Last TPM 48

3K 68 1
                                    

Yes! last TPM na po haha akalin mo yon umabot ng 48? next UD na lang ako magpapasalamat sa ngayon enjoy! ^____^


TPM 48


Gino's POV


11pm na pero hindi pa din ako makatulog. Iniisip ko kung pano ko ililigtas si Cess bukas dahil sigurado na madaming tauhan ni Spencer ang makakalaban ko don at ako lang mag isa. Nasabi ko na din kay Tito Gian yung sa text ni Spencer, sinabi ko din na wag ipaalam sa iba yon dahil baka nasa tabi tabi lang nila yung spy ni Spencer. Sinabi na din ni Tito Gian na pupunta na agad sila dito at sana hindi sila mahuli.

Wala ako pinagsabihan tungkol dito maliban kay Michael, sya lang kasi ang pwede kong pagkatiwalaan sa ngayon dahil ang sabi nya isa lang samin ang spy ni Spencer. Iniisip ko kung sino sa kanila pero iniisip ko din na bakit nila gagawin yon kung malapit sila lahat kay Cess. Hays..nakakasakit naman ng ulo.



7:45am nandito na ako sa lugar na sinasabi ni Spencer. Nagtaka ako dahil hindi naman to lumang bodega, sa katunayan nga isa tong mansion. Oo mansion lupet noh? si Spencer lang ata ang kilala kong kidnapper na sa isang mansion dinala ang biktima. Hindi ko tuloy alam kung magdo-door bell pa ako o kusang papasok na lang ako sa loob. At yung mga isend nya sakin tugma lahat pwera sa lumang bodega kasi mansion to, tapos sa tabi ng mansion puro tanim ng pakwan.

Bigla ako nagtago sa pader ng may lumabas sa mansion ni Spencer na dalawang lalake.

"Kakaiba din si Boss noh? ang aga nya pinapunta yung taong tutulong don sa babae. Kadalasan sa mga ganto hapon o gabi na pinapapunta para madilim tapos sya ang aga" sabi nung isang lalaki. Naglalakad sila papunta sa direction ko.

"Oo nga eh ang aga tuloy natin gumising para lang hintayin yung taong yon bwisit naman oh" sabi ng isa pa, hinintay ko na makalapit sila sakin tsaka ko sila sinugod. Nagulat sila sa pagbiglang pagsulpot ko kaya hindi kagad sila nakareact at nasuntok ko sila.

Ng matauhan sinugod na din nila ako pero nakakaiwas ako sa bawat suntok nila. Mabilis na inumbagan ko sila ng suntok at tumaob naman sila. Napahimas ako ng kamay ko.

"Ang tigas ng bungo nyo" sabi ko na lang. Naglakad na ako papasok ng mansion ni Spencer, buti na lang walang bantay sa gate nila hindi ako mapapalaban. Tumingin ako sa paligid kung may kalaban at mabuti na lang wala tao. Tumakbo ako papunta sa pinto ng mansion tsaka dahan dahan na binuksan, tinignan ko pa kung may babagsak sakin mula sa taas dahil mahirap na.

Ng natignan ko na okey na ang paligid tsaka na ako pumasok ng tuluyan. Napakamot ako ng pisngi ko. Kung anong ikinamansion sa labas yon naman na ikabodega ng loob. Wala kung anong gamit ang nandito bugod sa mga kahon sa gilid medyo madilim dahil sarado yung bintana. Pero may ilaw sa gitna at nandon si Cess. Agad ko syang nilapitan.

"Shit Cess" agad ko tinanggal yung tali na nakatali sa kamay at paa nya. Mas lalong dumami ang mga pasa nya sa katawan at mukhang hindi nya na kaya pang kumilos. Bigla ako naawa sa kanya.

"Hey Prince Gino Barcimo nandito ka na pala" napatingin ako sa taong nagsalita na lumabas mula sa dilim.

"Spencer" bigla uminit ang ulo ko.


Spencer's POV

Ngumisi ako ng makita kong pinatumba nya ang dalawa kong tangang tauhan. Mabuti naman at nandito na sya, hindi na ako mapakaling patayin sya at si Cess , dalawang buhay ang kinuha nila sakin pwes dalawa ding buhay ang kukunin ko sa kanila. Tumayo na ako at lumabas ng kwarto dahil alam kong nasa loob na sya. Kinuha ko ang dalwang kanata at naglakad papunta sa baba kung nasaan sila.

The Probinsyano in ManilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon