Chapter 21

7.3K 240 5
                                    

Kestrel Part started now to Chapter 30! Antay the EXTRAS!!!

KESTREL'S POV

Nagsimula na ang laro ng volleyball boys at todo cheer naman sila Lucy at Layn kay Prince Larry. Wala ba kayong napapansin sa names nila? Panay L lahat! Larry, Lucifer, Lucy and Layn, doesn't it make weird?

"Woohhh!!! Go big bro!"

"Prince Larry! Spike mo na yan!"

Ang ingay pa nila.

Napatingin ako sa kanila saka natigilan si Lucy. Ganun na din ako. Umiwas si Lucy saka naging blangko ang ekspresyon niya. Still hindi niya pa rin ako pinapansin, nagagalit pa rin. Kung sana alam lang niya.

In the end, nanalo ang Noble Class 1 dahilsa mga spikes ni Prince Larry. Hmm.

Tumayo naman na ako para i-announce ang next na maglalaro. Sakto naman na umalis si Layn na nagpaalam.

"Hello everyone! I'm Kestrel Quartaños, a member of the KHAP Boys and I'm the Nobles' Vice President..." paninimula ko. Naghiyawan naman ang mga babae saka sila nagsitili. "The next game is between Commoner Class 2 and Noble Class 2 in Fencing Girls" sabi ko saka na ako naupo. Lumabas naman na ang representative namin sa room pero nagtaka ako sa huling babae na pumasok, suot niya na ang head supporter niya.

Nagpaypay pa ito ng kamay niya saka niya iyon tinanggal. Lahat kami nagulat nang makita si... "LAYN?!?" sabi namin ni XiaXia pati sila Jett na nasa likod. Pati si Prince Larry and Lucifer nagulat.

It's a surprised na sasali sa Fencing si Layn. Hindi niya man lang sinabi sa amin, wtf?

"The first fight will be between Ms. Montermoso and Ms. Perez!"

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ng referee. Si Ms. Perez?!

Si Layla Perez, siya ang Club Leader ng Fencing sa Commoners. Naalala ko na siya yung kasama ni Layn nung tinawag niya si Lucy, Andrew and Giselle dahil sa daga.

Nagsimula sila sa pagstep in step out. Sumugod si Layla at panay ilag naman si Layn hanggang sa isang sugod ni Layla ay nagbend ng katawan si Layn at tinusok ang tuhod ni Layla. Naghiyawan ang lahat ng Nobles nang maka-one score si Layn.

Tinanggal naman ni Layla ang head supporter niya at ganun na din si Layn. Lahat kami nanahimik dahil galit na galit si Layla.

"Tch! Magaling ka talaga Layn... Remember me?"

"Layla, ano bang problema mo? One score pa lang ah"

"That's not my point! Naging noble ka lang, sumobra na ang pangdidikit mo sa KHAP Boys! Especially kay Kestrel! Alam mo ba na ako ang babaeng secretly jowa niya?!" lahat kami ay nagulat sa sinabi ni Layla. Siya? Secretly jowa ko?

Princess In DisguiseWhere stories live. Discover now