Kabanata 17

371K 10.7K 3.7K
                                    

INIS na inilapag ni Camilla ang mga dokumento sa mesang naroon sa bodega.


Gigil na gigil talaga siya. Pang-apat na balik na niya iyon at may isa pa siyang bungkos ng mga folders na kukunin sa 26th floor para dalhin ulit dito sa 5th floor.


"Shit! Akala ko ba sekretarya ang trabaho ko rito? Bakit ganito?! Daig ko pa ang kargador!" Ipinagpag niya ang mga kamay niyang napuno na ng alikabok.


Buong araw niyang hindi nakita si Hendrick dahil may meeting ito. Maigi na rin at baka pag hindi siya nakatiis ay isampal niya sa mukha nito ang mga dokumento. Obvious naman kasing pinahihirapan siya ng may saltik na iyon.


Akalain mo? First day niya as an office girl sa isang kilalang kompanya kaya naman todo ayos siya. Nanghiram na naman siya ng office attire sa kaibigan niyang si Cynthia, at talagang kinulot niya pa ang dulo ng buhok niya para naman talagang magmukha siyang sopistikada. Ngunit ano na ang itsura niya ngayon? Mukha na siyang nanlilimahid na clown. Humulas na ang makeup niya at napudpod na rin yata ang takong ng sapatos niya plus puro alikabok na rin siya.


"Shit!" Sa asar ni Camilla ay tinadyakan niya ang nadaanan niyang trash can.


"I wasn't informed that my personal secretary has anger issue." Isang tinig na nagpaigtad sa kanya.


Gulat na napatingin siya sa pintuan ng bodega. Doon ay natagpuan niya si Hendrick na nakatingin sa kanya habang nakapamulsa sa suot na slacks. Isang immaculate white long sleeves polo lamang ang pang-itaas nito at wala itong suot na coat.


"A-anong ginagawa mo rito?" nauutal na tanong niya. Hindi niya alam kung kailan pa ito roon.


"I'm looking for my secretary," wika nitong walang kaemo-emosyon.


Kahit ayaw niyang mahiya rito ay hindi niya maiwasan. Nanlilimahid siya ngayon samantalang ito ay preskong-presko, ang linis-linis at mukhang napakabango.


Tumikhim siya. "B-babalik na ako sa opisina mo..."


"Let's go together," parang balewalang tugon nito.


Tiningnan niya ito nang masama.


"Anong nangyari sa'yo? Bakit basang-basa ka ng pawis?" nakakunot ang noong tanong nito na akala mo'y ngayon lang napansin ang itsura niya.


May gana pa talaga itong magtanong, ha?!


"Camilla..." Naghihintay ito ng sagot mula sa kanya.


"Walang hiya ka! Nagtatanong ka pang abnormal ka! Bakit kasi hindi mo sinabing hindi pala sekretarya ang kailangan mo kundi kargador!" gigil niyang sigaw rito.


Sila lang naman ang nasa loob ng bodegang iyon at walang makakarinig sa pang-aaway niya kay Hendrick.


"Hey, I don't know what you're talking about." Ito na naman ito sa pa-inosenteng mukha nito.


Huminga siya nang malalim at saka pinunasan ang mukha niyang puro pawis. "Pwede ba! Umalis ka sa harapan ko, kasi kahit tayong dalawa lang dito ay baka kung anong magawa ko sa 'yo!"


Ngumisi ito. Finally, he was showing his real self.


Umusok na ang ilong niya sa inis. "You deserve all these kind of treatment from me!" Binangga niya ito sa balikat at saka akmang iiwan na ito.


Ngunit pinigilan siya ni Hendrick sa braso.


"Ano ba?!" piksi niya.


"Don't you have any idea how hot you are in my eyes right now?" Mapaglaro ang ngiting nakaukit sa mga labi nito.


The Billionaire's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon