19

798 37 0
                                    

Ron's PoV

Para akong sinaksak ng mga salita ni Isay. Dahil sa ginagawa ko hiniling na niyang hindi niya ako nakilala. Mas masakit pala yun tangina. Mali to. Mali tong ginagawa ko sa kanila at sa sarili ko.

"Ayoko lang naman na mahirapan kayo sakin ehh..."

"Nagrereklamo ba kami ha?!"

"H-hindi"

"Alam mo naman pala ehh!! Hindi kami nagrereklamo kasi mahalaga samen maalagaan ka!!"

"Isay..."

"Tama na Ron. Kung ayaw mo na wala akong magagawa, hindi mo din naman ako girlfriend di ba?" Lumabas na siya ng kwarto ko at alam kong umiiyak na siya.

Pinilit kong tumayo para sundan sana si Isay pero nanghihina pa ko, hindi ko pa kaya

Sinundan naman ni papa si Isay

"Anak bakit?"

Inalalayan ako ni mama paupo

"Isay..." napayuko na lang ako sa ginawa ko.

"Gusto mo ba talaga to?" Tanong sakin ng mama ko

"Hindi ma. Hindi ito ang gusto ko. Hindi ganito"

Hindi na umimik si mama, niyakap na lang nila ako.

"Mahal niyo ang isa't isa. Dapat hayaan mo siyang samahan ka sa pinagdadaanan mo"

"Baka mapagod siya saken ma"

"Sa tingin mo ba ganung kabilis mapapagod si Isay sayo? She took the risk of falling in love with someone she knows na posibleng mawala sa kanya, but then ikaw naman yung hindi sumalo"

"Hindi sa hindi ko siya gustong saluhin ma. Hindi ko lang talaga alam hanggang kelan ko kaya."

"In that span of time na kaya mo ayaw mo siyang kasama?"

"G-gusto"

"Yun naman pala ehh"

"Ma, I need to talk to her"

"Yes, you do. Sinaktan mo yung tao nak. Akala niya hindi mo nakikita yung concern niya. Akala niya ginago mo lang siya."

"No ma. Mahal ko siya. Alam ko sa sarili ko. Mahal ko si Isay ma"

"So magpahinga ka na. Kailangan makalabas ka ng ospital bago ka pa tuluyang layuan ni Isay"

"Please stop her ma. Please, hindi ko kayang di siya makita ma"

"We'll do whatever we can. Magpahinga ka na"

"Opo ma"

Melissa's PoV

Andito lang ako sa lobby ng ospital. Mukha na siguro akong timang dito na umiiyak. Kahit ayaw na niya bakit ba hindi ko pa rin magawang umalis?! Hindi ko pa rin siya magawang iwan?!

Hindi niya man lang magawang lumaban sa sakit niya. Lakas lakas niyang mangharot nung mga nakaraan araw tapos nagparamdam lang ang sakit niya aayaw na siya?! Bwisit!!

"Sorry about my son iha..."

Nagulat ako sa nagsalita. Si sir Bert pala

"S-sir? Ano pong ginagawa niyo dito? May nangyare po ba?!"

"Wala Isay. I just followed you when you went out"

"Ahh ehh bakit po?"

"Sana hindi mo sukuan yung pagmamahal mo sa anak ko Isay..."

"Hindi naman po agad agad nababago yung nararamdaman sir. Ayoko pa ngang aminin to sa sarili ko nung mga nakaraang araw pero wala nahulog talaga ako sa anak niyo sir kaso siya naman tong hindi lumalaban sir anong magagawa ko dun?"

SynesthesiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon