; 060

581 34 11
                                    

―kiyane's

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

―kiyane's



"oh bat ang lungkot mo naman ata." pang-aasar sakin ni subin. "sabihin mo lang, hindi ako aalis." dugtong pa niya sabay kindat sakin. agad ko naman siyang hinampas at ngumuso, "ang bilis naman kasi.." reklamo ko.



hinawakan niya naman ako sa magkabilang balikat ko at tumingin sa akin ng diretso, "babalik pa din naman ako pero gusto ko pagbalik ko kayo na ni seungwoo hyung ah?" asar nito sakin. muli ko siyang hinampas ng mas malakas.




. . .




kasama na namin sina seungwoo ngayon at haera, pati na rin ang iilan sa mga tambay. ewan ko ba kung bakit nandiyan 'yang mga 'yan eh hindi naman sila kakilala ni subin. kahit kelan talaga 'tong mga 'to, nakiki-friend.



hindi nagtagal ay tinawag na ang flight number ni subin, mas nalungkot naman ako. nakakatuwa kasi na para bang bumalik kami sa pagiging mag-best friends ngayon. kami ang nagpatunay na pwede pang maging magkaibigan ang mag-ex hehe.



agad na tumayo si subin at ngumiti sa amin, "babye, mahal ko kayo hihi." sabi niya habang nagpapacute. tumayo naman ako at lumapit sa kanya, "mamimiss kita." sabi ko sabay yakap sa kanya. niyakap niya din naman ako pabalik, "ingat ka ex." pagpapaalam ko, ngumiti lamang ulit siya sa akin.



lumapit naman sina seungwoo sa kanya at yumakap din kay subin. wow, nakiyakap pati yung mga tambay amp. sinakyan naman ito ni subin dahilan para matawa kaming lahat. nag-group hug ang mga timang.




nagsimula na maglakad papalayo si subin habang isa-isa din nawala yung mga kasama ko, pero mas pinili ko munang panoorin siyang umalis. bigla naman ito lumingon sa akin at bumulong sa hangin.




"sa-rang-hae-ki-yane.." at saka siya naglakad muli papalayo. naramdaman ko na sincere siya doon.




mahal din kita subin pero mas mahal ko si seungwoo.. i'm sorry kung hindi na pwede bumalik sa dating 'tayo'.




tumalikod naman ako pagkatapos isipin 'yon. wala na silang lahat sa likod ko, tama ba 'yon? BAT NILA AKO INIWAN?! HUHU hindi ko pa naman alam 'tong airport!





naka-receive naman kaagad ako ng message mula kay haera, "pumunta ka.. sa labas? jusko bakit kailangan sa labas pa??". puta, paano ako lalabas dito eh hindi ko nga kabisado 'to? hays, magtatanong-tanong na lang nga ako buset.




. . .




pagkatapos ang mahigit 20 minutes kong paglalakad ay tsaka ko lang narating ang pinakamalapit na gate mula sa place namin kanina. pag itong mga 'to wala dito, uuwi ako mag-isa!




tinry kong i-contact sina haera at yung ibang mga tambay kaso ni isa sa kanila walang nasagot! tangina, andami-daming gate dito sa NAIA di man lang nila sinabi kung saang labas! AYOKO NA, UUWI NA AKO!!




"huy kiyane ano ba! sabi ko lumabas ka lang bakit parang uuwi ka na?!" biglang pigil sa akin ni haera. "ABA MALAY KO BA KASI KUNG SAANG LABAS DIBA?! KUNG MAKAIWAN KAYO SAKIN AKALA NIYO GAMAY KO 'TONG AIRPORT!" sigaw ko naman sa kanya. tumawa lang si gaga. "dami mong alam, halik na nga! bwisit naman 'to, panira eh!" sagot niya lang sakin at saka ako hinila kung saan man.





natanaw ko naman mula sa malayo ang presensya ng isang lalaki, si seungwoo. tinulak naman ako ni haera papunta sa kanya, agad ko siyang nilingon pero sumenyas lang ito na magpatuloy ako sa paglalakad. at syempre, susundin ko kasi si seungwoo 'yun eh hihi.





"seungwoo.." tawag ko sa kanya, nilingon niya naman ako pero tumalikod ulit na para bang may inaayos. sisilipin ko sana ito ng bigla siyang humarap sa akin. uy may tinatago sa likod ah.





"anong meron? kakausapin mo ba ako?" pagtatanong ko sa kanya, hindi naman siya nakapagsalita kaagad. kaloka, ano ba 'to? "a-ano kasi.." hala nautal ang lolo mo. nagulat naman ako ng bigla niyang inilabas ang isang bouquet ng sunflowers mula sa likod niya.





"k-kiyane.. hindi ko alam kung ayos lang ba p-pero sana hayaan mo ako na.."





"na?"






"na manligaw sayo.."


















―○―
hey bijjes im back ahe kilig muna tau ngayon ;)

+

promote ko lang yung bago kong kang minhee ff,
love me. sana support niyo :>

DADDY 'ˢᵉᵘⁿᵍʷᵒᵒTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon