Prologue

283 48 40
                                    

Pasalampak akong umupo sa isa sa mga cement benches na nagkalat sa university grounds. Ayaw talaga ako payagan ng security department na makita 'yong cctv footage noong araw na 'yon sa music room. Kahit silip lang sana, e! Ilang linggo ko na ba 'to ginagawa? Dalawa? Tatlo? Ahh, malay!

"Gusto lang naman kitang makita, baby Stan," nangalumbaba ako at napasimangot. "Mahigit dalawang taon na kitang ini-istalk pero hanggang ngayon ang ilap-ilap mo sa akin. Ano ba ang kailangan kong gawin para makita ka kahit saglit lang?"

Napatigil ako sa balak na pag-inom ng tubig nang makarinig ako ng strum ng gitara. Nagpalinga-linga ako sa paligid at tama nga ang hinala ko. Simula nang marinig ko ang boses ni Stan noong nakaraan ay napapadalas ang pagtambay ko rito sa parte ng university grounds na malapit sa music room. Umaasa pa rin kasi ako na maririnig kong muli ang boses niya sa kung saan ko unang narinig 'to. At ngayon nga...

Agad kong dinampot ang bag at ilang mga libro ko at tumakbo papunta mismo sa music room. Parang tambol sa lakas ang tibok ng puso ko. I will never let this chance slip again. Never. This is like a one in a million chance. Idagdag pa na ako ang magiging kauna-unahang fan ni Stan na makakakita ng mukha niya.

Huminto ako sa tapat mismo ng pinto ng music room at huminga nang malalim. Hindi man ganoon kalayo ang tinakbo ko pero hiningal pa rin ako. My adrenalines and excitement combined, kaya naman kahit wala pang sampung metro ang tinakbo ko ay parang puputok na ang mga baga ko.

Para akong mabibingi sa lakas ng tibok ng puso ko. Rinig na rinig ko ang tunog ng gitara at boses niya mula sa music room dahil sa nakaawang na pinto. Papasok na ba ako o hihintayin kong matapos siyang kumanta? Pero paano na lang kung tulad noong una ay magkasalisi na naman kami? Ayoko nang mangyari 'yon!

Kinakabahang sumilip ako sa siwang ng pinto. Tulad ng dati ay isang nakatalikod na lalaki ang unang nakita ko, may hawak din itong gitara. Kumunot ang noo ko nang makita na hindi lang iisa ang tao na nasa loob ng music room. Parang may nahaharangan pa kasi 'yong lalaking nakatalikod mula sa kinaroroonan ko.

Nanginginig ang kamay na inabot ko ang door knob at dahan-dahang hinila ang pinto. Ang lakas ng pintig ng puso ko habang dahan-dahang lumalapit sa kanila. This is it, Rinne. Ang matagal mo ng pinapangarap...

Unti-unting napaawang ang mga labi ko ng unti-unti kong maaninag kung sino ang nahaharangan ng lalaking may hawak ng gitara. Holy shit...

Please tell me na namamalik-mata lang ako. No, it can't be him. He can't be Stan. No, I mean, of all people, why him?

Lovebug again...

Nabitawan ko ang hawak kong mga libro nang bitawan niya ang huling linya ng kanta, dahilan para maagaw ko ang atensyon nilang pareho ng kasama niya. Parehong gulat ang ekspresyong napatingin sila sa akin.

"Lorinne?"

Napapailing na napahakbang ako paatras. No, he's the last person I would suspect to be Stan. Nakita ko ang akmang paglapit niya sa akin, kaya naman walang pag-aalinlangang tumalikod ako at tumakbo. No, this can't be happening! Anong mukha na lang ang ihaharap ko sa kaniya sa sunod na pagkikita namin?!



🌸 🌸 🌸 🌸 🌸 🌸
It feels totally weird that the prologue came later than the first chapters. Lmao.
I didn't really plan to put a prologue for this story but my fickle-minded self suddenly wants one.
Damn. So, here it is.

Song used: Lovebug by Jonas Brothers

Feel free to vote and comment.
viel Liebe 💕
🌸 🌸 🌸 🌸 🌸 🌸 

Symphonies of My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon