Chapter 4: 𝗔𝘀𝗮𝗿𝗮𝗻 + 𝗦𝘂𝗻𝗴𝗶𝘁𝗮𝗻

2.7K 28 0
                                    

SofiYanM101123
Thank you for making my cover

Jake POV:

Nagising ako sa sigaw ng babae sa kwarto ko sino kaya yun,
alam naman ni Mommy na ayukong ginigising habang natutulog pa ako.

Pagkamulat na pagkamulat ko palang nakita ko na ang nakangiting muka ng babae.

Nung nakita ko sya biglang naging slow motion ang lahat.

Nang biglang-----

"Hoyy wag mo akong matitititigan ng ganyan,!
bumangon ka na dyan
ma lelate tayo dito"
Paliwanag nya

GET OUT!!!

Malakas na sigaw ko, ang ayaw ko kasi sa lahat ginigising ako habang ang himbing-himbing pa ng tulog ko.

Habang bumababa ako narinig ko ang malakas na pag sigaw ni
Mycka.

"Wah! Ate Jade you're so magaling talaga look kuya is awake ikaw lang talaga ang nakaka-gising sa kanya"

Hindi ko na sya pinansin at dumiretso na sa dining table
Dahil nandun si Mom and Dad.

Habang kumakain ay kinuwento ko ang ginawa sakin ng babaeng yun,

Mom, dad fired her!
Ginising nya ako habang ang himbing-himbing pa ng pag-tulog ko

"No son, you're reason is not valid, it's natural you're growing up and you need to learn how to wake up early"

Jinja? mas kinakampihan nyo yang babaeng yan kesa sakin na anak nyo!?

May pagtatampo na sabi ko

"Ani----" hindi ko na pinatapos ang pag-sasalita ni mom dahil agad akong umakyat sa kwarto ko.

Kainis, mas kinakampihan pa nila yung babaeng yun samantalang ako ang anak nila.

Naligo na ako at agad nagbihis
naglagay din ako ng aking pampa gwapo nung naramdaman ko na okay na ako ay bumaba na ako.

Agad ako dumiretso sa garahe upang tingnan ang kotse.

"Mr Kim sakay na po kayo"

Umalis na kami at walang nagsasalita sa amin kahit isa.

Sh*t naman ehh,
bakit ba babae yung bodyguard ko.

Magkano ba ang one year mo?

"Bakit mo naman natanong?
Kung balak mo akong suhulan pwes wala kang mapapala dahil trabaho ko ito, sa ayaw mo o sa hindi mananatili ako hindi ko ipagpapalit sa anumang halaga ang trabaho ko"

Woah I'm speechless.

What the he'll are you doing huh?

Dahil habang nagsasalita ako naglalagay sya ng earphone.

Bakit ba hindi mo ako kinakausap ng ayus hah !

"Dahil hindi rin ako makikinig sayo, nagsasayang kalang ng laway mo" nakangising sabi nya.

Tsk ang hambog nitong babaeng ito!

Badtrip lang

Arghh! You're so stupi--

"Did I heard it right sir tatawagin mo akong tanga, bakit alam mo ba ang buong detalye ng buhay ko, you know nothing about me, kahit nga ako ay hindi ko alam kung sino talaga ako ikaw pa kaya"

Jade POV:

Iba na talaga kapag mayaman, gusto nalang takpan ng pera ang lahat.

Kunting maling bagay na nagawa nila,
Bayad lang sapat na.

Kahit nga hustisya nawawala na,
Basta may pera ka madali lang para sayo ang lahat.

Kaya mong mang-apak nalang ng tao lalo na kapag mahirap at hindi maganda ang pinag-aralan.

Pero aanhin mo ang pera kung wala naman dun ang iyong kasiyahan.

Kaya bang ibigay ng pera ang kasiyahan mo? Oo mayaman ka
pero wala karin tinalo mo pa ang
mahirap.

Dahil sila may kakuntentuhan eh ang mayaman
kahit kaylan hindi makukuntento.

Mabuti nalang mahirap ako, kaya masaya ako ngayon parang iniisip ko na ayaw ko na ng ganung buhay.

Naisip ko na maswerte ako, dahil may kasiyahan ako hindi man mayaman pero may kakuntentuhan.

Nag drive na ako papuntang University. Ito kasing si Jake masyadong mainitin ang ulo. Kala mo naman dinadatnan buwan-buwan.

"Ano tinatawa-tawa mo dyan bilisan mo ang pagda-drive baka ma-late tayo sa class"

"Tsk eh sabi nga ng mommy mo ito ang pinaka-maaga mong pasok."

"Eh ano bang pakialam mo hah! sa gusto kong pumasok ng maaga ngayon
baka nandon na mga bestfriend ko."

Sana all may bestfriend diba?
may bestfriend rin ako pero wala eh hindi ko sya kasama ngayon. May misyon sya at may misyon din ako.

Sa sobrang kakaisip ko hindi ko namalayan na nasa tapat na pala kami ng University. Kaya bumaba na ako usapan kasi namin ni Jake na kapag malapit na kailangang bumaba na ako.

Dahil ayaw nyang isipin ng fan girls nya na may kasama raw syang dugyot. Grabe maka-dugyot eh, bulagsa rin naman taena. Kung hindi ko lang talaga boss ito baka sinama na'to sakin.

Kung minsan naman raw sya na ang unang bababa para ako naman ang magpa-park ng sasakyan. Hindi ko naman daw kailangang mag-alala dahil marami syang sasakyan at hindi daw yon mahahalata.

Sumang-ayon nalang ako dahil wala rin akong magagawa. Kapag tumanggi ako ganon parin ang mangyayari. Kahit anong gawin ko sya parin ang masusunod.

Amo ko sya at alalay nya ako yun ang malaking pinag-kaiba namin. Kung titingnan wala namang masama pero sa panahon ngayon masyadong malaking isyu na ang isang relasyong ganon.

Relasyon? bakit yon nasama sa isip ko? wala akong balak makipag-relasyon sa kanya! No no never!

Hindi kami bagay duh, babaero yata yun!

Jake POV:

Ewan ko ba kanina parang gusto ko syang isakay nalang papasok sa loob kesa paglakarin pero may pumapasok sa isip ko na wala naman sya ang dugyot-dugyot kaya nun. Tsk nakita ko syang dumeretso na papasok sa room.

Ang hanep hindi ako hinintay, taena bakit naiisip ko na iintayin ako nun ano ba nya ako?

Tsk nasisiraan na ako ng ulo, bakit ko ba kinakausap ang sarili ko.

Badtrip! Bakit kasi babae pa ang naging bodyguard ko!

Ano ba ang kaya nyang gawin? baka naman mas malakas pa ako kesa don!

Andami kong gustong itanong sa kanya? pero nawawalan ako ng lakas na magtanong.

Sana nga maging close kami!

Hinding-hindi kayo magiging close non hindi nya type ang mga babaerong kagaya mo.

Bakit type ko ba sya diba hindi rin! Hindi naman sya kagandahan ah! I mean hindi talaga sya maganda!

Hindi sya yung mga babaeng MAMAHALIN ko, dugyot sya sobra. Ang gusto ko kasi clear skin

Bakit hindi ba sya clear skin!
baka naman bulag kalang!

What the fuck!
bakit ko ba kinakausap ang sarili ko!

Lumabas na ako sa sasakyan at tuluyang naglakad na paalis.

I'm In Love With My Boss Where stories live. Discover now