16

766 37 3
                                    

Dali daling nagpunta si Ron sa bahay nina Isay. He can't sleep without knowing she's fine. Pinapakiramdaman niya ang sarili pero ang alam niya mas mamamatay siya pag may masamang nangyare

Pagdating kina Isay kahit madaling araw na ay di siya nagdalwang isip na kumatok. Maya maya may nagbukas ng pinto

"Shiino yan?" Greg

"Hey... Greg, andyan ate mo?"

"Greg bat ka basta bukas ng bukas ng pinto?"

Nilingon ni Greg ang ate niya pero pagtingin niya dito ay nakatulala na itong nakatingin sa taong nasa labas. Pagtingin niya sa taong nasa labas, dun lang niya namukhaan na ang kuya pogi niya pala yon pero tulala din ito.

Nagpabalik balik ang tingin nito ng ilang beses sa dalawang magkatitigan hanggang...

"Bahala nga kayo dyan madaling araw na madaling araw anlalande istorbo!"

Dun lang nabalik sa wisyo ang dalawa pagkatapos silang iwan ni Greg.

Melissa's PoV

Pagkatapos kaming iwan ng kapatid ko bigla akong napabalik sa wisyo. Di kasi ako makapaniwala sa nasa harapan ko!

Anong ginagawa nito dito?! Hala siya! Napansin kong nag-iba ang paghinga niya kaya kinabahan ako.

"Hala huy bakit ka hinihingal?! Anong ginagawa mo dito gabi na?! Hoy yung puso mo!!"

Bigla naman niya ko hinila payakap. Teka napapadalas yakap neto ah?

"Ron. Hinga. Ano nangyayare?" Hinagod ko ang likod niya. Huminga naman ito ng malalim at medyo nagnormal ang paghinga.

"You made me so worried Isay" sabi niya habang nakayakap saken

"B-bakit ka nagworry? Teka nga pumasok ka muna ikukuha kita ng tubig" lalayo na sana ako sa kanya kaso humigpit naman yung yakap niya lalo saken.

"Huy ok ka pa ba?!"

"The moment I saw you I'm already feeling fine"

"Kailangan mo tubig at gamot hindi yakap oy bitaw muna Ron!!" Pilit kong kalas sa kanya sabay hila sa kanya papasok ng bahay

"Maupo ka dyan tsk"

Hinanap ko yung mga gamot na andito sa bahay. Hindi ko maalala bakit nagkameron ako ng gamot ng taong may sakit sa puso pero saka ko na iisipin siguro. Buti hindi pa expired. Sana eto din iniinom niya.

Kinuha ko na din siya ng tubig

"Oh, eto ba iniinom mong gamot?"

"How did you know?"

"Hindi ko alam. Meron lang niyang gamot na yan dito"

"Why?"

"Di ko na din maalala pero inumin mo na muna siguro no? Wala akong pampaoxygen sayo"

"O-ok thank you"

Pagkatapos niyang uminom kinuha ko na yung baso niya at dinala sa lababo saka ko siya binalikan.

"Ano kamusta? Jusko pag namatay ka kargo ko pa oy!!"

"I'm fine Isay. Don't worry"

"Don't worry don't worry ka dyan. Pano kung may nangyare sayo ha? Pano kung habang papunta ka dito inatake ka ng di ko alam ha? Anong gagawin ko non ha?? Ni hindi ko pa nga maintindihan tong nararamdaman ko sayo pinag-aalala mo na ko?!"

Ngumiti naman bigla si Ron na hindi ko naintindihan kung bakit

"You're really worried about me?"

"Oo naman!! Araw araw!"

"Really?"

Nung hinawakan niya yung kamay ko dun ko lang narealize yung mga pinagsasabi ko

"H-ha ano syempre kasi ano-ayy!" Hindi ako natapos sa pagsasalita ng higitin ako ni Ron paupo sa sofa namin, natigilan naman ako ng halikan niya yung kamay ko at magsalita habang nakatingin direcho sa mata ko

"You're making me crazy Isay, so crazy"

Pamura lang isa ah? Pero tangina. Nagwawala yung mga laman loob ko sa sinabi niya. Pero naninigas naman ako ngayon. Ano na Isay?? Ha?? Galaw galaw Isay!!

Nilapat niya yung pisngi niya sa kamay ko at ngumiti habang nakatingin pa rin saken. Tunaw na tunaw na ko sa kagwapuhan mo oy!!

"I'm so glad you're okay. I would've literally died if something bad happened"

"D-died ka dyan! Ano iiwan mo-" napatakip na lang ako sa bibig ko sa pinagsasabi ko. Bakit parang hindi ko katawan to ngayon putek!

"I mean everything I said, including the one I texted"

"T-text?"

"Yes"

"Alin dun?" Ano na Isay nasan utak mo?! San nalaglag?!

"I love you Isay"

Jusko daig ko pa yung nagtatlong tasang kape kahit wala akong tulog. Nagising ang diwa ko bigla. Ang lambing ng boses mamaaaaa. Nanay ko gumising ka na muna!!! Help meeee. Hindi ko kinakaya putaaaaaa.

"I can wait until you're ready Isay di naman ako-"

"I love you too"

"Wait what?!"

"I love....

"Isay?"

"H-ha? May sinabi ba ko? May sinabi ka? Ako? Ha?"

Ano ba bakit ba lagi akong nagddaydream?! Akala ko talaga nag i love you na ko tunginuh

"Kaya kong maghintay Isay, I know your priorities. I was supposed to ask you these things tonight but I guess it's a better time now"

"Ask? Nasan tanong dun?"

Napatawa siya sa sinabi ko. Pano ka nakakatawa sa sitwasyong to?! Wag kang tumawa ang gwapo mo!!!

"Will you please let me court you?"

"Court? Korte? Sinong pupunta sa korte?"

Hinalikan na naman niya yung kamay ko habang matawa tawa saken.

"Ano?"

Huminga siya ng malalim bago nagsalita

"Pwede ba kitang ligawan?"

SynesthesiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon