THIRTY-FIVE

291 6 4
                                    

Nagplano na ako, we have different types of plan. Kailangan ng back-up plans, maraming back-up plans.

" Seryoso ka ba?! ". Sigaw sa akin ni Tommy. " Ikakamatay mo ang pagsugod dun! You should think of it! ". Bulyaw naman ni Travis sa akin.

Tahimik lang si Victor, at si Chris naman wala dito sa Hide out.

Bakit ba sila nag-aalala ng husto?

Ginagawa ko ito hindi lang kay Bea, pati na rin sa mga taong mapapasama at mapapahamak kapag nakatira nung Blue Ecstasy na yun.

" Can you just support me? I'll do this no matter what happen! Kung di niyo ako tutulungan, ako na lang ". Kinuha ko na ang mga baril, granada at nga magasine.

Susugod ako ng mag-isa, kaya ko naman. Umalis na ako sa Hide out at nagmadaling pumunta sa Headquarters ni Kuya.

" Fuck! Kuya kailangan ko ng mga tao or any types of high grade guns! ". Nakita ko ang pagtataka sa mukha ni kuya.

" Guns? For what? ".

" I must end this shit! Kung hindi ko tatapusin 'to, madaming tao ang mapapahamak...". Kailangang matapos na ito. " Hindi ako nagpapaka-bayani, kung walang kikilos madaming mamatay! ". Nagulat ako ng ihagis ni kuya ang bagong baril na binili niya.

" Use that, and by the way, give me your plans. Tutulungan kita ". Nice! It will be great!

" So, ano ba'ng nabubuo mong plano? Don't worry to much, we'll be safe not just us but also the people whom we protect ". He patted my head. The best talaga si Kuya.

Nagulat kami ng may unregistered number na tumawag kay kuya. Kaagad naming sinagot ito, Kuya traced where this shit is.

Papatayin ko siya sa oras na mahawakan ko siya. Papatayin ko siya, malalaman niya kung gaano ka demonyo ang isang Park.

“ Nakuha ko na ang lokasyon! ”. Sigaw ni Kuya. Kaya naman lumapit ako at tiningnan ko kung saan nagtatago ang letcheng yun!

“ Laboratory? ”. Laboratory yun ah! Wait a minute, yung pinakalumang Laboratory kung saan kami nagkita ni Cheska. Pagmamay-ari yun ni

Tinawagan ko si Cheska, para i-comform ang nasa isip ko. What if planado ang lahat? What if isa siya sa mga may pakana nito.

“ Hello, babe! Napatawag ka!!!”. Sinenyasan ko si Kuya na i-track ang number ni Cheska.

“ Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Kaano-ano mo ang La Liga De Los Demonios?! ”.

“ W-Wala! S-Sino ba yun? Atsaka wala na akong tatay di ba I told na his dead na hmm...”. Nakita kong nakunot si Kuya. Kaya naman inilayo ko ang phone ko at tinanong ko si kuya.

“ It can be.....”. Napatingin ako kina Kuya.

“ Simon! Look! ”. Tiningnan ko ang track kung nasaan si Cheska. Nagulat din ako kasi nasa same location lang sila ng La Liga De Los Demonios.

Kinausap ko uli si Cheska. “ Sa oras na malaman ko na may kinalaman ka dito, mabubulok ka talaga habangbuhay sa kulungan. I don't fucking care kung menor de edad ka! I have my ways ”. Binaba ko na ang tawag.

Dire-diretso ako palabas ng office ni kuya, sumakay ako ng elevator at pumunta sa kwarto ko. Nahilata ako at nag-isip.

Napa-isip ako kung ano mangyayari kung wala akong gagawin. In the first place, it was me. It was me who made this shits, therefore dapat ako magtapos nito.

Napabalikwas ako ng higaan at naisip kong puntahan si Bea sa Laboratory ni Mr. Abott. I missed her so damn much. I don't want her to suffer like hell.

Nasasaktan ako.

Parang dinudurog at tinatapak-tapakan yung puso ko. Sobrang payat na niya, at yung mga ugat niya unti-unting nagiging kulay blue.

Sana ako na lang nasa katayuan niya, ako na lang dapat ang nagsa-suffer ng ganiyan.

Mahimbing siyang natutulog habang may nakakabit na mga apparatus. Fuck mehn! Ayoko talagang nakikita siyang nagkakaganiyan.

All i do is to cry. Hindi naman niya maririnig dahil tulog siya eh.

“ Please, Bea. Lumaban ka ha, please. Para sa atin, at sa pamilya mo lumaban ka. Makukuha ko ang antidote, I oath ”. I kiss her. Damn, her lips is lifeless.

“ I'll make them pay, no one's gonna stop me! ”. Magpahinga ka muna diyan Bea ko, pagkagising mo, magiging okay na ang lahat. Tahimik na buhay mo, wala ng manggugulo.

Ako ang nagsimula nito. Nang dahil sa akin napapahamak ang mga importanteng tao sa buhay ko. I need to fix this, I must end this.

Paalis na sana ako ng Laboratory nang makasalubong ko si Dr. Abott at Victor.
“ We must say this to you, Mister Park. Her body is changing... ”. Changing?

“ Ang DNA sequence niya ay unti-unting nagbabago. Kanina at kahapon, nakita namin ng aking anak na biglang nagbabago ang kulay niya. Natatakot na rin kami sa mga posibleng mangyari sa kaniya ". Shet, lalo akong naawa sa asawa ko.

“ Nag-try kami mag-experiment, gusto naming gumawa ng antidote. Ang Blue Ecstasy na yan ay isang delikadong droga. Grabe ang epekto nito sa tao. Si Bea, naobserbahan naming biglang tumatawa, iiyak, magwawala basta pabago-bago siya ”. Biglang sumabat sa usapan si Victor at may ipinakita sa akin.

“ Nagiging kulay Blue na yung dugo niya, cells at ibang organs. Sobrang tapang ng drogang iyon. Yung heartbeat niya hindi normal ”. Tiningnan ko ang mga datas na ginawa nila.

Bakit si Bea pa.

Ako ang may kasalanan pero ba't siya pa ang tinira nila. Galit sila sa akin. Dapat sa akin lang! Dinamay pa nila ang asawa ko. Awit!

“ Sige po, mauna na ako sa inyo. May aasikasuhin po ako. Ipinapangako ko na dadalhin ko ang Antidote sa inyo ”. Nagpaalam na ako at umalis sa laboratoryo ni Doctor Abott.

Mabilis pinaharurot ko ang motor ko at mabilis na pumunta sa Hideout. Ako lang mag-isa ang susugod para wala ng masaktan. Ako ang poprotekta sa kanila.

Ako ang nagsimula ng lahat ng ito.

Ako rin ang magtatapos.

“ I'll send you to hell. Wala akong ititira miski katiting na hininga ”.

>O<>O<>O<>O<

Hello guyss!! Miss me?

Here's an update
I know bitin whhahahahahahah
Babawi ako sa inyo!!

For more questions, suggestions and opinions kindly comment it below.

I Loove youu all

ACCIDENTALLY MARRIED TO MR. MANYAKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon