Hello everyone! I'm not a good writer so do expect some typographical errors and other errors ahead. You can correct me if may errors kayong nakita, it'll help me a lot. Just don't bash me and be kind not just to me but to other authors. Respect others if you want to receive the same. Enjoy reading!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"You are here!" Masayang bungad ni mommy pagpasok ko pa lang sa main door ng bahay namin.
"You look so happy, Mom. Anong meron?" I asked puzzled because of her sudden energy. Lumapit ako sa kanya para humalik. Kinuha naman niya ang bag ko at ibinigay ito sa kasambahay namin.
May goodnews ang lola mo sa'yo!" Masiglang sabi niya.
Mas lalo naman akong kinain ng curiosity ko. "Ano pong good news?" Takang tanong ko, may ngiti sa labi. Gustong gusto ko pag nakikita ko ang mommy nang ganito, masaya at masigla.
"Basta, bilisan mo na! Your lola is waiting for you!" Excited na sabi ni mommy na sinabayan pa ng mahinang pagtulak sakin.
Hindi naman agad ako sumunod at tumingin pa sa nanay ko. "Will I be happy about it?"
Imbis na sumagot, nanunuksong tingin lang ang ibinigay niya sa akin. Tinulak niya ulit ako palayo. "Go!"
Napahinga naman ako ng malalim at sinunod na si mommy. May kung anong kabang pumasok sa dibdib ko kaya bago ako kumatok, ikinalma ko na muna ang nagwawalang puso ko. Wala akong kahit isang ideya sa good news na sinasabi ni mommy kaya mas lalo akong kinakabahan. Dalawa lang kasi 'yan, eh. Maaring good news nga pero para sa kanila at hindi naman para sa akin.
"Lola, bakit po? Pinapunta ako dito ni Mommy." Lumapit ako kay Lola at nag mano.
Nanatili akong nakatayo sa harap niya after ko magbigay ng pag galang. Wala akong planong umupo, kinakabahan ako. Nasa likod ang kamay ko kaya malaya kong nakakamot ang hinlalaki ko gamit ang hintuturo ko.
"I'm glad you're here, apo. May good news ako! At alam kong sobra mo itong magugustuhan." Sinenyasan niya ako na umupo sa upuang nasa harap niya na agad ko namang sinunod. Aba, kating kati na akong malaman kung ano ang good news niya kaya kahit anong ipagawa niya ay gagawin ko na talaga matapos lang ang kalbaryo na nararamdaman ko sa dibdib ko.
"Ano po ba 'yon, Lola? Ang saya niyo ni mommy, kinakabahan ako tuloy." Ani ko. May kakaibang kinang ang mata niya same kay Mommy. Excited akong malaman na kinakabahan tuloy ako sa sasabihin nila. "Matutuwa rin ba ako ng ganyan pag nalaman ko 'yan?" Tanong ko pa.
Nagkibit balikat si Lola pagkatapos ay tumawa. Hala siya, nabaliw na. Nang makita ni Lola na hindi ako makasabay sa saya niya at nakangiwi na lang ako, tumikhim siya at nginitian ako.
"22 ka naman na..." Panimula niya. Para namang may tambol sa dibdib ko dahil sa kabang nararamdaman ko ngayon. "Tumatanda kana at the same time ay stable naman na ang buhay mo so I'm planning something..." Pabitin niya kaya ilang beses akong napalunok.
Wala pa kami sa kalahati pero parang alam ko na ang ibig niyang sabihin. Nabanggit na niya ang edad ko so ibig sabihin...
"Ano po iyon?" Kinakabahang tanong ko.
"Ipapakasal kita sa apo ng kaibigan ko." Nakangiting sagot ni lola at para naman akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig ko.
Ilang beses akong kumurap at pilit tinatanggal ang kung anong nakabara sa lalamunan ko para pigilan ako sa pag react. "L-lola, ano po?" Utal na tanong ko.
"Magpapakasal kana," ngiting paglilinaw niya na para bang simpleng salita lang ang binitawan niya. Na para bang inutusan niya lang akong bumili ng kung anong libro sa book store.
Suminghap ako at ilang beses tumikhim. "W-what? Lola, masyado pang maaga yan para sa akin diba? I mean hello, wala akong alam sa pagiging asawa and, and—"
"—You'll marry Ralph Dean Tolentino," pag putol niya sa pagsasalita ko. Mas lalong kumabog ng malakas ang puso ko. This time, hindi na dahil sa kaba.
"Is that for real?"
Hindi ako makapaniwala. Totoo ba talaga 'to? Pag ito joke lang lalayas talaga ko dito.
"As in si Ralph Dean?" Nanlalaki ang matang tanong ko pa.
Tumango tango si lola, "Yes, hija. Si Ralph Dean ang lalaking kinahuhumalingan mo."
Ay grabe sa kinahuhumalingan oh! Pero true naman...
I squealed.
"Omg! Totoo talaga lola? Hindi prank? Walang eme?" Sunod sunod na paninigurado ko pa. Aba, ayokong ma heart broken. Kailangan masigurado kong totoo talaga.
"Totoo nga." Tumawa si lola. Tinignan ko pa siya ng maigi at nang wala namang makitang kalokohan sa mukha niya ay muli akong tumili at lumapit sa kanya para yakapin siya at paulanan ng halik.
"Thank you! Thank you! The best ka talaga. You made me the happiest woman alive! Anong gusto mo? Hilutin ko likod mo? Lahat gagawin ko, pagsisilbihan kit—" Natigil ako nang itulak niya ang ulo ko.
"Oa kana."
Nakagat ko naman ang ibabang labi. Kelan ang kasal???" Excited na tanong ko na ikinatawa niya.
It's the best day ever! And I know that I'll be having a best life pag kinasal na kami ni Dean, pag kinasal na kami ng taong mahal ko. Gad! I'm so excited! So excited to be his wife! Pinapangako kong hinding hindi siya mag sisisi na ako ang pakakasalan niya. Dapat na akong maghanda bilang house wife at mommy ng mga anak namin.
Sobrang saya ko!
Sabi na nga ba at magiging akin ka, Dean. Worth it ang night prayers at panunumpa.
Antayin mo ako, Dean. Your wife is coming!!
***
STAI LEGGENDO
Loving Dean
Narrativa generale[COMPLETED] Anne and Dean story. Sabi nila masarap daw ang mag mahal pero mas masarap sa pakiramdam pag mahal ka ng taong mahal mo... Pero paano kung yung taong mahal mo puro sakit ang binibigay sa'yo? You did everything for your love but still, i...
