• Last Chapter (Part Two) •

4K 124 49
                                    

Last Chapter (Part Two)

"A-alfie..." I called him as soon as I saw him. He texted me that he wanted and needed me immediately. Ganoon naman ako palagi. Kapag kailangan niya ako, darating ako kaagad. Kasi alam ko namang hindi niya ako tatawagan kung wala na siyang ibang mapuntahan. "A-anong nangyari?"

"Al—" hindi ko na naituloy pa ng bigla niya akong salubungin ng isang mahigpit na yakap.

"Alfie... anong nangyari?" tanong ko ulit.

Mas lalo niyang isiniksik ang mukha niya sa leeg ko. Mas naramdaman ko rin ang paghigpit ng yakap niya.

"Don't ever leave me, okay?" he pleaded, still sounding so pained to the point that I felt it.

"B-bakit naman kita iiwan?" I asked.

Kumalas siya sa yakap niya sa akin. Hinawakan niya ang magkabila kong balikat at iniharap ako sa kanya. "'Because I know that I'm just this. I'm not the best you'll ever meet, Barcelona. I know that there's a lot of guys out there that's more deserving of your love..."

I smiled at him before I cupped his face. "You're not the best I'll ever meet, but you're the best I'll ever have, Alfie."

"Alam ko... hindi ako sweet. Hindi rin ako showy. Pero sana alam mo na nandito lang ako palagi para sa 'yo gaya ng pangako ko. Marami man tayong bagay na pinag-aawayan at hindi pinagkakasunduan, sana alam mo na hindi kita iiwan kung wala naman akong sapat na dahilan at rason para gawain 'yun, okay? And who cares about finding the best?"

Ngumiti na rin siya pabalik sa akin. "You're only saying that because you still haven't seen the worst of me, Barcelona."

"Teka nga, bakit ka ba tumawag?"

Bigla siyang sumimangot. Hinila niya ako at umupo kami sa isang bench dito sa park. It was already midnight. Ang hilig niya talagang tumawag na lang bigla ng walang pasabi. Buti na lang talaga hindi strict sina Mama.

Huminga siya nang malalim bago siya tumingin sa langit. Bilang na bilang na lang mga bituin ngayon, hindi katulad dati. Ang dami na talaga nagbago sa mundo.

"Ano ba 'yun? Sabihin mo na. I-share mo. Masama 'yung may kinikimkim ka."

He sighed. "It's about my mother."

"Bakit?"

"We had a fight."

"Alam mo, Al, mga magulang natin... hindi natin namamalayan, tumatanda na 'yang mga 'yan, kaya sana habang may oras pa... iparamdam mo sa kanilang mahal mo sila. I know, hindi naman maiiwasan ang away sa pamilya, pero as much as kaya, makipagbati ka na kaagad. Be the bigger person. Lower your pride. Ask for forgiveness."

"You don't understand..." he said. "In my twenty-one years of existing in this world, I never felt that she was proud of me and that she loves me. Not even once."

Hinawakan ko iyong kamay niya kaya naman napatingin na siya sa akin. Nginitian ko siya ng tipid. "Maybe she's just not showy... and she shows her love in a different manner, you know?"

Umiling lang siya.

I squeezed his hand. "I'm proud of you. I will always be proud of you."

"Kinilig ako ng slight," he said.

Napatawa naman ako sa kanya. "Slight lang?"

"You know what?"

"Yeah?"

"Who cares, right? As long as I got you, then I have someone who believes in me, someone who's proud of me and my little achievements in life. That's all I need, Babes... someone who would believe in me. All I need is you."

'Di Madinigحيث تعيش القصص. اكتشف الآن