

Okay lang ako, Claire. Wag ka nang mag-alala.

Sinend ko na ang text ko at naghanda na para sa pagkain kasama ng dalawa kong kinatatakutan sa bahay na 'to.

----

Kinabukasan, pinakain ko si Pootch ng dog food niya. Masaya naman siya nang makita niya ko't binigyan ko pa siya ng yakap. Si Pootch kasi ang asong binigay ni Papa bago siya mamatay. Tuta pa lang siya noon kaya ang dami na naming pinagsamahan. Siya rin ang nagsilbing karamay ko sa panahong namimiss ko ang mga magulang ko.

Saktong iyon, lumabas si Rhianne, ang pinsan ko. Tinarayan niya ako't binigyan nang masamang tingin ang aso kong kumakain.

"Alam mo bang hindi ako nakatulog kagabi sa ingay niyang aso mo?! Sa susunod na mag-ingay pa 'yan, 'di na 'ko magdadalawang isip na itapon 'yan!" At umalis na para siguro pumasok na sa paaralan.

Muntik na 'kong umiyak nang magvibrate ang phone ko sa bag. Binasa ko ang text message na galing sa unknown number.

Get out. Ako ang bahala sa 'yo.

"Get out?" sabi ko sa sarili. Pinunasan ko ang mga mata kong nanlalabo at sa pagtataka ay lumabas nga ako ng bakuran.

At nakita ko ang 'di ko inaasahang makita sa umagang ito.

"Seungcheol?"

Nginitian niya ako at agad na lumapit sa 'kin dala dala ang isang... panyo?

"Teka, ano 'yon?" Taka kong tanong. Hinawakan niya ang kanan kong pisngi at pinunasan ang kaliwa kong pisngi.

"Your bestfriend's right. Lagi ka ngang may dumi sa katawan." Kumulo agad ang dugo ko at tinulak ko siyang palayo.

"A-Ano'ng dumi ka diyan?!" sabi ko sabay punas sa pisngi ko. Uling na naman ba? Tsaka, anong pinagsasabi niya? Close ba sila ni Claire?

"To answer your question. Nag-out of town raw kasi si Claire at sa araw na 'to, sa akin ka niya muna pinaubaya."

Aba't— "Anong pinaubayang sinasabi mo diyan? Niloloko mo 'ko 'no?!"

Tumalikod siya at naglakad papuntang kanan. "Tara na nga."

"Anong tara? Dito 'yung daan papuntang school oh!"

"Aish. Sumama ka na lang," natahimik na lang ako at agad naman siyang sinundan hanggang sa makarating kami sa isang itim na kotse. Ok, as expected. Mayaman.

"Sakay." Sabi niya pagharap sa 'kin.

Pumunta naman ako sa backseat nang bigla siyang umangal, "Hey woman, dito ka sa harap. I'm not your driver!"

"Sorry naman!" Sabi ko sabay pasok sa passenger seat. Pa'no? Ang linis linis kasi. Mukhang bago. Baka mamaya magkalat pa ako. Nakakahiya naman sa may-ari.

Nang nagsimula na siyang magmaneho, walang nagkibuan sa aming dalawa at agad naman niyang binuksan ang radyo. Ang nagpatugtog ay korean song at hindi ko na tinanong pa kung anong title non.

"Ang ganda diba?"

Napalingon ako sa kanya. "Ng beat? Oo."

Ngumisi siya, "That was our song."

"Our song?" Kunot noo kong tanong. Kanta nila? Nino? Tsaka kung isa man siyang singer, hindi halata, ah?

Hinarap niya ako, "I'm Choi Seungcheol. A part of the boy group Seventeen. 'Di mo ba alam?"

Pinanliitan ko siya ng mata. "Familiar ang Seventeen. Lagi kong naririnig sa mga kwento ng pinsan ko sa telepono."

"Right." huminga siya nang malalim. "About your cousin... Is it fine to talk about her?"

"Uhm. Oo. Okay lang." Kahit medyo hindi.

"What's her name?"

"Rhianne."

"I see. Hindi ko na itatanong but, alam kong hindi ka niya tinatrato nang maayos. Based from the dirt on your face and her attitude when we crossed paths." Sabi niya. Yumuko lang ako. Nakakahiya naman kay Seungcheol. Siguro 'di na niya ako papansinin dahil sa nangyayari sa buhay ko.

Eh? Ano 'yun? Biglaan? Magkaaway kayo di ba? Paki mo kung pansinin ka niya o hindi.

'Di na ako sumagot hanggang sa makarating kami sa parking ng school campus. Lumabas na ako at hindi na siya hinintay na makasunod sa 'kin.

"Yssa."

Huminga ako nang malalim at nilingon siya. He smiled at me,

"Let's be friends. From now on, I'll be the one to protect you. I'll be your home."

SVT Fanfic (SeungCheol): HomeWhere stories live. Discover now