TPM 26

2.5K 67 7
                                    

TPM 26

 

 

Gino's POV

"Nagseselos ka?"

"Hindi natural, bakit naman ako magseselos?"

"Pero-"

"Pano kung oo ang sinabi ko. Bakit sa tingin mo ba magseselos ako? hindi ako yung tipong magkakagusto sa katulad mo Probinsyano."

"Hindi rin ako manhid para hindi malaman na may gusto ka sakin, noon palang alam ko na na may gusto ka sakin"

"Kung alam mo naman pala bakit hinayaan mo ako na mapalapit sayo?"

"Dahil para sakin slave ka. Wag ka ng umasa na magkakagusto ako sa isang katulad mo Probinsyano."

"Gino yung bola!" napatingin ako kay Cyrus at agad ko sinalo ang bola na pinasa nya sakin na hindi ko namalayan na nasa laro pala kami. Masyado ko kasi inisip yung kanina, hindi ko matanggap na matagal na pala alam ni Mia na gusto ko sya pero pinag mukha nya ako katatawa sa kanya. Pero ang sabihin nya na wala talaga akong pag asa sa kanya at hindi ako yung tipong maguggustuhan nya don ako nasaktan. Alam kong wala talaga pero ang marinig mula sa kanya, ang sakit. Naramdaman ko nanaman yung sakit nung nangyaring nakipaghiwalay sakin si Gela. Nabusted lang ako pero pakiramdam ko, niloko ako at pinaglaruan, pinagmukhang tanga.

"Hero!! anong nangyayari sayo?! yung bola oh!" natauhan ako bigla, napansin ko na wala na pala sakin ang bola. Hays..nasa laro ka Gino wag mo muna isipin si Mia.

"Dude anong nangyayari sayo? nakatulala ka dyan" napatingin ako kay Yu.

"Wala" pilit ko ngumiti sa kanya tsaka ako pumunta kanila Kyle at Cyrus.

"Wala sa laro yung utak mo ah may problema ba?" tanong ni Cyrus ng makalapit ako sa kanila, umiling ako at ngumiti sa kanila. Napatingin ako sa direction nila Gela, nakita ko ang pag alala nila sakin kaya nginitian ko sila na sabihin na okey lang ako. Napadako ang tingin ko may Mia na nakatingin din sakin kaya umiwas na ako ng tingin sa kanya at tinuon sa laro. Hindi ko muna iisip yung nangyari kanina, ang mahalaga ma enjoy ko to dahil matatagal ulit bago ako makauwi ulit dito.

Maya maya nag time out muna kami. Kanina pa kami naglaro pero ngayon lang kami magt-time out, sobra namin na enjoy ang laro eh. Ni hindi ko na din naisip yung kay Mia. Hays..bahala na

"Uy si Sherly oh ayie!~" muntik na ako matumba ng sikohin ako ni Sean, siko nga ba o tulak? Tinignan ko si Sherly at nginitian sya, sya yung ex ko kanina kung hindi nyo pa alam pangalan nya.

"Muling ibalik ang tamis ng damdamin~" kanta nila Sean at Yu, napailing na lang ako kanila. Alam nila na naging kami ni Sherly ng isang araw kaya ganyan na lang mang asar ang dalawa.

The Probinsyano in ManilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon