LXXI

10K 241 99
                                    

Jema's Pov

Natapos naman ang test ko nakakapagod pero magiging worth it lahat ng ito sa pagdating ng baby namin. Kaya future baby/babies wag masyado pahirapan c Mommy at Dada ha para makauwi na tayo sa Pinas. Pagkatapos ng test ko sinalubong naman ako ng yakap ng asawa ko alam daw nya napagod ako pero mukhang mas pagod yung mukha nya siguro sa pagaantay at pag-aalala sa mga test na ginagaw a sa akin. Agad naman kaming magtungo sa isang Italian Restaurant gusto ko kasi ng pasta ngayon after namin kumain nagdecide na din ang asawa kong umuwi na kami dahil feeling daw nya pagod ako sa mga ginagawa ko sa hospital ganun talaga ang asawa ko laging nag-aalala ayaw nyang mapapagod ako. Pagkauwi namin dumiretyo na kami sa kwarto para magbihis nahiga naman agad ang asawa ko feeling ko may hang over padin sya. Tumabi din ako sa kanya at yumakap kaso ilang beses na ako nagpapalit ng posisyon hindi padin ako makatulog nakita ko ang lalagyan ng marumi naming damit hay ang dami na pala kaya nagdecide nalang akong bumaba at maglaba madali lang naman dahil may washing machine naman nagsalang na ako agad ng mga labahin ilang sandali lang nagbabanlaw na din ako ng mga makapa ako sa bulsa ng asawa ko. Hay Deanna Wong! lagi ka nalang ganito na hindi nagtatanggal ng laman ng bulsa mo madalas kasing ganito naiiwan yung pera o panyo sa bulsa ng pantalon nya madali ko naman tinanggal kaya hindi pa ganun nabasa nakita kong maliit na envelop ang nandun pinatuyuan ko naman at nilapag lang baka mamaya importante ito sa asawa ko madali akong natapos maglaba pero bakit hindi maalis sa isip ko ang envelope na nakita ko may kung anong nagtutulak sa akin na buksan ito wala naman sigurong masama kung bubuksan ko titignan ko lang naman baka mamaya mahalaga ito sa asawa ko. Dahan-dahan kong binuksan ang envelop dahil medyo basa pa baka mapunit nanlaki ang mata ko dahil para sa akin dapat ang sulat napatakip nalang ako sa bunganga ko nagsisimulang nag-uunahan ang mga luha ko napaupo  nalang ako umakyat ako agad saka ko kinuha ang susi ng sasakyan tulog pa ang asawa ko bakit Bb bakit kailangan mong magsinungaling sa akin?😭 dahil ba sa ayaw mo akong masaktan? Kaya ka ba laging umiinom ng alak dahil alam mo na? Na hindi successful ang unang test ko?😭 Hubby naman!😭 Hindi ako galit sayo alam ko ako ang iniisip mo pero hindi mo naman kailangan solohin lahat ng sakit! hinalikan ko sa noo ang asawa ko saka ako umalis pupuntahan ko si Dra. Anne. Hindi mawala sa isip ko ang mabasa ko ang sakit-sakit sobra💔😭 nakarating naman akong ligtas kahit hindi tumitigil ang luha ko. Nag-ayos ako ng sarili bago kumatok

Tok! Tok! Tok!

"Come In"

Jema: D-doc

Dr. Anne: Nagulat ako na c Doc Jema ang nandito sa harap ko mugto ang mga mata nya parang alam ko na ang pinunta nya dito. D-doc J-jema maupo ka

Jema: Doc nagsimula na naman kumawala ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Hindi naging successful ang unang test ko diba?

Dr.Anne: Hindi ako makapagsalita hindi ko alam ang tamang salitang bibitiwan ko kay Doc Jema lumapit ako sakanya at yinakap sya ng mahigpit kasabay ng pagyakap ko ang paghagulhol nya sa pag-iyak. I'm s-sorry Doc yun lang ang lumabas na salita sa bibig ko maging ako ay umiiyak na din.

Jema: Dok *sob* b-bakit kailangan nyong ilihim *sob* sa akin ng asawa ko ang totoo? *sob*

Dr. Anne: I'm really sorry Doc I can't break your innocent heart I knew how much you want it. As a doctor like you its our job to protect also our patient's feeling. Lahat ginagawa natin para sabihin ang isang bagay sa paraang hindi masasaktan o makakasakit lalo sa pasyente namin hindi kayo iba sa akin ni Lt. Wong, patawarin mo ako kung sa asawa mo ako nagsabi she loves you so much. Ayaw nyang masaktan ka Doc, we are both crying in our heart😭

Jema: N-nasasaktan ako Doc *sob* napakaselfless ng asawa ko sinolo syang dinala ang lahat ng sakit *sob* natuto na din syang maglasing Doc *sob* nasasaktan sya para sa akin at nakakasaktan sya para sa magiging baby sana namin *sob* naaawa na ako sa kanya dahil ayaw nya akong masaktan pasan nya ang lahat ng sakit * sob* na dapat pinaghahatian namin *sob* Doc! 😭

Dr. Anne: Matatag at malakas ang asawa mo Doc wag mo syang intindihin alam mo ang mas lalong masakit sa kanya? Yun ay ang paglilihim nya sayo dahil sa lubos na pagmamahal nya sayo ayaw ka nyang masaktan.

Jema: Nagpapasalamat nalang ako Doc na nakatagpo ako ng isang Deanna Wong sa buhay ko, yun taong hindi ako susukuan sa mga panahon ng kahinaan ko. Doc m-may mali ba sa akin b-bakit hindi naging successful ang test ko?

Dr. Anne: Doc walang mali sayo lahat ng test mo pumasa sa screening kaya wala kong nakikitang problema kailangan lang talaga natin mag-antay. You can try your pregnancy test after 6 weeks.

Jema: Thank you Doc, napanghihinaan na ako ng loob dahil sa hindi naging successful ang test kong mauna malungkot ko saad hinawakan naman ni Doc Anne ang kamay ko.

Dr. Anne: You're a fighter Doc like your hubby, malalagpasan nyo ito kung para sa inyo darating sya walang makakapigil kahit sino man sabay yakap at ngiti ko.

Jema: Salamat Doc, can you promise me? I smiled

Dr. Anne: Okay, Promise what? Doc

Jema: From now on no more secrets

Dr. Anne: Haha Yes Doc Promise no more secrets well get through this

Jema: Doc thank you but I have to go, nag-aantay na ang asawa ko sa akin hindi na kasi ako nakapagpaalam Doc tumango lang sya at yumakap sa akin lumakad na ako at nagsimulang magdrive madali ko namang narating ang bahay pagbukas ko ng pinto nasa sala na ang asawa ko kunot ang noo ngumiti naman ako.

Deans: Nagising ako na wala na ang asawa ko wala din ang kotse kaya alam kong lumabas sya nagtimpla ako ng kape at tumambay sa sala ng biglang niluwa ng pinto ang asawa ko. Saan ka galing? At b-bakit mugto ang mata mo wifey? Hindi sya nagsalita tumakbo sya sa akin at yumakap ng mahigpit niyakap ko naman sya  pabalik ngunit nakakaramdam ako ng basa sa leeg ko umiiyak ang asawa ko I cupped her face. Hey wifey why are you crying?

Jema: Hindi ko na mapigilan ang sarili ko para yakapin ang asawa ko, ito lang ang alam kong makakaalis ng sakit na nararamdaman ko ang bisig nya ang tahanan ko, ang comfort zone ko, Hubby I love you so much I kissed her lips and cheeks

Deans: I love you more wifey ikaw lang po mahal ko okay?  Hush now Bb please don't cry. Ano bang nangyari bat ka umalis? Pinag-aalala mo ako Bb.

Jema: I'm sorry Bb kung pinag-alala kita sorry talaga, Hubby alam ko na yung totoo sa naunang test ko nagulat sya sa sinabi ko yumuko sya at hinawakan ang kamay ko tumutulo na ang luha nya

Deans: W-wifey s-sorry about that, a-ayaw lang kitang m-masak----- hindi na natapos ang sasabihin ko inangat nya ang ulo ko at hinalikan ako sa labi

Jema: Shhh its okay hubby, pinatawad na kita kahit hindi ka pa hihingi ng tawad alam ko ginawa mo lang yun para sa alam mong ikakabuti ko oo Bb nasaktan ako ng sobra dahil naglihim ka pero sa kabila nun hubby I admired you so much you're the bravest person I knew lagi mong inuuna ang happiness ko, lagi mo akong inuuna bago ang sarili mo. Mahal na mahal kita Deanna Wong sabay yakap ko.

Deans: Mahal na mahal din kita ng sobra Jessica Margarett Wong sabay halik ko sa labi nya, salamat Bb at pinatawad mo na ako.

Jema: Pero papatawarin kita ng tuluyan kung ipangako mong wala ng maglilihim okay?

Deans: Yes Boss I promise no more secrets

Jema: Good hubby kahit ano pa yan masakit, masaya o ano man dalawa tayong haharap mag-asawa na tayo ngayon hindi ka nag-iisa hubby sabay ngiti ko.

Deans: Opo wifey sorry talaga so aantayin natin ulit future baby natin ha.

Jema: Oo naman hubby baka nga parating na sya/sila kasi nalulungkot na ang Mommy at Dada nila haha nagtawanan kaming pareho

Deans: Thank you Lord at napakamaunawain ng asawa ko. Inaya ko naman syang kumain dahil nagluto na kami habang kumakain walang humpay na asaran, pikunan at tawanan ang nangyari at syempre panay ang hampas ng kurot ng asawa ko sakin. Napapaisip tuloy ako kung paano na kapag buntis na sya edi mas lalo na😅 Hay Deanna Wong! dapat mapaghandaan hahaha😂





A/N
*Hello dear readers sorry kung nalungkot kayo sa nakaraang update✌sinusubok ang katatagan nila😅
* Sa mga mag-abang po ng update eto na po sorry sa pag-aantay hay hindi na naman maganda ang panahon😐
*Sorry sa typos/errors/grammar Godbless us all😇

You're My HomeWhere stories live. Discover now