Chapter 4: We Meet Again

5.6K 145 15
                                    

Chapter 4: We Meet Again

Marianna's POV

"So, you're the transferee?"

Ngumiti naman ako para hindi nila mahalatang kinakabahan ako. "Ako nga" sabi ko na lang.

Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim >_< pito, walo, siyam -.- sampu, labing isa >_< Bakit ang dami nila? Huhuhu~ Ano kayang gagawin nila sa 'kin?

"Why are you here?" tanong ulit nung lalaki. Bat ang seryoso naman nilang lahat? >_<

Pero okay lang, gagwafuu pa din nila x)

"Nagtatago?" di sigurado kong sabi.

Napatingin naman ako dun sa lalaking sumipol sa may gilid, waaaah >_< kinindatan niya ko. Hihi~ Pogi~

"From whom?" 'yung isang lalaki naman ang nagtanong.

"Sa mga schoolmates... natin?" Hindi pa din ako sigurado nung sabihin ko 'yung 'natin'. Mukha naman silang students kasi naka uniform din sila (white polo, black pants) pero pwede din silang gwafuung professor. Hehe~

Tiningnan ko 'yung pinasukan ko, mukha lang talaga siyang math laboratory pero baka naman teacher's faculty 'to? Eeeh bakit walang tables na pang teacher? >_<

"Stop making face, you look weird." sabi nung isa pa.

"Sorry" sabi ko na lang. Magpakilala na lang kaya ako para hindi nila isiping bastos ako? Tama, tama! "I'm Marianna Scathe, transferee. Sorry for entering in your..." ano ba nila 'to? >_< "Club?" sabi ko pero sinamaan ako ng tingin nung isa, "Organization?" sinamaan ulit ako ng tingin, "Hotel?" sinamaan na naman niya ako ng tingin, aish. "Motel?" mas lalo niya kong sinamaan ng tingin. Waaaah >_< Ano ba kasi 'toooo?

"Pffft~ You're funny." sabi nung kumindat sa akin. "Wag kang kabahan, okay lang 'yan" tapos lumapit siya sa 'kin. Inakbayan pa niya ko tapos ang lapit ng mukha niya sa 'kin! "I'm Asher at your service" tapos kinindatan na naman niya ko.

Ngumiti na lang ako ng alanganin sa kanya tapos nag bow.

"Korean ka ba? Bakit bow ka ng bow?" tanong ni Asher.

Umiling ako. "Hindi naman"

Lumapit siya sa tenga ko at, "Wag kang matakot kay Emmett, masungit lang talaga 'yan"

Ah, so Emmett pala 'yung kanina pa ko sinasamaan ng tingin.

"Sige lalabas na ko. Pasensya na ha? Bye!" tapos nagmamadali akong lumabas. 

Waaaah!! Agad akong napabalik sa motel nila este sa lab, nasa labas kasi 'yung mga goons >_< Nakita pa nga nila ko kaya malamang sugurin na nila ko dito anytime.

Kaso mukhang nainis ko naman si Emmett sa pagbabalik ko dahil tumayo siya at hinablot ng marahas ang braso ko, "Ano pang ginagawa mo dito?!" galit niyang tanong.

"Waaah >_< magbabayad na lang ako!" taranta kong sagot sa kanya. Bat ang hard niya? -.-

"Magbabayad saan?" galit pa din niyang tanong.

"Diba motel 'to?"

Automatic kong tinakpan ang mukha ko nung parang sasapakin ako ni Emmett. Pero ilang segundo na ang lumipas ay wala pa din akong nararamdamang sapak. Hindi kaya namanhid ako? Hmp. Hindi naman ako tinurukan ng anesthesia kaya imposible.

Nagbilang ako ng limang segundo bago ko iminulat ang mga mata ko, 0______0

Aish~ Ipinikit ko din agad iyon ng makitang nasa harap ko na ang kamao ni Emmett. 

Bride Of The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon