Chapter 8 - Andre???

299 25 4
                                    

Yassi POV

" Dapat hindi na lang natin ginawa yun " sabi ko sa kanila.

" Eh sino ba may gustong mangyari yun? Wala naman diba? Baket kasi doon pa kayo mag uusap? Yan tuloy narinig niya pa tayo. " sagot ni Daniel

" Wala naman may kasalanan satin. Biglang dumating si Nadz kaya narinig lang niya tayo. " Sagot ko

" You know guys? Just.... Just forget it..... Alam naman natin na hindi na niya tayo mapapatawad.... " May tono yung boses ni James.

" Saan ba si Andre? Kanina pa wala yun ahhh.?! " Tanong ko. Tumingin tingin kami sa likod at gilid namin.

Natahimik ang lahat ng biglang nakita namin silang dalawa. Si Nadz at Andre mag kasama? Why? Baket sila mag kasama? Akala ko ba hindi pa kami nagkakaayos? Huh!? Naguguluhan ako. Naka tunganga kami habang pinagmamasdan sila. Nakikita namin silang nagtatawanan. NAGLALANDIAN. Hay ano ba yan...

" Si Andre ba yun? Pero Paano nang---" Hindi na natapos ni Daniel yung sasabihin niya sa sobrang pagtataka. Ilang segundo pa ay biglang sumulyap si Andre samin. Biglang nawala yung ngiti niya sa mukha na parang nakokonsensya na siya. Ano nga ba ang nangyari. Tumingin ako kay James kaso parang naka simangot siya. Pero parang may galit sa kalooban niya.

***Cafeteria

" Tignan niyo sila. Paano ba kasi nangyari yun? " takang taka sa tanong ni Daniel.

Nandito kami ngayon sa Cafeteria naging Spy tuloy kami. Baket ba naman kasi nangari to. Kagabi lang hindi pa kami nag kaka ayos, tapos kinaumagahan nag tatawanan na sila. Ano ba to?... Naguguluhan na din ako.

" Are you okay James? " Tanong ko kay James na sobrang naguguluhan na.

" Ah-ahhh.... Ye-Yes. I-I'm " Napabuntong hininga siya " Yeah. I'm okay. Nabigla lang ako. " sagot niya na medyo may lungkot ang boses.

Nadine POV

Umipekto ata yung plano ko. Ginagamit ko lang din kasi si Andre. HAHAHAHA! ( Demon ALert ). Para kasing naniniwala na sila sa ginagawa namin. Nandito kasi kami ngayon sa Cafeteria. Unti unti kaming sumusulyap sa kanila. Then nakikita namin ang mga mukha nilang nagtataka. Ganun pala epekto. Ganun din kasi ako nung niloloko nila ako.

" Ganun din ba ang naramdaman mo ng niloko ka namin? " Tanong ni Andre na parang kinakabahan pa ata.

"Ewan ko! Mas malala pa ata diyan. " Sagot ko.

Tumango lang siya. " Halika na nga. Alis na tayo dito baka mamaya matunaw pa nila tayo. Kanina pa sila nakaka titig satin oh. " Then hinila ko yung kamay niya. Bago pa kami makaalis tumingin muna siya kila James. Parang naaawa na siya. Don't worry it's only my plan. Titignan ko lang naman kung naaapektohan sila. Well tama nga ako. Para kasing nagtataka na sila.

Pero ayos lang. This is so fun, ganito pala ang manloko. I mean,, alam niyo na. Lokohin. Pero parang nakaka awa rin. Pero baket ganun? Hindi man lang sila naawa sakin. Nakikita na nga nila akong umiiyak ng super duper with matching emotions...

Habang paalis kami, nakita namin na Naka tingin sila dalawa. Yung titignan na halos ayaw kang. Paalisin sa PANINGIN nila.
Kung nagtataka kayo kung paano kami agad nag ka ayos ni Andre. Dahil ginamit ko lang din siya.

Perfect Match Where stories live. Discover now