SILENT ROOM

Sa paligid ay nagkalat ang mga gamit sa pagpinta.

Hindi pinagkakaabalahan itapon ang mga patapon habang ang mga natapos ay nakasalansan ng maayos sa tabi. Ang nilinis na apartment ay hindi na muli makilala sa gulo.

Nalipat ang pansin sa mga kamay na may bahid ng iba't ibang kulay ng pintura. Ang kamay na inaalagaan noon pa kahit madumi. Sa mga nakaraang buwan ay palaging malinis habang nasa opisina. Napangiti ng mapait sa mga nakaraang pangyayari. Naalala ang dahilan kung bakit pumasok sa opisina at gawin ang mga hindi naman gawain noon.

Umalis sa pagiging malaya sa pagpipinta. Ngayon ay muling binalikan ang pinakagusto gawin sa bawat oras.

Ngayon bumalik na sa dati, bakit ang puso ay may nararamdaman lungkot? Sa paraang may kulang sa desisyon ngayon at sa nangyayari.

Humiga sa malamig na sahig at tumitig sa kisame. Inisip kung ano ang kulang o kung ito nga ba talaga ang pinakagusto mangyari.

Naabala ang daloy ng patutunguhan ng isip dahil sa pagtunog ng cellphone. Kinuha iyon sa bulsa at ang ama ang caller. Sinagot ang tawag dahil ang ina naman ang susunod mangungulit kapag hindi ginawa.

"Moon, don't forget the wedding of Star the day after tomorrow."

"I have many things to finish--"

"Please tell your wife about it. It's in Isla Sapira."

"She has a busy schedule."

"It's a family occasion. Just remind her if she forgot."

Tatanggi pa sana pero may paraan ito.

"Your mother and I will go first tomorrow. Your cousins will come and get the both of you. They rented a boat. Be with them for less hassle."

Marunong naman pumunta mag-isa. Kung noon ay malaya at hindi mahagilap ng mga ito, ngayon ay bumabawi sa pagkahigpit.

Napangiti sa sitwasyon.

Nang matapos ang tawag ay ginawang tumayo at humarap sa maayos na pagkakaayos ng mga tapos ng painting. Isa isa pinakatitigan. Ito ang mga natapos noon pa sa loob ng isang taon pagtatrabaho sa negosyo ng pamilya. Ang bawat isa ay mukha ng mga babaeng nakilala. Ipininta sa mga oras na nakakasama ang mga ito. Handang pumayag maipinta ang sarili nila para sa katulad kong pintor.

Ang kapalit?

Naalala ang mga ipinalit sa mga nakilalang babae makuha ko lamang ang nais.

Pero may isang kusang iginuhit. Ang nasa harapan ko ngayon. Sinabing itatapon na ito pero hindi ginawa.

Kumuha ng charcoal pencil at inilagay sa ibabang bahagi ang signature. Pinakatitigan muli iyon at inilagay din ang initial ng pangalan ng nasa larawan sa ibaba ng signature.

Ang sumunod ay may bigat na pumatong sa loob ng dibdib.

💛💛💛

KEN SHIPPING EMPIRE

"He backed off, Sophia."

Napatitig sa mukha mula sa salamin, tumigil sa pag-aayos ng sarili. "What purpose?"

"Maybe because he's hopeless."

"Then let's hope for the better. Pinalayas niya pala ako kahapon, I can't read why he's angry."

"Maybe because he wanted to keep it a secret then you found out."

"Siguro nga," sa mahina kong boses.

BOOK 2 - SERENITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon