TPM 47

2.7K 67 0
                                    

TPM 47


Michael's POV


"What are we gonna to do? Dad i miss my baby girl" naluluhang sabi ni Tita Jalene. Nandito kami ngayon sa bahay nila para pag usapan ang gagawin. I know we're too young for this at dapat sila Tito at ang mga police na ang bahala sa paghahanap kay Cess pero hindi rin kami mapakali kaya tumulong na kami lalo na kay Hapon lang nagpaparamdam si Spencer.

"Tsk..sino ba kasi yung mata ni Spencer" iritang sabi ni Nick. May pakiramdam na ako kung sino yung taong yon but I'm not pretty sure kung sya nga. Just need time to be sure.

"Sundin na lang natin kung ano gusto ni Spencer keysa mawala pa satin si baby girl." sabi ni Allen.

"Tito Gian may tanong lang po ako" napatingin kami lahat kay Hapon.

"Go ahead" -Tito Gian.

"Ano po bang meron bakit kinaylangan magkabodyguard si Cess para mabantayan sya? I know it's too late to ask pero curious lang ako lalo na nawawala si Cess" ngayon kay Tito Gian kami tumingin.

"Remember na araw na makita kita—kayo ni Cess nung may hinabol syang tuta?" tumango si Hapon kay Tito Gian. "Nung araw na yon dumating ang taong maghihiganti sa pamilya ko" lahat kami nagtaka sa sinabi nya.

"Sino po? at bakit?" takang tanong ni Kath. Bumugtong hininga muna si Tito Gian bago sumagot.

"Si Spencer. May hindi inaasahang pangyayari ang nangyari noon na hindi nya matanggap—ang pagkamatay ng mga magulang nya."

"Matagal na pala nandito si Spencer non pero bakit nasa kaligitnaan sya pumasok?" nagtatakang tanong ni Gela.

"Pero Tito ano po ba ang dahilan ng pagkamatay ng mga magulang ni Spencer?" tanong ni Kyle kay Tito Gian.

"Binaril sila" natahimik kami. "Binaril si Spek—his father ng kaco-gangster ko"

"Gangster kayo?!" gulat na tanong nila Kath. Woah hindi ko inaasahan yon ah, ang inaasahan ko ang dahilan sa companya dahil yon ang madalas na alitan. Pero gangster? hindi halata sa kanila na gangster sila.

"Hahaha oo hindi ba halata? well, hindi naman lahat ng gangster eh masasama, may mga mababait din na napagtripan maggangster at isa na kami don. Grade 6 nung nagsimula kami maging gangster ni Spek actually magbestfriend kami, dating magkagangmate kami pero nung nag 4th year hightschool kami naisipan namin na gumawa ng sarili namin grupo pero bestfriend pa rin kami kaso hindi mawawala samin ang ingitan, naging rank 1 kami non tapos rank 2 sila. Niminsan hindi kami natalo nila Spek sa mga gang fight althought malalakas din sila pero kami pa din ang nananalo. Nung makilala ko si Jalene tumigil na ako sa pagiging gangster ganon din si Spek nung makilala nya si Lany—Spencer's mother. Magkasunuran din kami ng kasal non at panganganak ng mga anak kami. 7 years old si Princess non na bigla humingi ng tulong samin si Lany dahil lagi ng umuuwi si Spek ng bahay nila na may sugat sa katawan at doon namin nalaman na bumalik sa pagiging gangster si Spek at gusto makuha ang rank 1 pero hindi pa rin nila nagagawa kahit wala na ako sa grupo ko."

"Isang araw nung nagpicnik kami kasama ang mag ina ko at si Lany with Spencer. Bigla na lang sumulpot ang mga dating kong gangmates at sinabi nila na ilayo ko sila Jalene, gusto ko sila tanungin non kung bakit at anong problema pero dumating sila Spek with his gangmates tapos yon nagsimula na magkagulo. Nilayo ko ang mag ina ko at sila Lany dahil nagsusuntukan at nagbabarilan na sila pero bigla na lang tumakbo si Lany papunta kay Spek para pigilan to, sinundan ko sya para pigilan sya dahil baka pahamak sya pero hindi inaasahan na mabaril sya ng gangmates ko, kasamaang palad nakita yon ni Spencer at nakita nya kung pano nagalit si Spek dahil nabaril si Lany kaya nagawa nyang barilin ang gangmate ko na bumaril kay Lany balak nya din barilin ang iba kong gangmates pero pinigilan ko at nakipag agawan ako sa kanya ng baril. Kita kita ko sa mata nya ang galit pero hindi tamang pumatay sya, hindi naman sinasadyang mabaril si Lany. Kaya pinigilan ko sya pero mapilit sya at balak nya nga din barilin ako pero hindi ako yung nabaril, kundi sya."

The Probinsyano in ManilaWhere stories live. Discover now