21

842 35 0
                                    

Melissa's PoV

Jusko naman tong taong to masyadong clingy. Tagal tagal nang hawak kamay ko hindi ko pa rin maalis. Naiihi na ko!!!

"Ron bitaw muna awa na ayoko magkalat sa ospital"

Ayaw pa riiiin

Hinimas himas ko yung kamay niya tapos saka ako nagsalita

"Babalik akooooo. Ron ihing ihi na ko woy!"

Nung sinabi ko yung lumuwag yung kapit niya sa kamay ko. Hay salamaaaat!!

Pagkatapos kong umihi parang nananaginip na bata si Ron, may inaabot na kung ano sa kawalan. Kinuha ko naman yung kamay niya at saka yun hinalikan

"I love you Isay..."

Pati ba naman sa panaginip? Tong taong to talaga

Lumapit ako sa tenga niya saka binulong yung sagot ko

"I love you too"

Ron's PoV

Paggising ko mukha ni Isay yung bumungad saken. Nakangiti siya. Ang ganda ganda niya.

"Oh kamusta pakiramdam mo?" Tanong niya saken

Ngumiti ako bago nagsalita.

"Ok na ok, nandyan ka ehh hehe"

"Asus tigilan mo nga ako"

"Oo nga!! Kahit nga yata di na ko magpaopera malakas na ko"

"Eh kung tampalin kaya kita? Anong hindi magpaopera"

"Joke lang Isay. Scheduled na nga di ba? Hehe."

"Nako ka talaga!!"

*knock knock

"Siya na naman?! Bushak! Wit lang Ron okeh?"

"Sinong siya?"

"Basta"

Pumunta siya sa pintuan ng kwarto ko para silipin kung sino pero bago pa man niya nagawang isarado ang pinto ehh nagdirediretso na isang bata

"Kuya pogiiiiii"

Si Greg pala, kulit talaga ng isang to haha

"Oh Greg? Sino kasama mo?"

"Hi kuya!" Kiko

"Iho kamusta ka na?" Mama ni Isay

"Ahhh ehhh" bigla ako nahiya. Alam kaya nila yung nangyare? Yung pagtaboy ko kay Isay?

"Kuya iniiyakan ka ni ate netong mga nakaraan!! Ano ginawa mo kay ate kuya??"

"Ahh ehh ano..."

"Hindi nagpapagamot kaya iniiyakan ko. Gusto na ko iwan" Isay

"Ehh?! Kuya?! Magpagamot ka kuyaaaa!!"

"Oo nga kuya bakit ayaw mo?? Napepeste ka na ba samen kuya? Lalo dito kay Gregorio??" Kiko

"Bakit ako?!" Greg

I guess hindi pinaalam ni Isay...

"Of course not Kiko"

"Edi magpagamot ka kuya!!! Magpplay pa tayo!! May utang ka pa saken sa puyat ko kuya!!"

"Greg wag sigaw ng sigaw ospital pa din to"

"Sorry ate hehe"

"Sorry if I made your ate cry. Hindi na mauulit promise"

"Dapat lang kuya! Kundi abugbog Berna ka samen ni kuya Kiko!"

SynesthesiaWhere stories live. Discover now