Chapter 23: 𝗧𝗿𝘂𝘁𝗵 𝗵𝘂𝗿𝘁𝘀

1.5K 28 3
                                    

Jade POV:

Matapos ang pageant na'yon nagkaroon kami nang one week vacation, sembreak kasi namin.

Tyaka para makapag-pahinga narin masyado na kasing nakaka-stress kapag aral lang ng aral.

Halos wala na akong pahinga this week puro nalang mga contest.

Habang nag-pa-plano sila kung anong vacation ang gusto nila, ako nakapag-plano na. Gusto kung umuwi sa'min sa probinsya.

Namiss ko na ng sobra si papa.

Habang nag-eempake ako,
biglang tumunog ang cellphone ko
kaya dali-dali kung tiningnan kung sino yung tumatawag sa'kin.

Nagulat ako ng si Mr. Shin pala ang tumatawag, ano kayang kailangan nya?

Sinagot ko agad yung tawag, syempre baka importante yon.

Tapos matanggal pa ako sa trabaho ko
edi ano nalang mangyayari kina papa sa probinsya?

"Bakit? ka napatawag."

"Ikaw talagang bata ka!"

"Bakit mo nga ako tinawagan nag-eempake ako, uuwi ako sa amin!"

"Pumunta ka dito sa HQ (Head Quarter) may importante tayong pag-uusapan."

Hinang-up ko na agad ang tawag, wala naman syang maayos na sasabihin. Doon nalang kami mag-uusap sa HQ.

Dali-dali akong nag-ayos at
mabilis kung pinaharurot ang motor papunta sa HQ.

Hindi ko pala namemention sa inyo na may motor talaga ako. Pero dahil kailangan kung bantayan si Jake, so kotse nila ang lagi kung dala.

Aaminin ko medyk nakakaramdam ako ng kaba, kapag pinapatawag nya ako kadalasan ay gabi. Marami kasing galit sa'ming mga agents especially yung mga sindikato.

Bakit kaya hindi nalang gabi? ano na naman kayang importanteng sasabihin ng matandang ito.

*****************

Nakarating agad ako sa HQ at hinanap ko agad ang office ni Mr. Shin.

Napako ako sa kinatatayuan ko ng makita ko ang nanay ni Jake
bakit sya nandito?

"Oh Jade mabuti at nandito kana pwede na nating simulan ang pag-uusap tungkol sa kasunduan."
wika na Mr. Shin na nakapagbigay sa akin ng matinding kaba.

"Kasunduan anong kasunduan?"

"Nakikita mo naman na nandito ang nanay ni Jake diba? nandito sya para bigyang linawin ang kontrata mo sa pagbabantay sa anak nya."

Tumango lang ako hudyat para ipagpatuloy nila ang sinasabi.

"Ito ang kontrata na nagsasabing hanggang limang buwan ka nalang din, oras na maka graduate kayo ni Jake, don din matatapos ang misyong mong pagbabantay sa kanya. Sa mga oras na tapos na ang kontrata mo, hindi na kayo pwedeng magkaroon pa ng ugnayan. Kailangan nyo ng putulin ang lahat ng ugnayan nyo ng anak ko. Malinaw na nakasaad sa kontrata na hindi kana na maaring lumapit pa sa anak ko oras na tapos na ang kontratang ito."

Hindi agad ako naka-pagsalita bakit ganon, parang ayaw ko pa munang marinig ang mga nilalaman ng  kontratang yan.

"Maliwanag ba Jade? Ito pirmahan mo na kailangan natin ng pirma mo dahil patunay yan sa kontrata."

I'm In Love With My Boss Donde viven las historias. Descúbrelo ahora