Lalong nalito si Yuna sa sinabi ni Aya. Nabitawan niya ang mukha nito. “Patay? Sinong patay? At anong kinalaman ni Mommy sa lahat ng ‘to?”

“Si A-Alexa…” garalgal ang tonong wika ni Aya “patay na siya. Namatay siya nang dahil sa pakikialam ni Tita Helena.”

Natigilan si Yuna, bakas ang labis na pagkagulat sa mukha. “Patay na si Alexa? At paanong… anong ginawa ni Mommy?” litong-tanong niya.

“Pagkalabas mo ng ospital noon, no’ng binalak mong tumalon sa bangin… kinausap ng mommy mo si Alexa na layuan na lang ako at magparaya sa’yo. Kaya niya ako itinaboy nang puntahan ko siya. Dahil do’n. Simula noon ay naging alcoholic na si Alexa. At isang beses na lasing na lasing siya… nag-crash ang minamaneho niyang kotse… she had a severe head injury, Yuna. She fell into coma and she didn’t wake up anymore. She died last week,” paglalahad ni Aya.

Hindi na nakakibo si Yuna.

“Hindi ko na kayang magpakasal at maging masaya sa piling mo matapos kung malaman ang lahat. Patawad, Yuna.”

Tumayo na si Aya at anyong iiwan na ang kasintahan nang bigla itong magsalita.

“Kung sakali bang… ipinaglaban ka ni Alexa at hindi siya pumayag sa kagustuhan ni Mommy… siya ba ang pipiliin mo?” hindi tumitinging tanong nito.

“You know the answer for that,” mahinang tugon ni Aya bago tuluyang tumalikod at umakyat ng hagdan.

Mapait na napangiti si Yuna. Naisubsob ang mukha sa dalawang palad at doon napahagulhol. She didn’t know if she should thank her mother for what she did. Dahil kung tutuusin, hindi naman pala siya dapat nabigyang muli ng pagkakataon ni Aya. Kung hindi dahil sa ginawa ng ina ay hindi naman siya ang pipiliin nito.






----






Nang makauwi ng mansyon ay agad na pinuntahan ni Yuna ang ina sa study room nito. Naabutan niya itong nagbabasa ng libro. Napaangat ang mukha nito mula sa binabasa nang maramdaman ang pagpasok niya. Agad na gumuhit ang ngiti sa labi nito. Magmula nga noon ay naging maayos na rin ang relasyon nila ng mga magulang. Ginawa ng dalawa ang lahat upang makabawi sa mga pagkukulang kay Yuna. At sa wakas ay naging isang masayang pamilya din sila.

“Yuna!” masayang bati nito at agad na tumayo mula sa desk nito at sinalubong siya. Anyong yayakapin siya nito ngunit umiwas siya.

“Bakit niyo ginawa ‘yon?” malamig niyang tanong.

Litong napatitig sa kanya ang ina. “Ginawa ang alin?”

“Bakit niyo kinausap si Alexa na layuan si Aya?” tanong ni Yuna rito.

Biglang natigilan ang ina. Nagtataka kung paanong nalaman ng anak ang tungkol doon.

“I… who told you?”

Hindi na importante kung sino ang nagsabi sa’kin, Mom. Bakit niyo ginawa ‘yon?”

Nahaplos ni Helena ang noo. “I did that for you. I just want you to be happy. At alam kong si Aya lang ang makakapagbigay sa’yo no’n. Isa pa, hindi ko naman pinilit si Alexa… pinakiusapan ko lang siya. I wasn’t expecting her to agree right away,” pagrarason nito.

“You shouldn’t have done that,” mariing wika ni Yuna.

“I’m sorry, honey… Iyon lang kasi ang naisip ko para kahit papa’no ay makabawi sa’yo,” malungkot na tugon ng ina.

Aya's Confusion(Book 1)[Gxg] Where stories live. Discover now