Eleventh Symphony

104 41 37
                                    

It's been three days since the auditorium incident and I haven't seen Azrael ever since that day. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o ano. One part of me is worried, na baka may nangyaring masama sa binata, while the other part of me feels relieved kasi hindi ko na kailangan pang mailang kung sakaling makasalubong ko man siya.

"You look pale, Rinne." Akmang hahawakan ni Yassi ang noo ko pero umiwas ako. Tatlong araw na ring masama ang pakiramdam ko pero ayoko lang ipakita kay Yassi dahil ayokong mag-alala ang best friend ko.

"I'm okay, Yassi." Nginitian ko siya at nagpatuloy sa paglalakad.

"Sigurado ka ba?" Halata sa boses ng best friend ko ang pag-aalala. "I feel guilty that I dragged you out of bed that day kahit pa sinabi mong masakit ang katawan mo. Ugh!"

Hinarap ko ang kaibigan saka siya nginitian. "Masyado kang worry-wart. Ako? Si Lorinne Tiffanie Ayala, magkakasakit? Ha!"

Nakita ko na lang na napailing si Yassi sa sinabi ko. "Whatever." Sinundan ko na lang ulit siya nang ipagpatuloy nito ang paglalakad.

Tulad nga ng sinabi niya, she literally dragged me out of bed that day. Ayaw ko sanang pumasok ng araw na 'yon dahil ayokong makita si Azrael after the infamous auditorium incident. Pero itong best friend ko sinabihan ako ng 'feel the pain' daw dahil parte raw 'yon kapag nag-jogging. Kaya naman wala akong choice kundi pumasok ng araw na 'yon. At halos magpasalamat ako sa lahat ng santo nang hindi pumasok ng araw na 'yon si Azrael.

"Penny for your thoughts?" Napalingon ako kay Yassi saka umiling. Nakita ko naman ang pagkibit-balikat niya. Buti na lang at hindi umiiral lately ang pagiging bipolar ng best friend ko. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa nasasabi sa kanya ang tungkol sa insidenteng 'yon. It's not because I don't want to tell her, I just don't have the courage.

"Anyway Rinne, may napili ka na bang club? Last year na natin 'to sa college, might as well join one." Napatingin ulit ako kay Yassi sa sinabi niya. I'm thinking of joining one but none of the clubs piqued my interests hanggang ngayon. Hindi ko naman kasi pinagtutuunan ng pansin ang mga clubs dito sa university. "At nakakairita rin kasi kapag hinahabol ka ng mga recruiters' ng mga clubs, parang may karatulang nakasabit sa'yo na nagsasabing wala ka pang sinasalihang club. Nakakairita."

Inirapan ko siya. Kasalanan ko bang desperado ang ibang clubs na maka-recruit ng miyembro? Kasalanan nga nila kaya na-lock ako sa auditorium kasama ni... I erased that thought. H'wag mo munang isipin 'yon, Rinne. Makakadagdag lang 'yon sa sakit ng ulo mo.

"Wala naman akong matipuhang club. I don't even know what my talents are."

"Why not join the photography club? Or our club?" Napatigil ako sa sinabi ni Yassi. Photography club... May bigla akong naalala sa sinabi ni Yassi pero agad ko ring iwinaksi sa isip ko 'yon. "I can talk to our EIC na gawin kang official photographer ng university herald."

Binigyan ko ng nagtatakang tingin si Yassi. I must admit that her suggestion is tempting but I still have doubts. "You're pretty talented, Rinne. Hindi ka lang aware sa mga kaya mong gawin. You can sing. You can play the piano---" I snorted when she said that.

"What?"

"I only played the piano kasi pinilit ako ni Mommy na mag-take ng piano lessons for that summer. I don't even know kung marunong pa ba ako."

"Well, you can also write a pretty decent article if only you're serious. You can da---"

"Stop!" Pigil ko sa sasabihin pa ni Yassi. "Alam kong best friend mo ako at mahal mo ko, but you don't need to praise me that much, Yassi. Ikaw rin, baka lumaki lalo ang ulo ko."

Symphonies of My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon