Kinuha na niya ang maliit na Gucci bag sa gilid ng kanyang mesa at isinilid doon ang papel. Pagkatapos ay tumayo na. Sinipat niyang muli ang off-shoulder niyang bestida. Kulay peach iyon. Nang ma-satisfy ay lumabas na ng kanyang kuwarto.

Mahigit isang oras din siyang bumyahe patungo sa kanyang destinasyon. Tumigil siya sa isang kainan. Masigla pa rin iyon katulad ng dati at tila mas nag-expand pa yata.

Binasa niya ang karatula sa itaas ng salaming pintuan, ‘Margo’s Diner and library café. May isang alaalang pilit sumisiksik sa isipan niya ngunit kaagad niyang iwinaksi iyon. Bumaba na siya matapos mahanapan ng parking space ang kanyang sasakyan.

Nang makapasok ay nilapitan niya ang isang crew na nagpupunas ng mesa. “Hi, Jay…”

Nag-angat ng ulo ang lalaki. Uy, Ma’am Aya!” masayang bati nito “long time no see, Ma’am.” Ilang beses na ding nakapunta doon si Aya kaya’t kilala siya nito.

Oo nga,” gumanti ng ngiti ang designer Nandiyan ba si Margo?”

“Ay, opo Ma’am… pero nando’n siya sa itaas, sa kuwarto niya,” sagot ng crew. “Gusto niyong tawagin ko, Ma’am?” tanong pa nito.

“Ah, hindi na. Ako na lang ang aakyat. Okay lang ba?”

Oo naman, Ma’am! Ikaw pa. Malakas ka kay boss eh,” ang agad na sagot ng lalaki.

Bahagyang natawa si Aya sa sinabi ng crew. Hanggang ngayon kasi ay pinagtitripan pa rin siya ni Margo. Paminsan-minsan ay nagkikita pa rin naman sila ng mga kaibigan ni Alexa at nanatili pa ring magkakaibigan.

Sige akyat na ‘ko ha.”

Inihatid na din siya ni Jay sa pintuan paakyat. “Ay, Ma’am… inform ko lang po kayo ah – ”

Napalingon muli si Aya dito at tumigil sa akmang paghakbang paakyat ng hagdan.

“ – nitong mga nakaraan po kasi malungkot si Boss. Naging maiinitin na din nga po ang ulo niya ngayon,” ang wika ng crew.

Napakunot ng noo si Aya. Bakit, anong nangyari?”

“Wala nga pong nakakaalam eh… pero parang napakalaki ng problema niya,” sagot ni Jay imposible naman pong brokenhearted siya, eh siya nga ho ang mahilig mang-break ng heart, ‘di ba,” pabirong wika nito sa huli.

Napaisip naman si Aya at bahagyang napangiti. Sige, kausapin ko na lang siya. Salamat ulit,” aniya at tumuloy nang umakyat.

Bukas ang flat ni Margo nang makarating si Aya roon. Mula sa pinto ay nakita niya ang likod ng babae na nakaupo sa sofa. Nakasuot pa rin ito ng chef uniform. Marahan siyang kumatok sa pinto.

Aya's Confusion(Book 1)[Gxg] Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin