Chapter 16: It's Payback Time

4.1K 91 5
                                    

Chapter 16: It's Payback Time

Marianna's POV

May malaking butas sa openground ng Academy, kulay itim 'yung paligid nun. 'Yung gymnasium sobrang kalat. May mga basag na salamin, bote, vase at kung anu-ano pang mga gamit na ginamit sa party. Sa parking lot may mga kotseng basag ang mga bintana. Ito ba ang Phantomhive Academy? 

"Marianna wag mo ng isipin 'yung nangyari. Mamaya lang okay na din ang lahat. Wala ka ng mababakas na kahit ano sa nangyari kagabi." sabi ni Harper.

"Pero Harper--"

"Marianna normal lang ang ganito dito, masasanay ka din."

Huminga ako ng malalim saka nagpatuloy sa paglalakad. Naisip ko lang, alam ba nila mommy't daddy na ganito ang lugar na 'to? Kung oo, bakit dito nila ko trinansfer? Kung hindi, bakit pa din nila ko dito trinansfer? Haaay~

Papunta kami ni Harper ngayon sa Daniel's Clique Headquarters. Ngayon na daw kasi ibibigay ni Reece 'yung unang challenge ko. 

"Hi Reece." bati ni Harper kay Reece nung pagpasok namin sa opisina ni Reece.

Minsan talaga naiisip ko, si Reece ba ang leader namin? Saka bakit siya lang ata ang may opis dito? Bakit ako wala? >_<

"Reece ikaw ba ang leader namin?" tanong ko kay Reece saka umupo sa upuan sa harap niya. Hindi niya pinansin 'yung tanong ko at may iniabot lang sa akin na papel. "Aanuhin ko 'to?"

"Basahin mo. He's Miguel Dela Cruz, 24 years old--"

"Wait nga Reece, akala ko ba babasahin ko? Eh bakit mukhang mas gusto mo naman atang irecite ang nakalagay dito?" 'Yung sinasabi niya kasi ay 'yung nakasulat doon sa papel na binigay niya.

"Sa bahay mo na basahin 'yan. Sasabihin ko lang kung anong dapat mong gawin so listen." Tumango ako kay Reece at inintinding mabuti ang sasabihin niya, "Miguel Dela Cruz is your assignment--"

"Anong gagawin ko sa kanya?"

"Marianna pwede bang makinig ka muna? Mamaya ka na magtanong pagkatapos kong magsalita." Bakit kaya ang sungit masyado ni Reece ngayon? 

"Okay."

"Ang kailangan mong gawin, ay kunin ang wallet niya--"

"WAAAAAHH!! Gagawin mo kong magnanakaw, Reece? How dare you?! Saka wala ka na bang pera at kailangan mo pa kong utusan na mandukot?" Grabe din pala 'to si Reece, siguro kaya mayaman ang Daniel's Clique dahil lahat ng member ay inuutusan niyang magnakaw.

"J.U.S.T L.I.S.T.E.N" maawtoridad na sabi ni Reece kaya nanahimik na ako. "The reason why you need to get his damn wallet is because nandoon ang mission mo. Inside his wallet is a chip, alam mo 'yung itsura ng chip sa mga casino?" Tumango ako, "The only difference of that chip is merong nakasulat na SMU sa gitna nun. May ganon sa wallet ni Miguel Dela Cruz na kailangan mong kunin. And you need to do that without his knowledge, you understand?"

"Bakit kaya hindi na lang ikaw Reece? Sa tingin ko naman alam na alam mo ang dapat gawin." suggestion ko kay Reece pero sinamaan niya ako ng tingin. Grabe, ang sungit niya talaga >___<

"I'll give you a week to do that. You may now go Marianna." sabi ni Reece kaya tumayo na ko. Tumayo na din si Harper pero pinigilan siya ni Reece, "Stay Harper." 

Nagb-bye ako kay Harper saka naglakad na paalis. Pero bago ako umalis ay ibinigay ni Reece 'yung bago kong Pass/ID.

Palabas na ako sa Phantomhive Academy nung makita ko sila Asher, Jack, Adam, Sebastian at Vann na papasok sa Academy. Hindi ko alam kung bakit nataranta ako nung makita ko sila at bigla na lang akong nagtago sa likod ng malaking halaman. Siguro dahil mukhang wala sila sa mood? Dahil nababalot sila ng masasamang aura? O dahil may mga hawak silang baril?

Aish~ Pinagpapawisan ako!

-

Asher's POV

"Adam go to West, Sebastian on East, Jack on South, I'll be on North. I'll give signal if its time." sabi ni Vann dun sa tatlo saka kami naghiwa-hiwalay. Pero teka, saan nga pala ako?

"Vann, saan ako?"

"Just stay with me."

Minsan talaga kinikilig ako kay Vann eh. Ang sweet diba? Ayaw mahiwalay sa 'kin. Sus.

Pumunta kami sa harap ng Posse Cafe o mas tinatawag ng iba na panlimang cafeteria. Nakita ko si Adam at Sebastian sa magkabilang gilid ng cafeteria at sigurado akong nasa likod na si Jack. Ilinabas ni Vann ang baril niya kaya pumwesto na din ako. 

It's payback time!!

"Go." ani Vann sa locator na nasa tenga niya na nakakonekta sa aming lima. Isang salita lang 'yun pero dahil dun ay nagsimula na kaming magpaputok. Walang nakatakas kahit isa dahil napapaligiran na naming lima ang lahat ng posible nilang daanan palabas. 

Damn you, Parker's. Go to hell.

Dahil ang mga Parker's ang nangunguna sa Rank ngayon sa Academy, sila ang naghahari-harian ngayon dito sa Posse Cafe.

"Let's go." ani Vann sa locator tapos naglakad na siya paalis. Hinintay ko muna sila Jack, Sebastian at Adam saka kami sumunod kay Vann sa parking lot. Pupuntahan pa namin 'yung dalawang gago na nagpabugbog kagabi.

-

Marianna's POV

Hindi 'to totoo. Imposible. 

Kaya ba talagang gawin nila Vann ang ganong bagay?

Pero walang kalaban-laban 'yung mga taong nasa loob ng cafeteria!

Bakit nila ginawa 'yun?

Nakita ko silang umalis na pero hindi pa rin ako makagalaw sa pinagtataguan ko. Pakiramdam ko hindi ko maigalaw ang mga paa ko sa sobrang panginginig at takot na nararamdaman ko ngayon.

They're... evil.

-

Ram Parker's POV

"Ram, you have seen their faces! Grabe, fulfilling!" natatawang sabi ni John Parker. Nandito kami ngayon sa Posse Cafe, celebrating our victory. At ngayon, pinag-uusapan namin ang pagkabugbog ng ilang Parker's kayla Xavier at Caleb ng Winchester's.

"Sayang nga hindi ako nakasama." Nasa loob kasi ako ng gymnasium nakipagbasag-ulo.

"Ano kayang gagawin ng mga Winchester? I know soon they will launch their revenge." natatawang sabi ni John.

"Psh. Don't be afraid on them man! Rank 3 lang sila and we're on top!" mayabang na sabi ni Jay, isa sa mga Parker's.

Hindi ko na lang 'yun pinansin at tinira ko na lang ang huling bola ng billiards.

"Alis na ko Kuya." ani John. Oo, kapatid ko 'yung gagong 'yun.

"Teka, hintayin mo ko!" sigaw ko sa kanya bago ko kinuha ang laptop ko sa taas ng isa sa mga mesa bago patakbong humabol sa kapatid ko.

Palabas na kami sa Posse Cafe nung biglang, "Bratatatatat!!!"

And the next thing I knew, I was lying on the ground... next to my dying brother.

And I saw them.

Damn, the Winchester's.

And everything went black.

Bride Of The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon