TPM 6

3.2K 72 3
                                    

TPM 6

"Aray.." napakahawak si Cess sa sa ulo nya ng tamaan sya ng bola ng volleyball, si Kath naman tawa lang ng tawa. =___= ganyan ang tunay na kaibigan pinag tatawanan ang kaibigan nya na nasaktan na.

"Hahahahaha!!!" tawa lang ng tawa si Kath, napailing na lang ako ng kunin ni Cess yung bola at binato kay Kath na wala ng bukas kung makatawa. "Aray huh! bakit mo ako binato?!" yan nanaman sila.

"Nakakainis tawa mo para kang mangkukulam dyan eh!"

"Mia oh!" panunumbong ni Kath napairap na lang ako sa kanila, parang bata talaga.

Nagtataka kayo kung nasan kami noh? well nasa gym lang naman kami, pinaglaro kami ni Sir dito tutal dw bukas pa dw magsisimula si Sir magturo kaya laro muna ngayon pero dalawa lang ang pwedeng laruin dodgeball at volleyball. Sa boys ang dodgeball at sa girls naman ang volleyball. At wala si Sir dito kaya yung iba nagbabatuhan ng bola o ginagawang basketball yung ibang bola.

"Ayoko na nga pinapatama mo lang sakin yung bola eh!" sabi ni Cess at naupo sa tabi ko, ayoko maglaro ngayon kaya nakaupo lang ako sa upuan.

"Weak ka lang hahaha!" asar ni Kath kay Cess at tumabi na din sakin, sa kaliwa si Cess at nasa kanan naman si Kath.

"Sapak you want?" Cess at pinakita ang kamao nya kay Kath.

"Hard ah" sabi na lang ni Kath at tumingin sa mga boys "Uy si Cyrus oh nakatingin sayo yie!"

"Tsk.." yun lang sagot ni Cess napailing na lang ako sa kanya, kawawa naman si Cyrus 2 years ng nabubusted kay Cess hindi pa din sumusuko, tinde.

"Kasali pala si Gino sa laro nila Nick" sabi ni Kath, napatingin naman kami kanila Nick kasali nga sya don at mukhang may binabalak si Nick sa ngiti pa lang halatang may masamang gagawin eh.

"Patay nyang Gino na yan kanina Nick pustahan" sabi ni Cess habang nakatingin pa din sa mga boys.

"Syempre noh nung nangyari sa kanina sa cafeteria sigurado na gagawin talaga ni Nick mapahiya o masaktan si Gino" sabi ni Kath, natahimik na lang ako at pinanood sila Nick. Kahit na hindi ko yon ginawa alam ko na pagtri-tripan pa rin nila si Probinsyano, narinig ko sila non na sya ang sunod nilang target  bago pa mangyari yung kanina.

"Mukhang magsisimula na sila" sabi ni Kath, tama sya mukhang masisimula na nga sila. Pumwesto silang lahat, nahati ang grupo nila sa dalawa at bawat grupo may anim na members, magkalaban sila Nick at Probinsyano.

"Alam nyo na ang gagawin huh" rinig kong sabi ni Nick, malapit lang naman kami sa kanila kaya rinig ko sila.

"Simulan na!" sabi ni Kevin isa sa mga kaklase kong lalaki at sya ang president namin. Nagsimula magbatuhan ang kagrupo ni Probinsyano, nakaiwas naman ang mga kagrupo ni Nick at binato nila isa isa si Probinsyano nung una nakakaiwas pa si Probinsyano.

The Probinsyano in ManilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon