6

892 45 0
                                    

Melissa's PoV

Natapos ang araw sa resto ng malakas ang ulan. Nako naman wala pa naman akong payong.

Nauna magsiuwi sina Riza at Liana kasi may dadaanan pa daw sila, hindi naman ganung katagal ang diprensiya ng pag-alis namin pero nasakto talaga na lumakas nung lumabas na ko hay nakooo.

"No umbrellas?"

Napatingin ako sa umimik, si sir Ron pala. Bat naiwan to dito?

"Ser! Kayo pala! Naiwan ata kayo nina sir Bert?"

"Hindi pa sila uuwi, they have to go somewhere else, pinasundo na lang nila ako sa isa naming driver"

"Ahhh" humarap na uli ako sa ulanan, ano pa sasabihin ko dito?

"Wala kang payong?" Ulit niya

"Ayy ser wala ehh, gamit ng kapatid ko"

"You have siblings?"

"Yes ser. Dalawa mas bata. Isang college at isang elementary"

"Oohh"

Awkward silence. Kelan ka ba titigil na ulan ka???

Maya maya pa dumating na yung driver ni sir Ron

"Ingat ser!"

"Hatid ka na kaya namin?"

"Nako wag na ser! I'm okay hehe"

"You know, I insist. Mukhang matatagalan bago tumila ang ulan. Mapagkamalan ka pang poste diyan. Hindi ka naman halos gumagalaw"

Aba't loko to ah 😑 bumalik na naman sa pagiging poste ko. Pasalamat ka boss kita.

"Baka out of the way sa inyo ser ehh"

"It's fine"

"Baka hanapin kayo nina sir Bert?"

"I'll text them"

"Baka-"

"Sasabay ka ba?"

"Sabi ko nga sasabay na ser!! Eto na nga po!" Lakad ko papuntang sasakyan nila. Baka mag-init pa ulo saken neto mawalan pa ko ng trabaho.

Tinuro ko na kay kuya driver yung daan papunta sa bahay namin. Pagkadating namin dun binuksan agad nina Greg at Kiko at pinto ng bahay

"Wow ganda ng kotse kuya!!" Greg

"Sino kaya to??" Kiko

Pagbukas ko ng pinto parang mga batang naexcite yung dalwa

"Wow ate may kotse na tayo?!" Greg/Kiko

"Nako kayong dalawa aasa pa talagang magkakotse? Ulam nga once in a bluemoon mabili kotse pa?"

"Ehh kanino yan ate?"

"Sa boss ko"

"Hi 😊" bumaba pala si sir Ron di ko namalayan

"Ayy hello po kuya!!" Greg

"Ate pinopormahan ka ba nyan?" Kiko

"Siraulo hindi syempre!"

"Nililinaw ko lang ate!!" Kiko

"Nako ser pasensiya na kayo sa kapatid ko. Pasok muna kayo ser? O uwi na kayo?"

"Can I stay for a while?"

"Oo naman kuya!! You are very much welcome!! Watch your head nga lang may height limit bahay namin eh hahaha" Greg

Jusko mga kapatid ko. Ginawang kuya at manliligaw yung boss ko. Paano?!

SynesthesiaWo Geschichten leben. Entdecke jetzt