Chapter 3: Fetus
Itinuloy niya muli ang hiwa sa pusod, ginupit pa niya ulit ito paitaas at muli pang gupit pahalang sa pusod. Nagkorte itong krus. Nabubura na ang guhit na krus sa pag-apaw ng dugo, hinawi niya ng kamay ito at ibinuka ang balat. Napwersa ito at napunit kahit sobra pa itong dulas.
"Mga sagabal!" Ginupit na rin niya ang mga balat sa tiyan. Lumaki na ang espasyong butas ng tiyan at pinaghahagis niya sa lababo ang mga balat hanggang sa tuluyan ng bumalandra ang mga laman-loob nito.
"Ngayon, wala ka ng pagtataguan pang hayop ka!" Ipinaloob niya ang parehong kamay sa wakwak na tiyan at aakalain mong nagbubungkal lang ito ng lupa. Maiinit-init at madudulas ang mga bituka, atay, lapay, bato at kung anu-ano pa.
"Manood kang mabuti kaibigang Vaughn, malapit ko na siyang makita. Huwag kang mag-alala i-aassemble ko rin na parang lego ang mga laman ng tiyan niya." Napahagalpak pa siya ng tawa. Tuluyan ng nangibabaw ang katauhan ni 'Toto' at hindi na nakontrol pa ng totoong Vaughn. Hanggang sa nakita na niya ang hinahanap niya. Pinigtas niya ang dalawang buwang fetus mula sa sinapupunan ng babae. Mala-buong dugo lamang ito na medyo nadedevelop na ang mga kamay, muka at paa. Malagkit at sobrang lambot na kasyang-kasya sa kamay niya at nagawa pa niyang laruin ito sa palad.
"Nakita na rin kita baby." Muli ulit syang ngumisi at binuksan na naman ang mga cabinet sa kusina habang sapo-sapo ng kaliwang kamay niya ang duguang nanlalagkit na fetus. Sobrang lagkit na ng mga kamay niya. Nakita niya ang blender at bigla siyang nagalak sa nakita. Inilagay niya ang fetus sa loob.
"Pag nabuhay ka pang hayop ka, ewan ko na lang!" Saka niya isinaksak at pinaandar. Napansin pa niya ang naiwan niyang lumamig na kape kaninang umaga lang kaya ibinuhos na rin niya ito sa loob ng blender. Titig na titig sya sa maladugong likido na umiikot sa loob ng blender.
"Ganiyan nga. Ganiyan nga. Kung sakali'y pasasalamatan mo rin ako at hindi ka nabuhay sa mundong makasalanan!" Inihinto niya na ang pag-ikot ng blender. Literal na itong durog na animo'y purong dugong malapot at medyo nangitim dahil sa kape. Niyakap niya ang blender at hinimas-himas.
"Hindi ka na nagsalita kaibigang Vaughn? Masaya ka na ba? Masaya ka na bang hindi siya matutulad sa pesteng buhay na kinalakihan mo? Ano na?! Nasan na ang dila mo?!" Isang malakas na pagwang-wang ng mga pulisang narinig niya. Ikinagulat niya ito at nabitawan ang babasaging blender sa sahig na naglalawang dugo. Nagpanic sya sa sunud-sunod na nangyare. Aksidenteng naapakan niya ang bubog at nagdulas sa sahig na puno ng dugo.
**********
Sa kabuuan ng salaysay niya, nanlamig ang buong katawan ko. Grabeng torture yun! Na parang eksena lang sa Saw I-VI. Kung kanina, minamata-mata ko lang ang pasyenteng si Vaughn pero nakaramdam ako ng kaba sa mga ikinikilos niya. Kaharap ko at kausap ngayon ang isang mamatay-tao! Paano kung katauhan na pala ni Toto ang nasa harap ko?! Ang walang habas kung pumatay! Kung kanina nasasabik pakong marinig ang kwento niya pero pakiramdam ko, gusto ko ng tumakas sa silid na ito at wag ng babalik pa.
"Natatakot ka rin ba sa kaniya?" Nanlaki pa ang mga mata niya sa pagkakatanong niya saken. Sa gulat ko sa reaksyon ng muka niya ay napatayo pa ko sa kinauupuan ko. Bigla na lang akong pinagpawisan ng malamig. Nakakaloko lang ang pagngisi niya. Pakiramdam ko baka nasa katauhan na naman niya ang demoniyong si 'Toto'.
"Hulaan mo kung sino ako?" Hindi pa rin naalis sa muka niya ang nanakakilabot na aurang yun. Kinilabutan ako ng tumulo ang laway niya at bigla siyang tumayo!
"Ah.. S-saka na." Sa sobrang kabang naramdaman ko bigla na lang akong nagkanda-utal-utal at napapaatras ng lakad.
"Hindi pa tayo tapos mag-usap. Akala ko ba kaibigan kita? Katulad ka rin ba ni Sydney na lolokohin ako? Hindi mo pa nahuhulaaan kung sino ako." Umikot siya sa mesa. Hinilig pa niya ang ulo niya pakanan at pinaikot ang mga namimilog niyang mga mata. Akmang susunggaban niya ko kaya kumaripas ako ng takbo palabas ng pinto at nilock yun!
"Tangina lang!" Sapo-sapo ko ang dibdib ko at hingal na hingal. Napasandal ako sa pader. Para akong tanga na bigla na lang nagtatakbo. Kinalampag ng kinalampag ni Vaughn ang sarang pinto at kitang-kita sa transparent na bahagi ng pinto na parang nauulol na siya. Naitukod ko ang mga kamay ko sa tuhod ko at hanggang ngayon hinahabol pa rin ang hininga. Ilang sandali pa ay tumigil na rin siya. Napansin kong may yabag ng mga paang papalapit sa'kin. Hanggang sa pakiramdam ko nakatayo na ito sa gilid ko.
"Zach, wag mo kong pagtripan!" Pero walang Zach na umimimik habang nakapako pa rin ang mga mata ko sa sahig at hingal na hingal. Walang ibang taong mag-iingay maliban sa yabag na yun, walang masyadong dumadaan dito sa section ng isolated rooms ng mga mental patients na harmful dahil few lang ang cases na meron nun dito.
Mas lumapit muli ang yabag, umihip pa ang malamig na hangin na ngayon ko lang nadama sa isang linggong paglalakad ko dito sa building. Kinilabutan ako, unti-unti pang lumalapit ang yabag, kung isang assistant lang din na gaya ko ito ay malamang nagsalita na siya. Hindi ko alam kung lilingunin ko ba ito o sa isang hakbang pa niya ay tatakbo agad ako palayo! Dahan-dahan kong inilingon ang mga mata ko sa paanan niya. Bawat paghagod ng mata ko ay siyang paglakas ng kabog ng dibdib ko, paakyat ang tingin ko sa binti niya at sa mukha niya! Kinurap-kurap ko pa ang mga mata ko!
"Shit!" Napaatras ako sa nakita ko! Hindi 'to totoo! Tangina!
Babae!
Naka-bestidang puti !
May pilat sa kaliwang pisngi!
YOU ARE READING
Interview with a Killer I
Mystery / ThrillerVaughn was diagnosed with Dissociative Identity Disorder, the psycho patient who strongly believed his other self the one did the gruesome death of his 2-month pregnant girlfriend.
