Vanica 2

39 1 0
  • Dedicated to Vanica ^o^
                                    

Via's POV

Vianca Penelope del Valle, that's the name I've been living with for 16 years. Sa apat na taon na inilagi ko sa Sunrise Academy, si Michelle na ang laging kasa-kasama ko. Simula ng magkakilala at naging miyembro kami ng Music Guild, hanggang ngayon ay mag-bestfriend parin kami; she then calls me Vangie. =)) Pero kahit magkaroon kami ng ibang kaibigan, constant pa rin ang pagiging mag-bestfriend namin. Hanggang nung umabot kami ng third year sa high school, nagkaroon ng isa pang bestfriend si Michelle. Hindi naman ako nabahala doon dahil ok lang din sa akin kahit na ilan pa ang maging bestfriend niya bukod sa akin; basta BFF kaming dalawa. Pero siyempre hindi rin maiiwasan na minsan ay makaramdam ako ng konting selos kapag sobrang napapalapit na ang bestfriend ko sa ibang tao lalo na kay Gino. ;D

Ok lang naman si Gino eh, pero sa totoo lang, hindi ko siya masyadong pinagkakatiwalaan kay Michelle. Bukod sa naka-ilang girlfriend na siya, hindi rin ako sigurado kung napilitan lang ba ito na maging bestfriend ang bestfriend ko. Kung bakit ko nasabi 'yon? Narinig ko kasi kila Belle na may crush na pala itong si Michelle sa bestfriend number 2 niya. Tsk. Tsk.

Siguro worried lang ako na baka dumating yung araw na may maging girlfriend ulit si Gino o di kaya may nililigawan na ulit ito; baka masaktan ang bestie ko. Pwede rin mangyari ang isa sa mga naiisip ko, maaaring malaman ni Gino ang hidden desire ng bestie ko at layuan ito o di kaya pwede itong maging dahilan para matapos ang friendship nila. Nasabi ko rin na baka napilitan lang si Gino sa pakikipag-bestfriend kay Michelle dahil hindi lang naman si Michelle ang bestfriend niya. Simula ng freshman year ay may mga bestfriend na rin siya, parang kami lang din ni Michelle; kaya kung gaano ka-solid ang samahan nila ganoon din ang sa amin ni Michelle.

Nang mag-fourth year kami ay mas lalo kong pinagsabihan si Michelle, dahil mas naging malapit na sila ni Gino. Ok lang naman sana lahat eh, kung wala nga lang silang nararamdaman sa isa't isa. Pero mabuti narin at para sa kanilang dalawa ay wala lang sa kanila ang nararamdaman nila. Nasabi na kasi sa akin ni Michelle noon na hanggang mag-bestfriend lang talaga sila, pero para sa amin na laging nakakakita sa kanila; nakikita namin kung ano man yung tinatago nila sa isa't isa.

"Vanica... may sasabihin ako." matamlay na sabi sa akin Michelle na kilala ko bilang high at positive na tao.

"Hulaan ko, si Gino??? Hmmm... what else- i mean WHO else is new?" =_=

"Vanica, may niligawan na siya..." maktol niya na parang bata na hindi binilhan ng laruan.

"Yan! Sabi naman kasi sa'yo eh... ano ka ngayon?" hay... sinasabi ko na nga ba. Darating at darating din ang araw na 'to.

"Bestfriend pa rin niya." sabi niya sa malungkot na boses.

"Yup. Bestfriend pa rin niya at bestfriend lang niya. Oh Mich, binalaan ka na namin noon ha? Kaya 'wag mo akong sisisihin ngayon."

"Vangie, anong gagawin ko???" Tss...

"Maiinlove na nga lang kasi, sa bestfriend pa niya." =_=

"Ha? Ano ulit yung sinabi mo?" si Michelle.

"Wala. Ang sabi ko, kanina pa nakikinig sa atin si Gino. =_= Ayan oh nasa likod mo." -_-

"Hi Mich!" ^____^ si Gino. "Good morning Vanica." bati rin niya sa akin, tumugon lang ako ng isang di maipaliwanag na ngiti. Maybe more like, ngiwi. Tss..

Pero mabuti na rin siguro at yung isa sa kanilang dalawa ay manhid at duwag, yung isa naman ay torpe at nagmamanhid-manhidan.

They could've been perfect for each other, isang bulag at isang nagkukunwaring bulag. Tsk Tsk ==_==

Unlucky I'm In Love With My Best FriendWhere stories live. Discover now