; 031

731 43 4
                                    

―kiyane's

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

―kiyane's


"ihahatid na kita sa inyo." imik ng kasama ko. "ha? eh pano si subin?" tanong ko naman. "sumasakit pa din daw yung tiyan niya, ihatid na lang daw kita pauwi." sagot niya. prikingina, ang awkward na nga namin dito pa lang tapos gusto niya pa akong ihatid?


"wag na, kaya ko naman na mag-commute." sabi ko sa kanya at saka tumayo, kukuhanin ko na sana ang bag ko mula sa kabilang upuan ng kuhanin niya ito. sinakbit niya sa isang balikat niya iyon, "ihahatid kita, delikado baka mapaano ka pa." sabi niya at nauna ng umalis sa akin. ang galeng.


habang naglalakad papuntang parking ay nanatili lang ako sa likod ni seungwoo, pilit na dumidistansya sa kanya. mula sa likod ay tinignan ko ang presensya niya, ang bulok tignan ng bag ko kapag siya ang may dala bat ganon. hindi bagay, parang kami lang sa isa't isa. napansin ko din naman na nakaayos siya, mukhang may sinadya talaga siya dito sa mall.



. . .



walang nagsasalita sa buong biyahe namin. sobrang tahimik, hindi ako sanay nga ganito. gusto ko siyang kausapin―"kiyane, pakisabi sa ate mo sorry ah. babawi na lang kamo ako sa susunod." bigla niyang imik. napatingin naman ako sa kanya.



"bakit? ano bang nangyari?" pagtatanong ko.



"dapat kasi magdedate kami ngayon kaso pina-cancel niya na lang kasi―" bigla siyang napatigil sa puntong 'yon at saka tumingin sakin, "basta pakisabi sorry.." at tumango lang ako sa kanya.



may pake pa din naman pala siya kay ate eh.



"thank you sa paghatid." pagpapaalam ko. bubuksan ko na sana ang pinto ng may naisip akong sabihin sa kanya.



"thank you din sa pag-iintindi kay ate. hindi rin naman siya mahirap mahalin katulad ng iba." sabi ko sa kanya at saka bumaba.


mula sa loob ay tumingin ulit siya sa akin at umimik, "masyadong komplikado ang lahat ng bagay para mahalin ko si eunbi, kiyane. sana maisip niya din 'yon." at saka ngumiti sakin bago siya umalis.


at dahil sa sinabi niyang 'yon, feeling ko andami kong hindi alam tungkol sa pinsan ko. at kay seungwoo.


















―○―

DADDY 'ˢᵉᵘⁿᵍʷᵒᵒTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon