Chapter 7: 𝗣𝘂𝗻𝗶𝘀𝗵𝗺𝗲𝗻𝘁

2.5K 34 0
                                    

Jade POV:

Inagahan ko talaga ang gising ko dahil
bago kami mag-klase kailangan ko munang mag-linis punishment kasi na iyon nakaka bwesit!

Dahan-dahang akong umakyat sa may bintana at pinunasan ito.

Naalala ko na naman yung nangyari kagabi nakakainis bakit ba naiisip ko na nag-aalala sya sa akin.

                Flash back

Nasulyapan ko habang kuma-kanta ako ay naka-silip si Jake sa akin.

Nag-panggap ako na hindi ko sya napapansin kaya naman nanatiling naka-silip sya sa akin.

Hindi ko na sana ipagpapatuloy ang
pag-kanta ko pero may part sa akin
na gusto paring mag-patuloy.

Napansin ko rin sya na parang malungkot na nakatitig sa akin.

Kaya naman tinapos ko na ang chorus at kunyaring natulog na.

Pero ang pag-kukunwari kung iyon ay
humantong sa totoo.

Totoong nakatulog na ako.

      End of flashback

"Baka masobrahan na yan sa linis."

Ay! kalabaw, napahawak ako sa puso ko dahil sa gulat.

"Ang gwapo ko naman para maging isang kalabaw" at humalak-hak sya ng tawa.

"Pasensya kana ha! bakit ba nandito ka?" tanong ko sa kanya.

"Napadaan lang ako at napansin ko na ang diin-diin na ng pagkus-kos mo sa salamin ng bintana."

Shemay, napansin nya pala yun naku po! Jusme.

"May malalim kang iniisip ano?"

"Ha, oo eh naiisip ko yung pamilya ko malayo sila eh."

"Ah, kaya pala parang hindi mo naiisip na marami-rami ka pang lilinisan
hehehe."

Tumango nalang ako tyaka nag-patuloy sa pag-kukuskos ng bintana.

Tama sya marami pa nga akong pupunasan kaya dapat mag-madali na talaga ako rito.

"Ako naman nyan!"

Napalingon ako sa kanya dahil sa sinabi nya.

Siguro nagbibiro lamang ito, muka syang mayaman dahil ang gara ng itsura nya.

Damit palang malalaman mo na mahal na talaga.

Nagulat nalang akong ng bigla nyang agawin ang basahan mula sa kamay ko.

"Tutulungan na nga kita, ayaw mo pa!
pero syempre kahit hindi ka pumayag tutulungan parin kita."

Agad nyang inagaw mula sa akin ang basahang gamit-gamit ko at nag-simula ng mag-punas ng bintana.

Natutuwa ako dahil meron pa palang lalaking ganito.

I'm In Love With My Boss Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora