Chapter 28: 𝗜 𝗺𝗶𝘀𝘀 𝘆𝗼𝘂 𝗯𝗮𝗯𝘆

Depuis le début
                                    

Nahilo ako bigla kaya naman kumapit ako don sa may lababo para hindi ako matumba.

Pero wala pumikit nalang ako at hinihintay ang pagbagsak ko dahil naka bitaw ako sa pag-kaka-hawak ko don sa lababo.

“Miss, bakit ka nag-papakalasing sa ganitong lugar alam mo bang
maraming manyak at pwedeng mambastos sayo dito. Lalo na at
lasing na lasing ka pwede silang mag take advantage sayo.”

Nahihilo man ako pero rinig na rinig ko yung pagkaka-sabi nung lalaki.
Sa'kin, actually familiar yong boses nya parang narinig ko na yon.

Nakatalikod kasi ako sa kanya kaya hindi ko makita yong muka ng maayos.

Nagulat ako nang iharap nya ako sa kanya.

“Miss, are you listening?”
si Jake ba talaga ito? oh lasing lang talaga ako.

“Jade anong ginagawa mo dito?”

“Nag-babar malamang ano bang tingin mo?”

“You’re drunk iuuwi na kita.”

“At sa tingin mo sasama ako sayo? nagkakamali ka. Tyaka nandito sina Irish iintayin ko nalang sya.”

“Ah that's why you're searching? nandon sya sa dance floor together with Deon, kaya pumayag ka nang ihatid ko.”

Hindi na ako magpapaka choosy, kung iintayin ko dito si Irish baka mamaya pa sya.

“Okay, ihatid mo ako sa head quarter lang don nalang ako magpapalipas ng gabi.”

“I miss you so much my baby.” nanlaki ang mata ko dahil sa narinig, pero baka dala lang ito ng alak.

“Jake may sinasabi ka?”

“Nothing just don't be too noisy.”

Jake POV:

Isinakay ko na si Jade sa kotse ko.
Iuuwi ko muna sya sa condo ko.

Total It's already midnight and I don't want to drive far cause I'm a little bit tipsy.

“Alam mo ikaw Jake
bakit ayaw mo pa akong hayaan! 
Iniiwasan na nga Kita ikaw pa itong nalapit sa’kin”

“Kalimutan mo na ako maging masaya kana sa buhay mo.
hayaan mo nalang ako kasi gusto o mahal man kita.”

“Hindi rin pwede dahil mag-kaiba tayo ng antas sa buhay mayaman ka mahirap lang ako at ang babaeng tulad ko, hindi nababagay sa lalaking gwapo, mayaman, matalino.”

“Akala mo ba ganon ka dali sa’kin ang iwasan ka hindi. Dahil kung alam mo
lang hirap na hirap na ako.”

“Dahil sobrang na mimiss na kita pero wala akong magawa gustohin ko man na lapitan ka, kausapin ka at yakapin ka ay hindi magawa.”

“Kahit napakalapit mo pakiramdam ko nasa ibang bansa ka at hindi ko kayang maabot ng basta-basta.”

“Mahal kita Jake, mahal kita kaya gagawin ko ang lahat huwag ka lang mapahamak at madamay, kaya kalimutan mo na ako dahil hindi tayo bagay. Hindi tayo bagay.”

Kahit lasing sya ay intinding intindi ko ang mga sina-sabi nya.

Totoo kaya ang lahat ng sinabi nya
na mahal nya ako.

Aish, lalo akong naguguluhan binuhat ko na sya at inihiga sa kama ko total tulog na rin naman sya. Matutulog nalang din ako.

Nagulat ako nang biglang niyakap nya ako kaya niyakap ko rin sya.

Ayos na’to kahit na lasing sya at alam kung bukas ay iiwasan na naman nya ako. Okay lang miss na miss ko na kasi sya.

  *****************

Jade POV:

Nagising ako na may bagay na nakayakap sa’kin.
Pagtingin ko si Jake pala.

Napatigil ako at hindi nakagalaw ng biglang inilapit nya ang muka nya sa’kin.

Tae ito na ba ang makakakuha ng first kiss ko. Nakatingin pa rin ako sa kanya habang kabog na kabog ang puso ko.

Kaya pumikit na ako pero sa noo lang pala akala ko naman sa labi na. Tsk assuming ka Jade.

Pero teka bakit kami mag-katabi dito
Ay oo nga pala sya nga pala ang nag-hatid sa’kin kagabi.

“I miss you so much baby
I miss you so much baby
I miss you so much baby
I miss you so much baby
I miss you so much baby”

Aish, kanina pa yan sa utak ko.
Totoo bang tinawag nya akong baby kagabi? O Mali Lang ang pagka-rinig ko tsk lasing kasi ako kaya hindi ko masigurado.

I'm In Love With My Boss Où les histoires vivent. Découvrez maintenant