CHAPTER 27

6.7K 217 8
                                    


KESTREL'S POV

Nandidito kami ngayon sa Loyal Dorm at kausap ang buong tropa.

"ANO?! Si Avanty nagbalik?!?" Andrew and Jett

"Teka! Sino ba kasi si Avanty?" Lucy, Lucifer and Larry

"Ex ni Hades si Avanty Macovva" XiaXia and Giselle

"Siya ba yung sinabi mo na pumunta sa Russia kasama ang family at yung boyfriend niya?" tanong ni Layn. Napatingin kami sa kanya at nagtaka kung bakit alam niya. Nag-open up na pala itong si Hades kay Layn, wala man lang sinabi.

Tumango si Hades at napanganga na lang kami. Alam nga nilang dalawa. Pinakita naman ni Hades ang pic ni Avanty at halos mabulunan sila Lucy, Layn, Prince Lucifer at Prince Larry.

"Eh kilala namin yan eh! Bespren ni dad ang dad niya" sabi ni Larry. Nanlaki naman ang mga mata namin pero bigla na lang umalis si Lucy at Layn. Balak sana namin silang sundan pero pinigilan nila kami. No way!

Umiling kami at lahat kami ay sumunod. Nakita naman na namin sila Layn at Lucy sa park nag-iikot hanggang sa makita namin si Avanty na papalapit sa pwesto nila. Naglakad kami ni Hades palapit doon hanggang sa.

"Princess Lucy! Shaniah!"

Natigilan kami sa sinabi ni Avanty. Lucy? Shaniah? Ano?

"Long time no see----"

"Ah... Nagkakamali ka, ako si Layn... S-Siya si Princess Lucy"

"Ano ka ba Lucy? Gagawin mong si Shaniah ang sarili mo-----wait... Did you just say... Layn?" putol lapa ni Avanty sa sinabi niya. Napatingin siya sa akin pero umiwas ako ng tingin. Napangisi naman si Avanty saka kumaway paalis.

"Nga pala Layn, magkita tayo sa rooftop kasama si Lucy" sabi ni Avanty saka na siya tuluyang umalis.

Natitigilan pa rin kami, hindi sa akto ni Avanty kundi sa... Bakit napagkamalan niyang Lucy si Layn at Shaniah si Lucy? It can't be, right? Hindi naman siguro kami nagkakamali ng narinig o baka nalito lang si Avanty?

Naglakad paalis si Layn kasama si Lucy, probably may pag-uusapan. Sumunod nama si Prince Larry at Lucifer at susunod sana kami nila Jett kaso hinila kami nila Hades at XiaXia.

Dinala kami ni Hades sa dorm niya saka kami nag-usap usap. Something about what happened between Avanty, Layn at Lucy.

"May napapansin ba kayo?"

"Anu yon?"

"The way na tinawag ni Avanty si Lucy... Baka naman tama si Jett, in disguise si Lucy as Layn at yung Shaniah ay nagpre-pretend na si Lucy"

Princess In DisguiseWhere stories live. Discover now