Chapter 2: Conceiving

3.7K 130 70
                                    

Chapter 2: Conceiving

Ibang klase, sa lahat ng nakausap kong baliw, ito na pinakamalala. Madalas kasi yung iba, mga tulala, isip-bata, wild, emo, portraying pero walang record na harmful. May kinapa siya sa ilalim ng mesa. Kinuha niya ang wallet-sized na larawan at nilapag sa ibabaw ng mesa.

"Dok, siya yan." Kinuha ko yung picture, magkasama sila dito. Maganda yung babae kahit may pilat ito sa kaliwang pisngi. Pano nakatisod ang baliw nato ng isang magandang babae? Kawawa naman sinapit niya.

"Matigas ang bungo ng gago(Toto)! Sinigawan pa nga ko eh! Nasabihan pa'kong tanga! Kahit papaano, syota ko pa rin si Sydney, nabuntis man siya ng iba hindi ko naman magagawang pumatay! Ano 'ko ulol?" Defensive pa siya sa lagay na yun. Si Toto talaga ang pinagdidiinan niya.

"Sinabi niyang ako lang, nangako siya. Mag-iisang taon na relasyon namin. Nangako ako sa sarili kong bubuo ako ng pamilya ng may isang ama at isang ina lamang. Hindi katulad ng ina kong puta na siyam na beses inanakan ng kung sinong hayop lamang.  Mga hayok sa laman na sa tanda niyang 38, wala pa rin siyang katigil-tigil hanggang ngayon." Ramdam na ramdam ko ang galit sa tono niya. May family problem pala ang isang 'to. May prosting ina at siyam silang anak ng iba't ibang lalake. Ito marahil siguro ang dahilan kung bakit lumala Dissociative Identity Disorder niya.

"Nahiya nga ang jellyace sa pagka-assorted namin. Mga sinumpang anak ng puta!" Isang pekeng ngiti ang gumuhit sa labi niya.

"Akala ko talaga si Sydney lang ang makakaintindi saken, siya na lang ang meron ako at ang sanggol namin sa sinapupunan niya. Magiging ama na ang gagong katulad ko. Alam kong corny mang pakinggan pero sobra kong saya." Nagbunong-hininga siya.

"Nangako akong hinding-hindi ko itutulad ang mag-ina ko sa wasak na pamilyang kinagisnan ko. Pero, may nalaman ako kay Toto." Nanlisik ang mga mata niya at naikuyom niya ang mga kamao. Isinalaysay pa niya ang buhay niya.

_________________________________

"Vaughn, tingnan mo yung syota mo. Kanina lang sabi niya mahal ka niya pero anong ginagawa niya? Inaahas na naman ng ibang lalake." bulong ng isa pa niyang katauhang si 'Toto'.  Nasa rooftop si Vaughn ng college bulding nila habang kitang-kita niya ang girlfriend sa ibaba.

"Wag mong lasunin utak ko, Toto. Hindi ganung klaseng babae si Sydney. Hindi siya katulad ng kaladkarin kong ina! Buntis siya! Magkakaanak na kame! Hindi niya magagawang ipagpalit ako sa ibang lalake! Isaksak mo yan sa kokote mo, Toto!" Hindi binigyang malisya ni Vaughn ang pakikipag-usap ni Sydney sa lalake. May tiwala siya sa ka-live in partner niya, isang buwan pa lamang silang nagsasama sa apartment ni Vaughn.

"Wala rin siyang pinagkaiba sa ina mo. Salawahan. Makinig ka saken Vaughn, ako lang naging totoo sayo noon pa man. Ako lang ang kakampi mo! Ang mga babaeng tulad niya, winawakasan ng buhay nang hindi na dumami pa!" Humalakhak ang katauhan ni Toto.

"Tigilan mo 'ko! Lumayo ka! Hindi ako makikinig sa'yo!" Sarado ang isip ni Vaughn. Nakokontrol pa niya ang sarili sa tuwing ginagambala siya ng isa pa niyang katauhang si Toto.

Madalas gambalain si Vaughn ng isa pa niyang katauhan sa tuwing siya'y nag-iisa na tila may isang demoniyong bumubulong sa kaniya. Wala siyang pinagsabihan tungkol kay Toto dahil hindi siya naniniwala sa sinasabi tungkol kay Sydney at ayaw niyang masaktan ito.

Hanggang sa isang gabi, isang kanto malapit sa apartment niya, dalawang anino ang nakita niyang naghahalikan sa likod ng waiting shed. Nagkubli sya sa may kanto at nagsalita na naman ang katauhan ni Toto.

Interview with a Killer ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon