Chapter 2: Conceiving

Magsimula sa umpisa
                                    

"Yung kinakasama mo kinakalantari na naman ng iba. Sa mismo pang lugar mo. Ibang klase, nasan ngayon ang babaeng pinagkakatiwalaan mo, Vaughn?" Lalong napuno ng galit si Vaughn sa madalas na paglason ni Toto sa isip niya.

"Tama na! Tigilan mo na 'ko! Umalis ka na!" bulyaw ni Vaughn. Sinasabunutan niya ang sarili at tila nawawala na sa katinuan. Nag-ring ang cellphone niya pero hindi niya sinagot ang tawag.

"Ngayon sabihin mo saken kung nakasisiguro kang anak mo nga ang pinagbubuntis niya! Mauulit na naman sa batang yun ang buhay na sinapit mo! Mararanasan niyang makutya, mapahiya, masaktan, pandirihan. Hindi ba sawang-sawa ka na? " dagdag pa ni Toto.

"Tumigil ka na! Hindi ko matatanggap ang batang yun! Magbabayad sila!" nanginginig na sinabi ni Vaughn. Napaupo sya at mahigpit na yakap-yakap ang mga tuhod niya. Nag-vibrate ang phone niya dahil sa isang mensahe pero hindi na naman niya ito pinansin.

"Nandito ako Vaughn, ipagtatanggol kita. Ako lang naman ang karamay mo noon pa mang bata ka pa. Ipararamdam natin sa kanila ang sakit na dinanas mo! Wala tong kapatawaran! Ako ang papatay sa hayop niyang anak! Hindi siya dapat mabuhay! Mararamdaman lang niya ang sakit na dinanas mo!" Tila paulit-ulit na nag-eecho ang sinabi ni Toto kay Vaughn. Gulong-gulo na ang isip niya. Napapasabunot na siya sa sarili at tinatakpan ang mga tainga.

Tuluyan ng nagblangko ang utak ni Vaughn at nagpadala sa katauhan ni Toto na puno ng galit. Hindi matao sa lugar ng apartment niya, kung tutuusin medyo liblib ito. Ang apartment niya ay bahay talaga ng may-ari na nagtungo sa probinsya kaya naiwan ang iba pang kasangkapan ng bahay dito. Nadatnan niya ang isang babae sa labas ng apartment na may bitbit na malapad na box. Bago pa man ito makalingon, ipinukol niya ang bato sa ulo ng babae. Nawalan ito ng malay at nagkalat ang laman ng box sa semento. Kinaladkad niya agad ang babae papasok.

"Matutuwa ka Vaughn sa gagawin ko. Hihiramin ko muna sa'yo si Sydney. Sisiguraduhin kong hindi mabubuhay ang hindi mo naman talaga anak sa sinapupunan niya!" bulong ni Toto at tumulo na rin ang laway nito. Binuksan niya ang kandado ng pinto at kinaladkad ang babae papasok. Isinara niya lahat ng bintana at pinto. Nagtungo siya sa kusina. Hinawi niya lahat ng nakapatong sa 6-seater oblong dining table at ibinalibag ang walang malay na babae sa mesa.

"Ipalalasap ko sayo Sydney ang sakit na nararamdaman niya! Hayop kang babae ka! Parehong-pareho kayo ng ina niya!" Itinali niya ang mga kamay at paa nito sa paanan ng mesa. Pinagbubuksan niya ang mga cabinet sa kusina. May ilang carpenter tools ang nakita niya dun (mga gamit ng dating umupa). Gumuhit ang mala-demoniyong ngiti sa labi niya nang makita niya ang maso. Binitbit na rin niya ang isang timba na puno ng tools.

"Dudurugin kitang parang pulbura!"  Napangisi pa siya kasabay ng pagtaas ng maso ngunit biglang nagkamalay ang babae. Kahit natatakapan man ng mahabang buhok ang muka niya, hindi sya makapaniwala nang makita niyang tila sinapian si Vaughn.

"W-wag.. V-vaughn.. A-anong gi---" Hindi na niya naituloy ang sinasabi dahil pumukol agad sa bibig nito ang ulo ng maso. Ramdam na ramdam ni 'Toto' ang pagkadurog ng mga ngipin nito, lalo pa syang natuwa sa muling pagpukpok.  Sa sobrang lakas ng pwersa, napapaangat ang ulo ng babae sa bawat pukol ng maso sa bibig nito. Halos bumilog na sa bibig nito ang sariling dugo, putok na ang mga labi at basag na ang mga ngipin. Kaunti na lang mahihiwalay na ang mga labi nito sa bibig. Inuunan na niya ang sariling dugo na huumalo na rin sa nakasambulat niyang buhok sa muka at leeg.

"Nakita mo ba yun Vaughn? Patikim pa lang yun, kaibigan. Hindi pa talaga ko nagsisimula. Dahil ito talaga ang gusto kong iuna!" Pinukpok niya ng pinukpok ang puson ng babae. Napapaangat pa ang balakang ng babae sa lakas ng pwersa. Nagmantsa na ng dugo sa puting maternity dress ng babae.

"Tama na! Tama na Toto! Hindi ganito ang gusto kong mangyare!" Tuluyan ng hindi makontrol ni Vaughn ang sistema niya. Mas nangibabaw sa katauhan niya ang naghihimagsik na si Toto. Ang tangi niyang kaibigan na nangakong hindi sya iiwan at ipagtatanggol siya nito.

"Manahimik ka!" Maraming ulit pa at hindi pa siya nakuntento sa pagmaso, itinaas niya hanggang bewang ang bestida at ibinaba sa tuhod ang underwear ng babae saka muling minaso ang puson. Aktwal niyang nakikita ang pagkulay ube ng balat nito hanggang sa tuluyan ng nangitm at sumirit ang dugo mula sa balat. Natalsikan pa siya sa mukha na labis pa niyang ikinatuwa. Kasabay naman ng pag-agos ng naghalong ihi at dugo galing sa ari ng babae. Pumutok na marahil ang panubigan.  Naglalawa na ang mesa at sahig sa dami  ng dugo.

"Di ba kaibigang Vaughn, mahina ka sa Human Anatomy? Pwes, itututuro ko sayo kung pano mag-dissect ng totoong tao at ng hindi isang walang kwentang kuneho lamang!" Itinusok ng katauhang si 'Toto' ang  walong pulgadang gunting pangyero mula sa duguang puson paitaas sa pusod. Napuno na rin ng dugo ang damit ni Vaughn/Toto pati ang buong braso't kamay.

"Wala akong pakelam kung saang bunbunan ka pa nakaulo. At kung sakaling hindi ka pa tuluyang nadudurog sa loob, bubutasin ko pa rin bunbunan mo!"  Paghalakhak niya. Tinutukoy niya ang walang kamalay-malay na fetus. Hinalungkat niya ang timba ng tools at nakita niya ang labindalawang pulgadang screw driver.

"Hindi ka na makapagsalita, Vaughn. Nagugustuhan mo na ba nakikita mo?" Isinalok niya ang kaliwang kamay sa mainit-init pang dugong umaagos galing sa pagkababae nito saka ipinahid sa balakang ng babae.

"Mamamatay kang hayop ka! Mamatay ka! Dudurugin kita!" Ipinasok niya ang screw driver sa butas ng  pagkababae nito at paulit-ulit na nilabas-pasok.  Halos sumagad na rin ang handle ng screw driver sa diin ng pagkakapasok niya. Labis siyang natuwa sa mas dumami pang pag-agos ng dugo. Tila nauulol siyang aso sa pagtulo ng laway niya.

Ngunit hindi pa rin siya nakukuntento hangga't hindi niya nakikita mismo ang kawawang sanggol. Gamit ang cutter hiniwa niya ang maternity dress ng babae hanggang sa tuluyan ng naialis ito gayundin ang underwear at bra.

"Pero bago ko gawin yun, sisiguraduhin ko ring hindi siya makakatikim ng kahit isang patak ng gatas mo." Masyadong matalim ang cutter kaya madaling naputol ang dalawang utong nito. Gumulong pa ang mga ito sa mesa at nahulog sahig. Gumuhit na rin ang dugo sa malulusog nitong dibdib.


Interview with a Killer ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon