Nakailang ulit pa sila nang gabing iyon. Ilan? Tatlo? Ah... hindi. Mga apat.


Maagang bumangon si Camilla. Siya ang naghanda ng almusal ni Hendrick. Gusto niyang bumalik ang lahat sa kanila. Iyong dati... bago ito magbago.


"Love." Niyakap niya ito nang lumabas ito sa kuwarto nila. "Tulog pa sina Kara. Kain ka muna."


"Coffee na lang." Umiwas ito ng tingin sa kanya. 


"Hendrick..."


Nang tingnan siya nito ay nabasa niya ang pagkailang sa mga mata nito. Bakit?


Bumukas ang mga labi nito matapos ang pagbaba-taas ng Adam's apple ni Hendrick. Ano'ng pumipigil ditong magsalita?


"May problema?" Nilapitan niya ito. "Hendrick..."


"Nasaktan kita." Napatingin ito sa gawing dibdib niya. "Ako ang may gawa nito..." turo nito sa balat niya.


May maliit na pangingitim sa ilalim ng leeg niya malapit sa kanyang dibdib. Kita iyon dahil sa may kababaan ang neckline ng suot niyang T-shirt.


"Kumain ka na . . ." Hinila niya na ito sa hapag. "Sa tingin mo ba, may mali sa akin?"


Umiling siya. "Wala."


"Sana hindi nawala ang baby natin..." Biglang sabi nito sa malalim na boses.


Nasaktan siya. Iyon ba ang naka-trigger para magbalik ito sa pagiging halimaw nito? Kasalanan niya dahil hindi niya iningatan ang anak nila. Hanggang kailan niya dadalhin ang sakit na iyon sa konsensiya niya?


"Naguguluhan ako sa ikinikilos mo..." Gumaralgal na ang boses niya. "Bakit hindi mo na lang isumbat sa akin ang kapabayaan ko sa pagkawala ng baby natin? Hindi mo kailangang magpanggap na okay lang ang lahat gayong hindi naman pala."


Tumayo na ito at lumapit sa kanya. Hinagkan nito ang noo niya. "Take care..."


"Hendrick..."


Nakalabas na ito ng condo ay hindi pa rin siya makagalaw. Gusto niyang sumigaw at magwala. Masakit pa sa mga pasa ang ginagawa nitong pag-iwas sa kanya.


Ilang sandali rin siyang nakatulala bago niya naisipang kumain. Kumalam ang sikmura niya at hindi niya type ang mga iniluto niya. Naghanap siya sa ref ngunit wala siyang matipuhan. Nahihilo siya sa iba't ibang amoy ng pagkaing stocks nila.


Sa huli ay napagpasyahan niyang sa labas na lang kumain. Nang umuwi naman siya ay halos isuka niya rin ang lahat ng kinain niya. Nanlalatang nagkulong na lang siya sa kuwarto nila ni Hendrick.


...


KINAGABIHAN ay ganoon na naman si Hendrick. Tahimik itong papasok sa kuwarto nila. Maliligo at pagkatapos ay tatabihan siya sa kama. Ngunit hindi niya na hinintay na maulit iyon. Tumayo siya at akmang lalabas ng kuwarto nang pigilan siya nito.

The Billionaire's ObsessionWhere stories live. Discover now