Chapter 30: The Tragedy

2.6K 68 9
                                    

Chapter 30: The Tragedy

Adam's POV

"0926970123" Hindi na ako nag-aksaya ng oras ng sabihin iyon ulit ni Jack, bumukas ang stainless na pinto pagkatapos ko iyong pindutin sa monitor.

Buti tama 'yung password!

Pagkapasok ko sa loob, si Jack agad ang nakita ko. Nakaupo siya pero agad din siyang natumba. Tumingin ako sa kabuuan ng lugar at halos natigil ang mundo at ang paghinga ko sa sunod kong nakita.

It was my gangmates who were lying on the ground.

Anong nangyari dito?!!!

Hindi na ako nag-aksaya ng oras at agad ng tinakbo sila. Sorry if this is 'favoritism' pero si Aiden agad ang hinanap ko. 

Alam kong namutla ako ng makita ko ang kakambal kong nakahiga sa sahig at naliligo sa sarili nitong dugo. I sit beside him at agad na hinanap kung saan siya natamaan. 

Napamura ako ng malutong na, 'Tan***na' ng makita na may tama siya malapit sa kaliwang dibdib. Ang tindi nga naman ng tama ng hayop na 'to.

"Puta, anong nangyari dito?!!!" Narinig kong sigaw ni Ronan. 

"Umalis na muna tayo dito. Kailangan na nilang madala sa ospital." sabi ni George, isa sa mga Veterans ng Winchester.

Lumapit sa akin si Kai, isa ding Veteran, "Hindi gagaling si Aiden sa iyak mo, Adam. Mamamatay lang siya kung hindi ka magmamadali sa pagtakbo sa kanya sa ospital."

Napahawak ako sa pisngi ko at doon ko lang naramdaman na may luha ngang pumapatak, nak ng nanay namin ni Aiden oh. Napaiyak pa ko.

Unti-unti na nilang linabas ang mga kaibigan ko. Si Kai ang nagdala kay Aiden. Siniguro naming lahat na maingat ang pagbubuhat sa kanila dahil masyadong risky ang ginagawa namin lalo na at matitindi lahat ang mga tama nila.

Nang malabas na si Aiden sa lugar na 'to, napatingin ako sa mga natitira na lang. Si Jack at Sebastian. Magkatabi silang nakahiga. Napangiti ako ng mapait saka umiiling na lumapit sa kanila.

Kanina lang katabi ko pa si Sebastian papunta dito.

Kanina lang kausap ko pa si Jack.

Tiningnan ko ang tama ni Sebastian, "Puta ka Ronan, lumapit ka dito!!" Tumingin ako kay Sebastian, "Hoy gago, wag kang magkakamaling mang-iwan! Huminga ka, dalian mo!" Hindi pa rin siya huminga. Hindi ako nurse o doctor para malaman 'to pero dahil sa matagal na ako sa ganitong sitwasyon, alam kong kanina pa walang malay si Sebastian. Pero mukhang ilang minuto pa lang siyang hindi humihinga dahil hindi pa naman siya malamig.

Bride Of The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon