Chapter 2

17 5 0
                                    

Venice's POV

"INSAN!! NANDYAN KA NA PALA! KANINA PA KITA HINIHINTAY!!" Flynn said followed by an awkward laugh.

"Insan insan ka diyan!! Raulo!!!!"

"Insan naman, sorry na nga eh! Late na nga kasi akong nakatulog kagabi kaya na late na rin ako ng gising!" Flynn explained while making weird faces which makes us laugh again, pati si Shawn ay napatawa na rin ng bahagya.

"Sige na Shawn, patawarin mo na yang pinsan mo at baka hindi ayn makatulog mamayang gabi kakaisip" udyok ni Angelique.

"Sige pagbibigyan kita, libre mo na lang 'tong pagkain ko kwits na tayo!" pagsuko ni Shawn.

"Yowwnnn!! Libre ko pa ang lunch mo ng isang buong linggo!" alok ni Flynn na sinangayunan naman ni Shawn at nagsimula na rin kaming kumain.

Habang kumakain ay nagsalita ulit si Flynn, "Nga pala insan, napag isipan mo na ba yung inaalok ko sa'yo?"

"Tsk! Masyado akong busy para diyan!"

"Insan naman! Ikaw na lang ang naiisip bagay para don!" pangungulit pa niya.

"Ayaw ko nga!"

"Alin ba yun Flynn?" di mapigilang tanong ko.

"Eh inaalok ko kasi to na maging lead guitarist ng banda!" sagot niya na medyo ikinagulat ko saka ko ibinaling ang tingin kay Shawn na seryosong kumakain. Naramdaman niya yatang may nakatingin sa kanya kaya tumingin din siya sakin.

"Tumutugtog ka?" tanong ko.

"Oo" tipid na sagot niya.

"Bakit naman ayaw mo? Sayang din yung makukuha mong incentives dun!" dugtong ni Angelique.

"Eh may trabaho nga kasi ako! Saka bat ba ako inaalok mo? Andami naman diyang iba ah!"

"Wala nga kasing napasa sa panlasa ni Sophia! Kilala niyo naman yun! Simula nang mag start ang class nagpa audition na agad kami pero walang pumapasa sa kanya!" paliwanag ni Flynn.

Sophia Austria, lead female vocalist ng kanilang banda. Maraming nakakakilala sa kanya lalo na sa pagiging perfectionist niya.

"Ano pa ba ang makukuha ko diyan bukod sa incentives?" tanong ni Shawn.

"Uhm, recognition" si Angelique.

"Fame?" si Flynn.

"Tssk! Mukha bang kailangan ko niyan?" singhal ni Shawn.

"Uhm, mababawasan ang school fees na babayaran mo." dagdag ko.

"Talaga?" mabilis na tugon ni Shawn.

"Oo." mabilis na sagot ko.

"Kol!" sagot niya sabay tingin kay Flynn. Napatalon naman sa tuwa si Flynn dahilan para pagtinginan siya ng mga tao na binalewala naman niya. "Sige! Ihaharap na kita mamaya kay Sophia."

"Basta ganyang usapan ang bilis mo mapapayag no?" hirit pa ni Flynn.

"Aba'y malamang, di naman ako rich kid gaya niyo."

"Paano nga pala yung trabaho mo?" tanong ko.

"Magagawan ko naman ng paraan yon." sagot niya.

"San ka nga pala nagtatrabaho?" tanong ni Angelique.

"Ah, sa isang bar ilang kanto layo dito sa school. Bartender ako doon saka tumutugtog din."

His Dark Side [On Going]Where stories live. Discover now