SUMUNOD siya sa kagustuhan ni Benj. Nagtungo sila sa kilala nitong OB. Agad siyang sumailalim sa test. Ganoon na lang ang kabog ng dibdib niya.
Tandang-tanda niya pa ang sinabi ni Dr. Garais ng pumunta siya sa private clinic nito ng gabing dinugo siya. Doon siya dumeretso siya dahil ayaw niyang malaman agad ni Hendrick kung ano man ang magiging resulta ng pagpapatingin niya.
"Doctor Sanchez..." Kinakabahang naupo siya sa silyang nasa unahan ng desk ng OB. Sa katapat naman niya ay si Benj. Ilang minuto ay dumating ang doktor dala ang resulta ng test niya. Sinabi na nila rito ang kanyang problema.
"Hindi ka nagkaroon ng miscarriage, Misis." Ngumiti ang babaeng doktor.
"P-pero dinugo ho ako..." Naguguluhang napatingin siya kay Benj.
"20-30% ng mga babaeng buntis ay nakakaranas ng some degree of bleeding in their early pregnancy. Approximately half of the pregnant women who bleed do not have miscarriages."
"Kung ganoon... buntis pa rin ako hanggang ngayon?!" Parang sasabog sa ang puso niya sa halo-halong emosyon.
"Natural lang na kabahan ang isang babae kapag dinugo ito, at makakabuting magpatingin agad sa doktor para malaman ang sanhi ng pagdurugo."
Napahilamos siya sa kanyang mukha. Hindi siya nakunan!
"Nakaramdam ka ba ng strong cramps? Kung hindi ay nangangahulugan na hindi ka nakunan."
"Sumakit po ang puson ko... nang kaunti."
"Ilang sintomas ng miscarriage ay strong cramps in the lower abdomen and tissue passing through the vagina. Kung nakaranas ka niyon ay hindi mo na kakayanin pang magtungo sa ospital na ikaw lang mag-isa." Napailing pa ito. "Kung sino man ang doktor na nagsabi sa 'yong nakunan kay ay nagsisinungaling siya."
Naramdaman niya ang pagpisil ni Benj sa kamay niya. "Aalamin natin ang intensyon ng doktor na iyon. Nahirapan ka ng dahil sa pagsisinungaling niya."
Naiiyak na tumango siya sa binata. "Salamat, Benj."
"You can sue that doctor, Misis. Hindi niya dapat sinabi iyon sa 'yo. Ayon sa pagsusuri ko sa 'yo ay nagkaroon ka lang ng cervical changes. Sa pagbubuntis ng isang babae ay ang sobrang dugo ay dumadaloy sa cervix. Intercourse or a Pap test, which cause contact with the cervix, can trigger bleeding. Hindi porket dinugo ka na ay you've lost the baby already..."
"Salamat, Doc." Gusto niyang humiyaw sa kagalakan ngunit at the same time ay nalilito pa rin siya kung ano ang intensyon ng doktor na ini-refer ni Pie sa kanya. Bakit sinabi nitong nakunan siya?
"I'll give you some vitamins para maging healthy ang baby mo. I suggest you come to me for a monthly check up." Nakangiting kinamayan siya ng doktor.
Naluluhang napayakap siya kay Benj pagkatapos.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Obsession
General FictionWhat H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]