TPM 8

2.9K 74 1
                                    

Dedicate sa kanta ^____^ thanks sa pag vote and comment at sa pagligay sa reading list mo

Angela Park -->

TPM 8

Mia's POV

"Ano ba yan ang tagal naman ni Ma'am gusto ko na makita si Ange eh!" maktol ni Cess, kanina pa yan excited makita si Angela kaya sa sobrang excited ang agang pumasok mas na una pa nga yan sakin eh =____=

"Easyhan mo lang dadating din yon kasama si Ange masyado kang excited eh" sabi ni Kyle, boyfriend ni Kath isa din sa Prince Royal, ngayon lang pumasok dahil nagkasakit Mama nya at sya ang nag alaga kaya ngayon lang nakapasok.

"Ang tagal eh!" inis na sabi ni Cess.

"Dadating din yon maghintay ka at wag mo nga akong tadyakan masakit!" sabi ni Kyle pero sadyang naiinis na talaga si Cess tinadyakan nya ulit si Kyle "Aray! Mia patahimikin mo nga to!" sabi ni Kye pero tinignan ko lang sya saglit sabay tumingin sa harapan sakto naman na nakakapasok lang ni Cyrus sa classroom, late sya ngayon dati rati naman maaga syang pumasok pero ngayon halos 5mins na lang bell na.

Habang palakad sya sa pwesto nya napansin ko na may hiwa sa labi nya at nagdudugo konti. San naman nya nakuha yan?

"Anong nangyari sa labi mo?" tanong ko sa kanya pagkalapit nya sa pwesto nya, napatingin naman sila Cess kay Cyrus.

"Wala" cold nyang sabi pero hindi tatalab yan sakin.

"Gusto mo dagdagan ko pa yan?" cold ko ding sabi.

"Away lalaki lang to Mia kaya wag kang mangelam" sabi nya at naupo sa pwesto nya.

"Concern lang sayo si Mia Cy masyado kang highblood eh" sabi ni Kyle.

"Don't call me Cy we're not close" cold nyang sabi kay Kyle at yumuko sa desk, nawala lang si Probinsyano bumalik nanaman ang dating Cyrus ganon ba ang epekto ng Probinsyanong yon kay Cyrus? kapag wala sya balik sa dati si Cyrus kapag nandyan sya nag iiba ugali badboy to goodboy.

"Hindi ka pa din nakakamove on" rinig kong sabi ni Kyle, may past silang dalawa kaya ganyan umasta si Cyrus dating magbestfriend ang dalawang yan pero simula nung parehas sila nagkagusto sa impaktang babaeng yon nawala ang pagkakaibigan nila. Kaya impakta ang tawag ko sa babaeng yon dahl parehas nya ginamit ang dalawa, ang kati eh =_____=

"Goodmorning class" napatayo kami ng dumating si Ma'am agad naman bumalik si Kyle sa pwesto nya na katabi ng pwesto ni Probinsyano, binati nila ng goodmorning si Ma'am sabay naupo sa upuan. "Bago tayo magsimula gusto ko iwelcome nyo ang isa nyo pang kaklase, please come in" sabi ni Ma'am narinig ko na nag apir yung dalawa at excited makita si Angela, napailing na lang ako at tumingin sa harapan.

The Probinsyano in ManilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon