XXVIII

12.2K 203 5
                                    

Nagpaalam sina Tots at Bea kay Deanna na pupunta sa rooftop ng hospital isasama daw nila c Ced at Jho natural payag agad ang ating Boss Mapagmahal kasi masosolo nya ang ating Queen Falcon😍

Deanna's Pov

Hello guys yes! I'm back! buhay na buhay hehe natural kailangan kong mabuhay para kay Jema myloves😍(kinikilig Boss?tagal mo kasing natulog eh😅)Letse! mind panira ka talaga kahit kelan. Eto na nga nagpaalam sa akin yung dalawang tukmol para daw magpahangin sa rooftop pero ang alam ko hindi lang yun maglalandi mga yun paano ko nalaman? Kasi matalino ako hehe biro lang kasi sinama nila c Ced at Jho oh diba by partner syempre gustong-gusto ko naman para may moment din kami ng Baby ko😍 este ni Dr.Jema yieh soon to be Baby Jema😅 humanda ka sakin Doc masosolo kita ngayon dahil pauwi na ako mamaya pa-start na ang Oplan Ligaw hehe may bulaklak ako ang chocolate paano ako meron nito? Kahit nandito ako sa hospital? Eto ang sagot.😂

Flash Back

Pinatawag ni Deanna c Tots at Bea

Bea: Oh Wong ano na naman ito? sabay taas ng kilay bwisit na Wong toh bz kami sa pagprepare ng surprise eh

Tots: Hoy! Deans kung wala kang matinong sasabihin aalis na kami ni Bei!

Deanna: Mabatukan nga muna tong Caloy na toh. Tutulungan nyo ako o tutulungan??baka gusto nyong bumalik na sa kampo tatawag ako sa Commander natin hehe nanlaki ang mata nila mga bwisit talaga

Bea: Assus insan hindi kana mabiro tutulong syempre no choice eh😅sabay ngiti ko kunin natin sa paawa effect si Wong

Tots: Nako naman Boss Mapagmahal wag naman ganyan.Syete! Kapag tinotoo ni Deans yun babalik kami ng wala sa oras sa kampo kaya lang naman kami nandito para bantayan sya for security purposes nadin baka balikan sya ng mga kalaban.Nagtataka ba kayong wala c Ponggay? Wala nandun na sa kampo kasama ni Sgt.Paras. Hindi pwede! Hindi pa nga ako umaamin kay Ceddy Baby eh😍 Deans sorry na sabay puppy eyes baka makuha sa paglalambing c Deans. Aray! naman Deans makabatok ka naman. Sabihin mo na kasi kung anong tulong kailangan mo. Ano ba yun?

Deanna: Letse! hindi mo bagay magpacute Caloy. Bumili kayo ng bulaklak at chocolate! Ibibigay ko kay Jema mamaya.😏(sabay smirk) Nagulat ang mga walang hiya😅

Bea&Tots: Ha!????

Tots: Teka bat namin gagawin yun Deans kami ba nanliligaw kay Jema?

Bea: Oo nga Deans bakit naman dinamay mo pa kami? Jusko naman may pinaghahandaan din kaming surprise kay Ced at Jho sabay taas ng kilay

Deanna: Hoy! Bei hindi bagay sayo para kang bakla sa itsura mo saka kakailanganin nyo yung bulaklak mamaya isabay nyo nalang yun chocolate ko

Tots: Galing ni Wong dun ah tama nga kailangan namin ni Bei ang bulaklak may bright idea din pala itong gago na to ah mapapakinabangan namin ni Bei😅 Cge na nga Boss c Bea na ang bibili hehe(at ako ay nabatukan na naman Letse!)

Bea: Gago ka bakit ako?! Ikaw pumayag jan kay Deans tapos ako bibili kahit wag na Caloy! Madagukan nga tong engot na toh

Tots: Ouch! Letse! Lagi nalang ako nasasaktan sa dalawang ito ah. Bei dalawa na lang tayo bumili ako sa bulaklak ikaw sa chocolate

Bea: Okay tara na!

End of flashback

Jema's Pov

Dalawa nalang kami ni Deanna na nandito sa kwarto nya nagpaalam kasi ang mga kaibigan ko na sumama kina Tots at Bea hinayaan ko naman sila(mare gusto masolo c Deanna landi mo mare hehe😅) bwisit ka self hindi ba pwedeng para makapagkwentuhan naman dahil uuwi na sya pagkatapos nito hindi ko na ulit sya gaanong nakikita at back to normal na ako sa trabaho ko😔 stress na naman sa work pero okay lang sanay na ako saka mahal ko yung trabaho ko(gaya ng pagmamahal ko sa kanya?😂) ano ba mind tumigil ka nga.

Tinawag ni Deanna c Jema para makaupo malapit sa kanya at makapagkwentuhan na din.

Deanna: Hi Doc kumusta pala nag-enjoy kaba sa food? Baka konti kinain mo nangangayayat kana ata.(sabay ngiti)

Jema: Okay lang naman ako saka ako dapat nangungumusta sayo sabay ngiti ko din dito bat ba ang cute mo Wong lalo kapag ngumiti?😍self naman eh maharot! Sakto lang naman yung katawan ko saka pagod at puyat lang ito

Deanna: Ay wait! Doc bago ko makalimutan eto para sayo sabay abot ko ng bulaklak at chocolate

Jema: Kita mo tong tao na toh dipa nakakalabas ng hospital eh may ganito na(sus gustong-gusto mo naman eh) Nag-abala kapa salamat pala dito saka ko inamoy yung bulaklak

Deanna: Galing mo talaga Deanna kita mo yun hindi nya ineexpect na may ganito. Wala yun Doc kahit ano basta para sayo sabay wink ayieh😍 nagblush ang bebe😍

Jema: Grabe self wag mo naman ipahalata na kinikilig ka namumula ako shit! Hinampas ko nalang ito para maitago ang kilig ko. Siguro ganito din ginagawa mo sa mga maging babae mo sabay taas kilay(taray mare ah😂)

Deanna: Ouch! Mapanakit pala tong mahal ko yieh may pagka-amasona ata ito eh pero okay lang love ko naman eh😍 Teka! Ako may babae?? Sira ba sya ngayon palang nga ako manligaw eh! Doc ikaw lang kasi ang unang niligawan ko sabay ngiti ko dito

Jema: Totoo ba narinig ko sa Wong na to ako palang liligawan nya? Napakaimposible naman ata nun. Galing sya sa pinakamayamang angkan sa buong Pilipinas kilala sya,mukha namang mabait kasi nga pinili pa nyang magsilbi sa bayan at gandang gwapo😍(assus mare yun talaga eh) totoo naman eh ang papi at hot nya tinitilian sya ng mga staff dito sa ospital malamang kahit sa mga kapwa nya sundalo mapababae o lalaki.Sorry nalang kayo guys sa akin nahulog c Lt.Wong😍. (Haba ng hair ah mare😂✌)So sa akin ka palang unang manliligaw??

Deanna: Teka bat parang hindi sya naniniwala sa akin na sya palang?? Oo aminin ko may mga babae at lalaki na nalink sakin nung college palang ako maging nung naging sundalo na ako pero hanggang fling lang yun ito palang ang unang beses na manliligaw ako. Totoo Doc ikaw palang cross my heart and hope to die hehe😂 Aww!! Makahampas ka naman parang hindi ako naospital ah Doc Jema sabay taas ko ng kilay.

Jema: Sorry kung ano-ano kasi sinasabi mo eh.Assus tampo naman agad ang bebe ko😍 pakurot nga Bby😅(lantod mo talaga mare😅) Oo na naniniwala na po ako Lt.Wong sabay pinch ng pisngi nya bigla naman itong nagpout sa ginawa ko.

Deanna: Doc paano ba yan uuwi na ako edi pwede na manligaw hehe

Jema: At sa lagay na ito Wong hindi kapa nanliligaw? Sabay smirk

Deanna: Eh sabi mo pagmakalabas ako ng ospital?

Jema: Minsan low gets din itong c Wong eh pwede daw manligaw eh sa kanya mismo nanggaling na sa ayaw at sa gusto ko manliligaw sya may pa-flowers at pa-chocolate pa sya hay bahala nga sya jan! Oo nga kaya bahala kana alangan sabihin ko pa na ligawan mo ako? o ituro ko pa sayo paano manligaw? Yun totoo Wong ako ba liligawan o ako manliligaw sayo?😠Natural bahala kana dun!(galit mare?)

Deanna: Shet! Oo nga pala ano kainis naman mamaya mabadtrip c Jema mabusted pa ako agad. Kaya mo ito Lt.Wong na kaya mo nga nagtiis ng ilang buwan sa training eh eto pa kaya.😂

Masayang nagkwentuhan ang dalawa hanggang sa nagpaalam na din sila sa isa't isa dahil maghahanda na si Deanna sa kanyang paguwi at c Jema naman ay may aayusin pang paperworks na dapat isubmit.


A/N
*Thank you readers for the unending support for the story
*Kumusta kayo jan? I hope lahat kayo okay
*Sorry sa typo/errors/grammar
*Salamat din sa pag-follow sakin bedsz1233
*First Story ko po kaya tiisin nyo c Author ha☺

You're My HomeWhere stories live. Discover now