21

212 9 4
                                    

taehyung's pov

"ngumiti kahit na napipilitan, kahit pa sinasadya mo akong masaktan paminsan-minsan, bawat sandali na lang."

i looked at her, no, i stared at her, and watched her play the guitar while singing. she looks so sad, and mukhang masakit pa nga sa kanya.

lahat sila nanonood ng movie sa living room, pero siya asa kwarto niya, mag-isa lang siya, at bukas ng konti yung pinto so napapanood ko siya.

pero she doesn't know i'm watching.

"tulad mo ba akong nahihirapan lalo't naiisip ka, di ko na kaya pa na kalimutan, bawat sandali nalang."

she stopped for 3 seconds, at pinagpatuloy ang pagkanta.

"at aalis magbabalik, at uuliting sabihin na mahalin ka't sambitin kahit muling masaktan. sa pag alis, ako'y magbabalik, at sana naman."

ibinaba niya ang gitara niya and wiped her tears.

"you okay, star?" i can't help it, i want to talk to her, gusto kong ayusin lahat ng pede kong maayos, and i hope it'll be fine for her.

"uh . . oo!" sagot niya at nagmadaling ayusin ang sarili.

"kanina ka pa sa labas? i hope hindi mo narinig kadramahan ko." she asked and then laughed.

"uhm, sorry. inutusan nila akong palabasin ka then narinig kong nakanta ka so nakinig nalang ako sa labas, i don't want to interrupt you."

"so ano? uhm. sunod ka nalang ha?" pagpapatuloy ko.

babalik na sana ako salas kaso tinawag niya ang pangalan ko kaya napalingon naman ako.

"stay here. let's talk." hinawakan niya ang kamay ko at tinitigan lang ako, waiting for my response.

hindi ako umimik at tinitigan ko nalang din siya.

her eyes are so beautiful, yet, so sad. and syempre naguguilty ako kasi i'm probably the reason kung bakit ganun na siya.

"anong papag-usapan natin?" i asked. binitawan niya ang kamay ko at pumasok siya sa kwarto niya at umupo sa kama. tinap niya ang natirang space sa kanyang kama at pinaupo ako don.

"let's talk about why i wasn't enough for you to stay, and for you to keep your promises." she said at nakatingin lang siya sa akin.

napatingin nalang ako sa baba.

"bakit? bakit mo nagawa sa akin yun, taehyung?" she asked, begging for an answer.

tumingin ako sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay pero inalis niya agad ito.

"i want you to be honest with me, star."

ngumisi siya at tinaasan ako ng kilay. "at bakit ako? first of all, ikaw yung umalis."

"star, sino si mark sa buhay mo?" i asked her in a serious tone at tumawa naman siya na parang hindi talaga siya natutuwa sa tanong ko.

"what? are you serious? we're friends. selos ka? psh." she smirked and rolled her eyes.

"and sino siya when we were still dating?"

nabalot na ng katamikan ang kwarto ni star. halos magiisang minuto na pero hindi pa rin siya nasagot.

"star, is it true?" tanong ko sa kanya pero napatigil ako dahil sa dumating.

"huy! nood na tayo dun!" sigaw ni nicole at hinila kaming dalawa palabas ng silid tulugan ni star.

goddamn, nicole. you ruined everything. eto na sana, eto na talaga sana.

ghosted. // taesana (completed)Where stories live. Discover now