CVI

8.6K 209 73
                                    

Jema's Pov

"Mih-mih Sing Na K-kayo ni Dah-Dah" paulit-ulit kong maririnig sabay yugyog nila kaya nagmulat ako ng mata ko masayang mukha ng mga anak ko ang bumungad sa akin. Hey Babies goodmorning can I have my kiss? Dali-dali silang lumapit sa akin at kung saan-saan sa mukha ko ang hinalikan nila puro laway tuloy ako haha ang cute ng mga anak namin "M-mol N-ning Mih-mih" paulit ulit nilang sinasabi mga anak gisingin nyo na si Dada pero Baby Jade wag mo na naman sasapakin si Dada ha kagat nalang haha tumawa sila magaling na makipagcommunicate ang mga anak namin bulol pa nga lang tinuturuan namin sila ng English ang asawa ko minsan tinuturuan din sila sa mga simpleng salita nila madali naman matuto ang mga anak namin. "Mih-mih Y-yaw M-man Dah-Dah Sing" kunot noo ng anak kong Baby JD haha ang pogi naman ng panganay ko. Si Jade busy sa pagyugyog sa mukha ng Dada nya na nakaupo sa tabi nya si Baby Fam nakapasweet na bata ayun nakadapa sa Dada nya ang mukha nya nasa dibdib ng Dada nya. Tara na anak gisingin na natin si Dada aya ko kay Baby JD kaya magkahawak kamay kaming lumapit sa kanila. "Mih-mih K-kaw Na Sing K-kay Dah-dah" sabi ni Baby Jade salubong na naman ang kilay ng anak ko haha "Hubby wake up na ikaw nalang hindi bumabangon baka inaantay na tayo nila Mom sa baba" sabay mahinang tapik ko pisngi nya. Mga anak dali kiss nyo na si Dada para magising agad-agad naman silang lumapit sa mukha ng Dada nila at pinupog nila ng halik ang Dada nila haha ang cute lang😍 kinuhanan ko sila ng picture. Aray! boses ng asawa ko nagtatawanan naman ang mga anak namin haha Oh bakit hubby? nagpipigil din ako ng tawa

Deans: Paano wifey nangangagat sila sabay pout ko. "Dah-dah s-sabi Mih-mih G-gat M-min K-kaw"sumbong ni Fam sa akin kaya tinignan ko ang asawa ko tumawa ng malakas. Wifey naman bakit mo ako pinakagat?

Jema: Paano hubby kanina pa mga anak natin na nanggigising sayo kaya sabi ko wag ka nila sapakin kagat nalang haha nakikitawa naman ang mga anak namin. Tara na hubby baka tayo nalang inaantay sa baba.

Deans: Cge wifey saglit lang saka ako dumiretyo sa banyo pagkatapos nun hawak kamay kami ng mga bata na bumaba nasa kusina na ang lahat at as usual kami ang inaantay na bumaba haha goodmorning po bati namin ng asawa ko pati mga bata saka lumapit ang mga bata upang humalik sa lahat ganyan sila kasweet😍 mana sa Dada hehe

Dad: Tagal nyo atang bumangon mga anak pero dinig na dinig namin ang ingay ng mga bata.

Jema: Oo nga Dad sila pa nanggising sa amin, lalo itong si Deans tulog mantika kung hindi pa kakagatin ng mga anak nya hindi pa sya gigisingin haha nagtawanan kaming lahat

Mom: Nako Sachi may asawa at anak kana hirap mo padin gisingin kawawa naman itong si Jema kapag kayo nalang sa bahay lalo na at ihahatid nalang ata kayo nila balae

Tay: Oo balae ihahatid na namin sila sa Manila saka uuwi muna kami ng Laguna papasyalan nalang namin sila

Dad: Jema Deans baka gusto nyong kumuha ng kasama sa bahay? tumatanda na ang Nanay Maria nyo hindi na nya kayang mag-alaga ng bata kung magluto at maglinis lang kaya pa nya pero iba kapag sa mga bata baka hindi nya mahabol itong mga bata haha

Jema: Kaya pa naman po namin Dad saka dun muna sa amin magstay si Mafe po habang bakasyon nya saka na po siguro. Mom Dad Tay Nay balak ko na po kasi sana bumalik sa trabaho po natahimik naman ang lahat nagulat ata ang asawa ko kaya tumingin sa akin.

Tay: Jessica bakit mo naman biglang naisip yan ang liliit pa ng mga bata saka paano itong asawa ko kapag magtatrabaho kana agad tatlo anak nyo hindi lang isa

Dad: Saka anak hindi mo naman kailangan magmadaling magtrabaho kung yun gastos ang iniisip mo maarami naman kaming tumulong para sa mga bata, saka kung meron mas kailangan ang mga ikaw yun hayaan mo itong si Sachi ang magtrabaho.

Jema: Hindi naman po ako magfu-full time doctor gaya ng dati Dad para may time parin po ako sa pamilya ko po.

Nay: Makinig ka sa amin anak maliit pa masyado ang mga apo namin kita mo nga nagbrebreastfeed kapa sa kanila paano nalang yan?

Jema: Balak naman na po namin na magbottle nalang po mga bata tahimik lang ang asawa ko. Saka ayaw ko sana na bumalik si Deans sa trabaho po.

Nay: Kahit na anak tama naman itong si balae mas kailangan ka ng mga bata hayaan mo muna na lumaki pa nga bata kaunti.

Jema: Magpapart time lang naman po ako hi--- hindi ko na natapos ang sasabihin mo ng magsalita ang asawa ko "Mom Dad Nay Tay aakyat na po ako masama pakiramdam ko" sabi nya saka tumayo hindi na nya kami hinintay na magsalita alam ko kapag ganyan kilos nya. Hanggang sa natapos kaming kumain walang magsalita. Mom Dad, Tay Nay dito po muna mga bata kakausapin ko lang po yung asawa ko.

Dad: Cge na anak kami na bahala sa mga bata mag-usap muna kayo.

Jema: Umakyat na ako para kausapin ang asawa ko pagbukas ko ng pinto nakahiga ang asawa ko at may unan na nakatakip sa mukha nya kaya nilapitan ko na agad saka niyakap. Hubby ko talk to me please paglalambing ko humarap naman sya sa akin na walang emosyon.

Deans: Sa totoo lang hindi naman ako galit mabigla lang ako sa sinabi ng asawa ko pwede naman sana na sa amin munang dalawa yun tungkol dun saka na sana namin sasabihin sa mga magulang namin kung may napag-usapan na kami. Bakit naman mo naman kailangan na sabihin na sa kanila hindi pa nga tayo nag-uusap tungkol sa trabaho eh sana tayo muna cold kong sambit.

Jema: Kita ko sa mga mata ng asawa ko ang lungkot nya saka ang cold ng pakikitungo nya sa akin. Hubby sorry na kung pinangunahan kong sabihin sa kanila sabay hawak ko sa mukha nya pero iniwas nya lang saka lumayo ng bahagya nasaktan ako dahil ngayon lang nya ginawa yun sa akin hindi ako natitiis ng asawa ko kahit kasalanan ko sya parin ang nagpapasensya.

Deans: Alam mo sa ginawa mo pakiramdam ko wala akong silbing asawa mo pakiramdam ko wala akong naiiambag sa pamilyang ito! Kasi bakit ikaw ang kailangan magtrabaho para sa pamilya natin dapat ako yun! Ako dapat ang bubuhay sa inyo! Tingin ko naman hindi naman tayo maghihirap para magmadali lang magtrabaho. Sigaw ko nakikita kong naluluha na ang asawa ko.

Jema: Nagulat akong sinigawan nya ako hindi ganun ang asawa ko malamang sobra ko na syang nasaktan kaya hindi ko na napigilang lumuha. Hubby *hik* h-hindi naman yun ang ibig kong sabihin *hik* s-sorry kung ganun ang pang-unawa mo sa nasabi ko *hik* s-sorry na *hik* h-hindi na mauulit *hik* Bb *hik*

Deans: Bago ka magsabi sa iba kausapin mo muna ako asawa mo ako, sa akin mo dapat unang sinasabi mga plano mo nagmumukha tuloy akong tanga. "Jema  Deans nandito mga bata gusto dyan sa inyo buksan nyo pinto" sigaw ni Nanay kaya ako na ang nagbukas nagpunas naman agad ang luha ang asawa ko. Lumapit sila agad sa Mommy nila

Jema: "Mih-mih" "A-al Y-you" C-la Y-ying"? sabi ng bunso ko saka yumakap sa akin ganun din ang dalawa pa naming anak. No Babies Mom is not crying okay? "Dah-dah B-bad Mih-mih?" tanong ulit ni Baby Jade. No anak Dada is not bad. "Mih-mih Dah-dah L-lab U-us?" Tanong ng panganay namin. So much Babies Dada loves us so much. Go and play mga anak bigla naman lumabas ang asawa kong walang imik. Nang mapagod ang mga anak namin pinatulog ko muna saka ako bumaba para hanapin sya. Mom nakita nyo po ba si Deans? Naikot ko na po kasi itong bahay hindi ko sya makita.

Mom: Hindi ba sya nagpaalam sayo iha?

Jema: Ho? H-hindi Mom saan daw po sya nagpunta?

Mom: Lalabas daw saglit anak dala nya yun car ng Dad nyo

Jema: Cge Mom salamat akyat nalang po ako doon ko na po sya antayin baka magising po mga bata wala silang makita sa amin ng Dada nila. Kanina ko pa sya inaantay pero wala atang balak umuwi anong oras na natapos na din kaming naghapunan sya lang ang wala naiinis na naman ako ng sobra sa kanya bahala  nga sya nawawalan na ako ng idadahilan sa mga bata kung nasaan sya buti nalang nakatulog na sila. Hindi ko na namalayang nakatulog na din akong naghihintay.

Deans: Nagpalamig lang ako ng ulo kaya ako umalis muna sa bahay pumunta ako sa Bar ni Bea dahil may branch sya dito para magrelax hindi ko naman namalayan ang oras napadami ata ang nainom ko nakaya ko pa naman magdrive kahit papano susuray-suray akong lumakad papasok sa bahay may susi naman ako kaya kahit nakalock makakapasok padin ko. Pag-akyat ko sa kwarto mahimbing ng nakatulog ang pamilya ko pumasok na ako sa banyo para gawin ang rituals ko saka ako tumabi sa asawa ko nahihilo ako kaya pipilitin kong matulog.





A/N
*Hello dear readers goodafternoon😊 Happy Sunday
*Sorry kung ngayon lang po ako nakaupdate busy lang po kahapon
*Mukhang malalagot na naman si Lt. Wong haha😅
*Sorry sa typos/errors/grammars Godbless us all

You're My HomeWhere stories live. Discover now