"Bitin.." he glared at me. Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa itsura n'ya o ano. Daig n'ya pa ang nalugi.

"Some other time..babylove." I teased. Nawala na talaga ang kaba ko dahil sa intimate na kiss na 'yon. Sumimangot s'ya kaya isinandal ko ang noo ko sa noo n'ya, "Ang panget mo kapag nakasimangot.. may next time pa naman." I comforted him.

"Kailan naman kaya ang next time na 'yan?" para s'yang batang nagtatanong.

"Huwag ka na makulit jan at bumaba na tayo ng kotse mo." napatingin ako sa sinakyan naming kotse, "Ganda ng kotse mo ngayon ah. Magkano bili mo?" I asked him.

Hindi pa rin s'ya natinag sa kakasimangot n'ya. Hays bakit ba ang cute cute n'ya kapag ganyan ang mukha n'ya? Naku talaga, Sy! Dinaraan mo ako sa pagpapacute mo. Ugh!

"Hindi na mahalaga kung magkano..ang mahalaga ay 'yung kasiyahan mo." hindi ko napigilang hindi kiligin ng dahil sa sinabi n'ya.

"Sweet. May reward ka sa akin." sabi ko at ngumiti s'ya.

"Ano naman 'yung reward ko? Pwedeng kiss na lang?" tanong n'ya at tumango naman ako.

Bigla s'yang napayakap sa akin at iniyakap n'ya ang kamay n'ya sa mukha ko, "Freak. Medyo hindi pa burado ang lipstick mo. Burahin ko na ba?" tanong n'ya.

Sasagot pa lamang ako noong hinila n'ya ako papalapit sa kanya at hinalikan.

We kissed with love and so much passion. It felt surreal. Everytime he kiss me ay parang nanlalambot ang tuhod ko at kailangan kong ikapit ang kamay ko sa leeg n'ya. He lowered his gaze until he planted kisses on my neck. Medyo nakikiliti ako dahil dumadampi ang mainit n'yang hininga sa leeg ko. I gawked when I felt his hand on my chest.

Medyo nainis ako dahil kung saan saan naglilikot ang kamay n'ya, "Ang likot likot ng kamay mo, Sy!" sita ko at inilayo ko ang kamay n'ya sa dibdib ko.

He just shrugged and continue to nibble and suck my lips, "Malelate tayo sa dinner ng mommy mo." I warned him pero nagkibit balikat lang s'ya.

"Okay lang. Ikaw na lang gagawin kong dinner.." pilyong sabi n'ya at kinurot ko s'ya sa tagiliran n'ya. Ako na ang naginitiate na mag-stop because I felt that my lips were swollen. Moreover, parang burang bura na ang shade ng lipstick ko.

"Kailangan ka pa naging pervert?"

"Sa'yo lang ako pervert." sagot n'ya.

"Maniwala ako sa'yo. Tara na nga at baka mag-init ang ulo ko." sabi ko sa kanya at nagmadali s'yang bumaba ng kotse at pinagbuksan ako, "Feeling mo gentleman ka na n'yan?" pagtataray ko at kumamot lang s'ya batok n'ya.

"Nagpapakagentleman na nga e. Ang dami mo pang reklamo mahal na reyna."

"Maganda ba ako? Myghad, ikaw naman kasi. Kung saan saan dumadapo ang kamay mo. Look, nalukot 'yung dress ko." maktol ko at tumawa lang s'ya.

"Maliit na bagay lang 'yan, freak. Nalukot lang 'yan e. Mas malala pa ang pagbura ko ng lipstick mo." he said as he draped his arms around me.

"Tingnan mo monster, ang pula pula ng nguso mo. Kinain mo yata lahat ng lipstick ko." natawa na lang ako noong napansin ko na may pula s'ya sa ngipin n'ya. "Wait lang, mag-ayos muna nga tayong dalawa at baka kung ano sabihin ng mommy mo sa atin." I said.

"Oo nga, freak. Kalat kalat lipstick mo.." he commented and we both laughed. Bumalik kami sa kotse n'ya at inilabas ko sa bag ko ang tissue.

"Tissue oh." abot ko sa kanya at kinuha n'ya naman at malayang pinunasan ang ngipin n'ya. Habang ako naman ay inayos ang sarili ko.

"Ayos na ba ako?" I asked him at ipinakita ko ang mukha ko sa kanya. Nag-angat naman s'ya ng tingin sa akin at ngumisi.

"Isang round pa ng burahan ng lipstick." he suggested at binatukan ko s'ya.

My Greatest Downfall (Published under Summit Media)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora