CASCADES Chapter Twenty <3

ابدأ من البداية
                                    

“Hey bakit mo pinaalis! Ang mahal ng bayad namin doon nu! Sayang naman! Hindi ko pa napakinabangan.” Saad ni charry.

“San niyo ba nakuha iyong lechugas na iyon at ang kapal ng mukha?”inis kong usal.

“Sa tabi tabi!hahahaha..” tatawa tawang sagot ni charry.

“Kayo talaga kahit kelan! ANg lalakas ng trip niyo ha! Muntik na akong mamatay sa sakit sa puso sa pag aakalang na kidnap na naman ako ulit! Ang aadik niyo talaga!”paglilitanya ko.

“Si Charry ang may kasalanan niyan! Siya ang nakaisip ng whole drama na ito” sabad naman ni Tammy.

“OO nga si Charry nga” segunda ni Ela

“Hay naku! Kayong magpinsan pinagkakaisahan niyo na naman ako! Hindi kaya ako kundi si Ariz!” sagot ni charry.

Pagkasabi noon ni Charry ay bigla akong napatingin kay Ariz at doon ko nakumpirmang tama nga ang bestfriend ko. Hindi ko ineexpect na may tinatago din palang pagka naughty itong si Ariz. Natawa na lang ako sa mga nangyayari.

“Peace” sabay hand sign ni Ariz.

Maya maya lang ay nag aya na si gianne na pumunta sa entertainment room para sa sinasabi nilang surprises pa daw.

Halos nanlaki ang mga mata ko ng nakita ko ang laman ng regalong kabubukas ko palang na galing kay akeiko. Isang undergarments na gawa sa cotton laces. And seriously ang sexy sexy!

“Are you serious na ipapasuot mo talaga sa akin to?!” tanong ko kay Akeiko.

“Why not girl! Im sure pag sinuot mo yan sa 1st night ng honeymoon niyo, nasisiguro kong maglalaway yang si Yano sayo!”

“Oonga! Hindi lang iyon Sis dahil siguradong isang araw matapos ang honeymoon niyo ay buntis ka na kaagad!” sabad naman ni Ela.

“Aray! Ano ba yang mga utak niyo ang gigreen!” hindi makapaniwalang usal ko.

“Sus! Ayan ka na naman bessy painosente na naman!” pahabol ni charry.

“Tse! Tigilan niyo nga ako!”

Hindi ako halos makapaniwala sa pinagsasasabi ng mga kaibigan ko. Pakiramdam ko ang pula pula na ng mukha ko dahil sa pagkakapahiya.

Pangalawang regalong nabuksan ko ay ang regalo sa akin ni gianne na isang Bible, nagtaka ako kung bakit iyon ang binigay niya sa akin at ang tanging sagot na binigay niya sa akin ay “I’m sure you will be needing that. Trust me!”

Nagtataka man ay nagpasalamat parin ako dahil sa binigay niya sa akin. At doon narealize kong tama nga siya dahil sa mga oras na iyon ay naalala ko na naman ang sakit ko.

Ang pangatlong regalong binuksan ko ay ang regalo ni tammy.Isang napaka cute na couple pillow na may sign sa harap ng “CANT SLEEP WITHOUT…” at akala ko ay iyon lang ang prints noon, dahil laking gulat ko ng makita kong may prints pa pala sa likod at sobrang nanlaki ang mata ko ng makita ko ang kadugtong na message ng nasa unahan at iyon ay “MAKING LOVE WITH HER” sabay may arow pa. at iyong isa naman ay “MAKING LOVE WITH HIM” tapos may mga kung anong caricatures pa ng isang mag-asawang nagmemake love.

“Wow! Ang cool nito tamy!Thank you!” manghang usal ko.

“SAbi ko ng magugustuhan mo eh!hahahaha..Ako ang nagdesign niyan!”

“Ang galing naman!” sino ba inspirasyon mo sa mga layouts mong ganyan?siguro...?” panguuyam ni CHarry.

“Hay naku Charry sisimulan mo naman ako! Tigilan mo ako ha!Uumbagan talaga kita!” sabad ni Tammy.

“HAHA! Chill girl!wala naman akong gustong ipahiwatig eh!”

Bago pa mag-away na naman iyong dalawang ito ay sinaway ko na sila. At nagbukas na ako ulit ng regalo. Ang pang-apat na regalong natangap ko ay galing naman kay ela at namangha ako sa regalo niya dahil tulad ng kay Akieko ay isang undergarments din ang binigay niya sa akin. Isang Tibak na panty na super nipis.

“Naloloka ako sa mga regalo niyo sa akin ha! Nakoo! Kung hindi pa talaga ito tumalab para lang maakit ko si Yano! Ewan ko nalang.”

Ang lakas ng tawa ko. Ang hardcore mangtrip ng mga kaibigan ko. Ang regalo namang sunod kong binuksan ay galing kay Rocky. Isang silky nighties naman ang laman noon.

“Infairness Rocky ha! Ang ganda ng taste mo! I love the color and the cloth used!thank you rocky.” usal ko.

“Siyempre! Ako pa!” tatawa tawang sagot ni rocky.

Ang sumunod ko ulit binuksang regalo ay galing naman kay ariz. Kung ang kay ela ay couple pillow, iyong kay Ariz naman ay isang bedsheet na may design ng “BACK OFF! WE’RE BUSY!” and mga cartoon images ng isang couple with different positions.

OH kita mo SAb, may kapares na iyong unan na binigay ko. Gamitin niyo yan ha!hahahahah” panguuyam ni tammy.

“Sobrang naloloka talaga ako sa inyo! Pero promise salamat dito.”

At ang huling gift na binuksan ko ay ang regalo ni Charry. Noong binuksan ko ang box ay nakakita ako ng dalawang thick na papel at laking pagtataka ko kung para saan iyon. Akala ko noong una ay kalokahan na naman ang naisip na bestfriend ko pero nagulat ako ng mabasa ko ang laman noon. Isa palang VIP ticket for 2 na cruise all over the globe ang laman.

 Sobrang galak ang naramdaman ko dahil hindi ko akalaing maaalala pa ni charry iyong kapalit ng pustahan namin kapag matuloy ang kasal namin ni Yano. Matapos noon ay agad ko siyang niyakap.

“Hmmm..Alam ko ang mga tinging yan!hahaha! You’re welcome bessy!”

“Super touch! Thank you for this. Akala ko kasi pagtitripan mo naman ako eh!”

“Hahaha..Actually video cam sana ireregalo ko sayo para mavideohan mo iyong pagsesex niyo ni Yano at ng makita ko naman kung gaano siya kagaling. Tapos ibebenta ko sa Dibisorya tiyak tiba tiba tayo niyan! hahahaha” tatawa-tawang biro ni Charry.

“CHARITY FORD!” pinaglakihan ko siya ng mata habang sinasambit ang pangalan niya.

“Hahahahah! Loko lang! ito naman hindi na mabiro oh!hahahahaha..”

Tawa lang kami ng tawa hangang sa matapos ang gabi.  MAg uumaga na ata kami nakatulog ng mga kaibigan ko dahil sa shower party na iyon. Masasabi ko sa sarili kong

sobrang sobra swerte ko dahil nagkaroon ako ng mga tunay na kaibigan tulad nila.

To be continued…

------------------------------------

Hangang dito lang muna ang update ko. Hahah.

BUkas na ang tunay na kasal.. abangan! :)

Ahahah.. paramdam naman kayo para sipagin si AUTHOR magupdate!hihih! :)

SANA NAGENJOY KAYO SA UPDATE KO.. ^_________^

-------------

Don’t forget to leave your comments, vote if you think it’s deserving and be a fan if you think I deserve to write..Thank you! ^_____^

EnigmaticEnnelg <3

CASCADES (For all it's Worth) &lt;3حيث تعيش القصص. اكتشف الآن