XLVI

11.3K 206 62
                                    

Jema's Pov

Hinatid ako ni Deanna dito sa hospital may pupuntahan daw sya ang weird this past few days lagi syang may pinupuntahan o inaasikaso ayaw ko naman syang tanungin mamaya isipin nya wala akong tiwala sa kanya, nandito ako sa office ko at nandito din yung dalawang gaga makikisnack daw sa akin nagpadeliver kasi c Deanna ng food naming tatlo kinantyawan kasi sya kanina na manlibre nung hinatid nya ako. Haha

Ced: Wow mare ang dami namang pinapadalang food ni Deans at may pa-flower pa akin na lang ha

Jema: Tse! Nakikain na nga kayo kukunin nyo pa tung bulaklak ko bakit hindi ka manghingi dun kay Caloy!? Sabay irap ko

Jho: Sungit naman mare parang bulaklak lang eh ako diko type yang sunflower gusto ko roses hehe

Jema: Bakit pinapakialaman ko ba kayo sa gusto nyo? Sabay taas ko na kilay

Ced: Haha asar kana naman mare buti natitiis ka ni Deanna? Hahaha Aray! Naman

Jema: Agad ko namang kinurut c Ced, Hoy! Domingo kahit ganito pa ugali ko mahal ako ni Deanna at hindi magbabago yun!

Jho: Oo na lang kaya ng inuwi kana sa Cebu eh baka sinuko mo na ang bandera ha.hahaha

Jema: Gaga! Alam nyo kayong dalawa dalian nyo ng kumain at umalis na kayo wala kayong nasasabing mabuti sayang lang binabayad sa inyo sabay kurot ko sa kanilang dalawa tumawa lang ang mga loka.

Ced: Okay lang sa Dad nyo naman ito ni Deanna eh hehe😅

Jho: Ano mare kumusta naman ang future mother in law sa Cebu?

Jema: Okay naman sila nameet ko na din lahat ng mga kapatid ni Deanna at lahat sila mababait sarap magluto ng Mom ni Deans sabay ngiti ko.

Jho: Dapat pala mare ngayon palang magsimula ka ng mag-enroll sa cooking lessons hahaha

Jema: Gaga! Bakit naman??! Taas ko ng kilay

Ced: Natural mare masarap magluto ang Mom ni Deanna kaya dapat magaling ka din kasi kung hindi baka ipagpalit ka ni Deanna nasanay sya sa masasarap na pagkain na pinaghahanda sa kanya ng Mom nya.

Jema: Napaisip naman ako sa sinabi nitong negra na to, bakit tingin nyo dahil hindi ako ganun kagaling magluto eh ipagpapalit nya ako?

Jho: Hindi naman baka lang HAHAHA(hinampas naman ako ni Jema) Aray!

Ced: Saka sabi nga nila the way to a man's heart is through his stomach kaya dapat mare matuto na tayo hehe preparation sa married life hahaha

Jho: Bakit Ced kung magpropose na si Tots handa ka naba? Wag na natin tanungin c Mare kasi handang handa na yan, pamilya na nga nya nagtutulak na mag-asawa eh umirap naman sya sakin

Ced: Ewan ko basta ako nakahanda naman na kung darating na edi darating diba? Mas okay nga minsan yung less expected eh. Bakit ikaw bes?

Jho: Ganun din ready naman sa kahit anong mangyari saka hindi kaya tayo bumabata. Nagawa naman na natin mga responsibility natin sa family natin. Minsan piliin na natin pagbigyan yun sarili natin. Nag-iipon naman na ako.

Jema: Tama ka jan Jho kaya siguro pinupush na din ako ng family ko hehe

Ced: Mare mauna na kami ha kanina pa pala tayo nagdadaldalan sabay beso namin kay Jema hahaha baka tanggalin na tayo ni Dr. Wong sa trabaho hahaha naglakad naman na kaming palabas ni Jho.

Magkakasama ang mga magkakaibigang sundalo dahil matagal na din hindi sila nakapagbonding nagpasya naman sila na umiinom ng alak pero yung saktong tama lang dahil ayaw nila magalit mga mahal nila at kapa na din sa kaligtasan nila lalo na at magdadrive pa sila.

You're My HomeWhere stories live. Discover now